Motorsiklo sumabit sa truck MAG-ASAWA SUGATAN, 6-ANYOS PATAY

CAVITE – Patay ang isang 6-anyos na batang lalaki habang sugatan ang kanyang mga magulang makaraang sumabit sa isang truck ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Gen. Trias City sa lalawigang ito. Pawang isinugod sa ospital ang mag-asawang sina Eugene Aquino at Clarisse Aquino at ngunit hindi umabot nang buhay ang anak nilang si Jhariss Aquino Hawak na ng pulisya ang driver ng truck na si Charlie Imperial Jr., ng Lumang Bayan, Calapan City. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Jayson Olivar, minamaneho ni Eugene ang kanyang motorsiklo habang angkas ang kanyang…

Read More

22 crew at pasahero nasagip BANGKA SA QUEZON LUMUBOG, 1 NALUNOD

QUEZON – Nasagip ang 17 pasahero at limang crew habang isa ang nalunod nang lumubog ang isang bangka makalipas ang isang oras nang makaalis ito sa pier ng bayan ng Atimonan sa lalawigang ito, noong Lunes ng umaga. Ayon sa Atimonan Police, patungong bayan ng Perez sa isla ng Alabat ang motorboat na MB Gesu Bambino nang ito ay lumubog, 500 metro pa lamang ang layo sa port matapos hampasin ng malalaking alon dakong alas-11:30 ng umaga. Agad itong sinaklolohan ng ilang sasakyang pandagat na malapit sa kinalubugan, kabilang ang…

Read More

FOREIGN TRAINING NG PINOY SCIENTISTS, EXPERTS PONDOHAN – NOGRALES

UPANG hindi mapag-iwanan ang Pilipinas, itinutulak ni Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles na maglaan ng pondo kada taon sa training ng mga Filipino scientist at mga eksperto sa iba’t ibang larangan sa ibang bansa. Sa kanyang House Bill (HB) 1380, hiniling ni Nograles sa House Committee on Higher and Technical Education, kung saan siya ay vice chairman, na itaguyod ang Training ng maraming Filipino scientists and experts sa ibang bansa sa pamamagitan ng annual appropriations. “We need to provide our scientists and experts with opportunities to learn from the…

Read More

Sa COVID-19 immunization GLOBAL FUND TUTULONG SA PINAS – DEFENSOR

BUKOD sa mga pribadong organisasyon sa bansa, tutulong ang Global Fund sa Pilipinas para sa immunization campaign laban sa COVID-19 kapag mayroon nang bakuna. Ito ang tiniyak ni House Committee on Health Vice Chairman Mike Defensor habang ang gobyerno ay naghahanda katuwang ang pribadong mga negosyante para sa immunization campaign sa sandaling dumating na ang bakuna sa COVID-19. Ang Global Fund ang nasa likod ng paglaban sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) at Acquired Immune Deficiency Syndrome (HIV-AIDS) tuberculosis at malaria. “The fund will help us because the coronavirus disease is…

Read More

Dobleng dagok sa mga obrero 6,400 WORKERS SA MACTAN ECOZONE, SINIBAK

UMABOT sa 6,400 manggagawa ang tinanggal mula sa mga kumpanyang pag-aari ng mga dayuhang kapitalista sa Mactan Economic Zone habang ‘ginugulpi’ ng coronavirus disease ang maraming panig ng bansa, kabilang na ang Cebu kung saan matatagpuan ang naturang economic hub. Ang pinakabagong mga nawalan ng trabaho ay ang 300 manggagawa sa First Glory Apparel, ayon sa Partido Manggagawa (PM). Ayon sa PM, pagkalugi at COVID-19 ang inirason ng First Glory sa “biglaang” pagtanggal sa 300 regular na mga manggagawa. Hindi naniniwala ang mga manggagawa sa nasabing mga dahilan ng mga…

Read More

P56.26-B droga nasamsam sa 3-buwang anti-drug ops 909 GOV’T WORKERS NALAMBAT

UMABOT sa 909 ang bilang ng government workers na kasama sa 266,126 katao na naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency sa inilunsad nilang 183,525 anti-illegal drug operations simula Hulyo 1, 2016 hanggang Oktubre 31, 2020. Sa inilabas na datos ni PDEA Public Information Office chief, Director Derrick Carreon, sa 266,126 kataong naaresto ng kanilang mga tauhan, 909 dito ay government workers na kinabibilangan ng 362 politiko o elected officials, 445 naman ang government workers at 102 ang uniformed personnel. Sa 183,525 anti-narcotic operations na ikinasa ng PDEA, umaabot sa 5,942…

Read More

VCO MALAKING TULONG VS COVID-19 – MALAKANYANG

PARA sa Malakanyang, malaki ang potensiyal na lumawak pa ang merkado ng virgin coconut oil sa gitna ng mga nagiging development sa isinasagawang clinical study bilang panlunas sa COVID 19. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nagpapatuloy ang clinical studies ng DOST at maganda ang itinatakbo nito. “Ongoing po ang clinical studies ng DOST, and ang preliminary data po shows very encouraging results ‘no lalung-lalo na parang may preventive at parang nakakatulong po iyan sa early symptoms ng COVID,” ayon kay Sec. Roque. Kapag nagkataon aniya ay tiyak na makikinabang…

Read More

KOOPERASYON NG PINAS AT AUSTRALIA PAIIGTINGIN

LALO pang paiigtingin ng Pilipinas at Australia ang bilateral cooperation sa pagitan ng dalawang bansa, maging ang resulta ng katatapos lamang na ASEAN Summit. Napag-usapan ito sa phone conversation nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Australian Prime Minister Scott Morrison. “President Duterte also noted the growing ties between the Philippines and Australia, stressing that the Philippines looks forward to the adoption of a Plan of Action to further implement the Joint Declaration of the Philippines-Australia Comprehensive Partnership,” ayon kay Chief Presidential Protocol and Presidential Assistant on Foreign Affairs Usec. Robert…

Read More

Basta may kasamang adult MINORS PWEDE NANG MAG-MALL

PAPAYAGAN nang makalabas at makapunta sa malls sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine ang mga kabataan basta kasama ang kanilang mga magulang. Sa public address ni Pangulong Duterte, sinabi ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na “Para na rin po sa Kapaskuhan ay dun sa ipinag-utos natin na puwede nang gradual expansion ng age group para makalabas ang mga minor.” Subalit, kailangan aniyang hintayin ang ordinansa ng mga lokal na opisyal tungkol sa pagluluwag ng patakaran para sa mga kabataan. Matatandaang, inirekomenda ng Department…

Read More