2 gumaling muling nagpositibo 2 PA PATAY SA COVID SA MALABON

MULING nakapagtala ng dalawang bagong COVID-19 casualty ang Malabon City at dalawa ang gumaling ngunit muling nagpositibo sa nasabing sakit sa unang araw ng Disyembre. Ayon sa City Health Department, tig-isa ang namatay sa Brgy. Panghulo at Brgy. Potrero. Sa nasabi ring dalawang barangay ay nagkaroon ng pagbabago sa datos ng mga gumaling dahil muling nagpositibo sa COVID-19 ang dalawa sa mga ito. Mula 220 ay 219 na lamang ang recoveries sa Panghulo habang mula sa 669 ay 668 na lamang sa sa Potrero. Kaugnay nito, 11 ang nadagdag na…

Read More

MMC humirit ng status quo MINORS ‘WAG MUNANG PAYAGAN SA MALLS

STATUS QUO ang hiling ng mga miyembro ng Metro Manila Council (MMC), ang policy-making body ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at hindi ang pagpayag sa minors na magpunta sa malls. Nagkasundo ang mga alkaldeng miyembro ng MMC na hintayin muna ang opinyon ng mga eksperto bago sila magsagawa ng desisyon kung papapayagan ang mga menor de edad na mamasyal sa malls sa Metro Manila kasama ang kanilang mga magulang. Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, nagkasundo ang Metro Manila Mayors na kailangan talaga ang magiging opinyon ng Philippine…

Read More

COVID-19 RESPONSE EXERCISES ISINAGAWA NG PPA

NAGSAGAWA ng COVID-19 Response Exercise ang Philippine Ports Authority (PPA), sa tulong ng stakeholders at kanilang partners, sa TMO-Pasig River Terminal Building sa Maynila nitong Miyerkoles. Ang pagsasanay na tinawag ding Inter-Agency Exercise (IEX), ay kabilang ang COVID-19 Response with Bomb Threat and Hostage Taking. Kasama sa mga nakiisa ay mga kinatawan mula sa Philippine National Police Maritime Group, Philippine Coast Guard (PCG), K9 Group, Baseco Police Station 13, stakeholders and partners. Sa panayam ng SAKSI NGAYON kay Eligio Fortajada, Port Manager, PMO NCR South, Maynila, sinabi niyang maganda at…

Read More

WALANG ‘NGANGA’ SA PASKO SA MAYNILA

INIHAYAG ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na nakaisip sila ng paraan ni Vice Mayor Honey Lacuna upang ang lahat ng pamilya sa lungsod, na umaabot sa 650,000 ang populasyon, ay magkaroon ng pagsasaluhan sa kanilang hapag pagdating ng bisperas at mismong araw ng Pasko. “As we speak, baka nasa mga distrito na ang food packs. May mapagharimunan man lamang ang mga tao… walang nganga sa bisperas ng Pasko. ‘Yung 70 percent of the food packs can be set aside para sa Christmas Day o Christmas eve. Kung wala…

Read More

KALIGTASAN NG KABATAAN, TIYAKIN

HINIMOK si Senadora Grace Poe ang gobyerno na tiyakin ang kaligtasan ng mga kabataan sa gitna ng pagpapaluwag ng restrictions at pagbibigay ng go signal sa mga minor na makapunta na sa mga mall. “As government plans to relax quarantine restrictions on minors, we trust that the government and mall authorities will be rigorous in implementing measures to ensure that safety protocols are observed,” pahayag ni Poe. Ipinaliwanag ng senadora na dahil sa Covid19 pandemic, naiba ang mundo ng kabataan sa gitna na rin ng pagpapatupad ng bagong sistema ng…

Read More

DAGDAG PONDO NG DOE DAPAT LANG – SOLON

AABOT sa P46 milyon ang nais ni Senador Win Gatchalian na dagdag sa budget ng Department of Energy (DOE) para sa susunod na taon para mapondohan ang pagsasaliksik sa mga umuusbong na mga teknolohiya na magiging daan para mapababa ang presyo ng enerhiya sa bansa. “Kailangan nating mamuhunan sa mga pag-aaral para matuklasan natin ang mga alternatibong mapagkukunan ng suplay ng enerhiya. Ang makakalap natin dito ay makakapagpabago sa ating pamumuhay at kalaunan ay makakapagbigay katipiran sa ating mga gastusin,” ayon kay Gatchalian na chairman ng Senate Energy Committee. Iminungkahi…

Read More

Singil sa kuryente hindi doble – Meralco ZARATE, MILITANTE SINUNGALING

PINABULAANAN ng Manila Electric Co. (Meralco) ang paulit-ulit na paratang ng grupong Bayan Muna at Matuwid na Singil sa Kuryente na labis-labis ang sinisingil nila sa kanilang mga kostumer. Kamakailan ay hinikayat ni Bayan Muna Cong. Carlos Zarate na paspasan ng Kamara ang pag-iimbestiga sa Meralco hinggil sa diumano’y sobra-sobrang paniningil nito na nagkakahalaga ng P66 bilyon. Ayon kay Joe R. Zaldarriaga, vice president at tagapagsalita ng Meralco, “Ang singil ng Meralco sa kanilang mga customer ay hindi labis sa itinakda ng batas at sa inaprubahan ng Energy Regulatory Commission…

Read More

Hindi nakatala sa Local Health Office KAMARA PUMIYOK SA 98 COVID CASES

KINAILANGAN pang kalampagin ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) sa kanilang late reporting ng covid cases ang House of Representatives bago ito ma-pressure at umamin na mayroong 98 confirmed cases ang Kamara mula pa noong Nobyembre 10. Sa press release na inilabas ng tanggapan ni House Speaker Lord Allan Velasco ay inamin nitong mayroong 98 confirmed cases ang Kamara, ang mga ito ay base sa resulta ng kanilang isinagawang mass testing. Gayunpaman, hindi nito idinetalye kung ilan ang mga apektadong kawani at ilan ang mga mambabatas. Ang 98…

Read More

Hindi pagsunod ng ilang opisyal iimbestigahan ng Kamara BATAS SA SALN IPATUPAD NANG PATAS

(BERNARD TAGUINOD) SA kabila ng pagkakaroon ng mga batas na nagsasabing karapatan ng publiko na malaman ang yaman ng mga government official na nakapaloob sa kanilang Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN), mistulang hindi na ito nasusunod. Ito ang layon ng imbestigasyon na ipinatawag nina Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor at Sagip party-list Rep. Rodante Marcoleta upang makagawa ng batas para sa istriktong pagpapatupad sa mga batas na may kaugnayan sa SALN. Ayon sa dalawang mambabatas, sa kanilang inihaing resolusyon na nag-aatas sa House committee on public accounts,…

Read More