MANANATILI sa ilalim ng general community quarantine ang National Capital Region, Batangas, Iloilo City, Tacloban City, Lanao del Sur, Iligan at Davao City hanggang sa Disyembre 31. Ang natitirang bahagi naman ng bansa ay mananatili sa modified GCQ. Sa national address ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi, ang nasabing bagong quarantine classifications ay base na rin sa rekomendasyon ng Metro Manila mayors na panatilihin sa GCQ ang NCR bilang pag-iingat sa pagkalat ng COVID-19. Kasabay nito, patuloy na hinikayat ng pangulo ang mamamayan na regular na maghugas ng kamay, magsuot ng…
Read MoreMonth: December 2020
BICAM SA NAT’L BUDGET, IDADAAN SA ZOOM CONFERENCE PARA IWAS-BASH
UPANG hindi mabatikos dahil sa posibleng malabag ang health protocol na ipinatutupad ng gobyerno, idadaan ng dalawang Kapulungan ng Kongreso sa zoom ang kanilang bicameral conference meeting. Ito ang napag-alaman kay House appropriation committee chairman Eric Yap sa online interview kaugnay ng Bicam na target umanong matapos hanggang sa Biyernes kung hindi man ay sa susunod na Lunes. “Ang schedule namin tomorrow na siya mag-start and then target namin matapos sa Friday. Yun yung target namin. Pinakamatagal na po yung Monday next week matatapos,” ani Yap. Ayon sa mambabatas, masyadong…
Read MorePNP MULING BINALASA NI SINAS
MULING nagpatupad ng malawakang balasahan matapos ang bahagyang galawan sa ilang top key position sa Philippine National Police hierarchy at one star rank promotion sa may anim na senior police officer nitong nakalipas na linggo. Simula ngayong Martes, December 1, 2020 opisyal nang manunungkulan sa kani-kanilang bagong posisyon ang may 27 senior officers ng PNP. Nilinaw ni PNP Chief Director Gen. Debold Sinas na ang ipatutupad na balasahan sa ilang key position sa loob ng PNP ay base sa consensus ng command group at bunsod sa napipintong pagreretiro ng pitong…
Read More