TINATAYANG P1,360,000 halaga ng ecstasy tablets at P340,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa inilatag na buy-bust operation na nagresulta sa pagkamatay ng isang hinihinalang tulak at nakatakas ang umano’y kasabwat nito sa Ermita, Manila nitong Biyernes ng madaling araw. Sinasabing distributor ng ilegal na droga ang napatay na suspek na kinilala lamang na si alyas “Kuya” habang nakatakas ang kasabwat nitong si alyas “Ish Aguilar”. Base sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Ermita Police Station 5, na isinumite kay P/Lt. Col. Ariel Caramoan, station commander, bandang alas-12:20 ng madaling…
Read MoreMonth: January 2021
VALENZUELA INULAN NG REKLAMO VS PLDT, CONVERGE
Pinulong ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang mga kinatawan ng Philippine Long Distance Telephone Co. (PLDT) at Converge ICT Solutions Inc. para bigyan ng “huling babala” upang tugunan ang hinaing ng kanyang mga nasasakupan. Ito ay matapos ulanin ng reklamo ang alkalde ukol sa koneksyon ng internet mula sa mga Valenzuelano nitong nagdaang kapaskuhan. Bago ito ay sa social media ibinuhos ng alkalde ang ‘pag-usok ng kanyang bumbunan’ dahil lumalabas na ginagawa siyang utusan ng PLDT. “PLDT Cares I’m turning into your errands boy…people are lodging their complaints and…
Read MoreP200-M INILAAN NG MALABON SA COVID VACCINE
NAGLAAN ang pamahalaang lungsod ng Malabon ng kabuuang P200 milyon para sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19. Sa nasabing halaga ay maaaring makabili ng bakuna para sa 30% ng 366,000 populasyon ng lungsod o tinatayang 90,000 residente, ayon kay Dr. Roberto Romero, hepe ng Malabon City Health Department. Bibigyan ng prayoridad ang health workers, mga naghahanapbuhay sa labas ng lungsod, senior citizens at mga indibidwal na may karamdaman o immunocompromised, sa pagbabakuna, ayon kay Mayor Antolin Oreta. Sa isang pahayag noong Huwebes, idinagdag ng alkalde na handa ang mga…
Read More1 NADAGDAG SA COVID DEATHS SA MALABON
ISA na naman ang namatay sa COVID-19 sa Barangay Baritan, Malabon City noong Enero 7, ang ika-235 na binawian ng buhay sa lungsod dahil sa pandemya. Ayon sa City Health Department, lima naman nadagdag na confirmed cases at 6,107 na ang positive cases sa Malabon, 44 dito ang active cases. Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangays Niugan (1) at Tañong (4). Apat naman ang gumaling. Sila ay mula sa Barangay Catmon (1), Ibaba (1) at Potrero (2). Sa kabuuan ay 5,828 ang recovered patients ng siyudad. Samantala, 8,601…
Read More2 CHINESE KINASUHAN NG TAX EVASION NG BIR
SINAMPAHAN ng kasong kriminal sa Department of Justice (DOJ) ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Revenue Region No. 4 sina Shi Shanbang a.k.a “Andy Co” at Victor Gaw Sy dahil sa pandaraya sa buwis ng gobyerno. Ang kasong isinampa ng BIR Region No. 4 ay para sa ‘Unlawful Pursuit of Business, Failure to File Excise Tax Returns, and Unlawful Possession or Removal of Articles Subject to Excise Tax Without Payment of Tax’ na paglabag sa Sections 236, 258 at 263 ng National Internal Revenue Code of 1997 as amended Tax…
Read More14 DPWH DISTRICT ENGINEERS SINIBAK SA KORAPSYON
SA wakas, tinanggal na ni Secretary Mark Villar ang labing-apat na district engineers ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa korapsyon. Ang aksiyon ni Villar ay batay sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa korap na mga opisyal at kawani ng DPWH. Sabi ni Villar, maglulunsad siya ng reorganisasyon sa DPWH, alinsunod sa utos ni Duterte. Ilang araw na ang nakalipas, sinabi ni Duterte na pag-aaralan niya ang mga taong ipupuwesto ni Villar bago niya ito aprubahan. Mula nang maging kalihim ng DPWH si Villar noong…
Read MoreBULACAN BORDERS MAS HINIGPITAN KONTRA COVID-19
MAS hihigpitan ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan ang mga border nito bilang bahagi ng pag-iingat laban sa COVID-19. Nauna rito, nagpulong ang Provincial Task Force on COVID-19 sa pangunguna ni Governor Daniel Fernando sa pamamagitan ng zoom video conference kung saan tinalakay ang kasalukuyang pandemya at binigyang-diin sa publiko na ipagpatuloy ang seryosong paglaban sa sakit, may banta man o wala ng mga bagong uri ng COVID-19 na kumakalat sa buong mundo sa kasalukuyan. Kabilang sa isinagawang paghihigpit ay ang pagprotekta sa mga hangganan ng nasabing lalawigan kung saan may…
Read MoreSHABU LAB NADISKUBRE SA CAINTA APARTMENT
SINALAKAY ng mga miyembro ng PNP Drug Enforcement Group Special Operation Unit ang isang apartment na ginawang kitchen type drug laboratory, matapos isuplong ng Lalamove rider, alas-6:00 ng gabi noong Huwebes sa #9029 Sampaguita St., Kabisig Block 1, Floodway, Cainta, Rizal. Arestado ang isang babae na kinilalang si Khystyn Almario Pimentel, 30, nagtatrabaho sa isang curriculum quantic sa Taytay, Rizal, tubong Davao City. Natagpuan sa nasabing drug laboratory sa nabanggit na bahay ang walong plastic sachet naglalaman ng mahigit libong ecstasy na may iba’t ibang kulay, marijuana kush, iba’t ibat…
Read More9 FISHING VESSELS HULI SA QUEZON
SIYAM na commercial fishing vessels na may taglay na Danish Seine, o mas kilala sa tawag na “buli-buli o hulbot-hulbot” ang nahuli ng fisheries law enforcers ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) at iba pang ahensiya ng gobyerno, sa karagatan ng Barangay Tapucan sa Mauban, Quezon bago matapos ang taong 2020. Umaga noong Disyembre 31, 2020 nang maispatan ang commercial fishing vessels na nakadaong sa berthing area ng Tupacan River, ng pinagsamang team ng BFAR 4A-Fisheries Protection Law Enforcement Group (FPLEG), 1st Quezon Provincial Mobile Force Company…
Read More