Sasakyan sa paligid ng Quiapo kukumpiskahin ROAD CLOSURES NILATAG SA PISTA NG NAZARENO

NAGBABALA si Manila Mayor Isko Moreno sa lahat ng motorista na kukumpiskahin ang kanilang iiwanang sasakyan malapit sa ilang lugar at paligid ng Quiapo ngayong araw mismo ng Pista ng Itim na Nazareno. Sa isang panayam, inulit ni Moreno na ang road closures ay istriktong ipatutupad at walang exception dito at ang lokal na pamahalaan na kanyang pinamumunuan at ni Vice Mayor Honey Lacuna ay nakapaglatag na ng mga posibleng suporta sa kapulisan at Simbahan para sa maayos at payapang selebrasyon ng kapistahan ng Nazareno. Ayon kay Lacuna, ang mga…

Read More

Kahinaan lumutang sa Dacera case INVESTIGATION PROCESS NG PNP PINABABAGO

(BERNARD TAGUINOD) NABUKO ang kahinaan ng Philippine National Police (PNP) sa pag-iimbestiga sa kaso ng pagkamatay ng isang tao tulad ng fligh attendant na si Christine Angelica Dacera. Dahil dito, iginiit ni Iloilo Rep. Janette Garin na panahon na para rebyuhin at baguhin ang sistema ng PNP sa pag-iimbestiga sa mga kasong katulad ng kay Dacera upang maiwasan ang kalituhan na posibleng maging dahilan para hindi mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng isang tao. “This brings me to the reality that our death investigation system needs to change and adapt.…

Read More

AKSYON NG FISCAL SA DACERA CASE PINABORAN

SUPORTADO ng Malakanyang ang naging hakbang ni Prosecutor General Benedicto Malcontento na pagsumitihin muna ng physical evidence ang Makati City Police hinggil sa kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, sa 30 taon niyang pagpa-practice bilang isang private prosecutor, mas makabubuti talagang may physical evidence na kalakip sa paghahain ng reklamo. “In my 30 years of practice, as a private prosecutor, mas mabuti po kasi talaga itong mga physical evidence, dahil hindi po iyon nagsisinungaling, hindi masusuhulan, hindi matatakot. So, I…

Read More

Sa gitna ng banta ng bagong covid strain CHILD ABUSE LULUBHA PA

NAGBABALA si Senador Imee Marcos na posibleng lumala ang kaso ng pag-abuso sa mga bata sa gitna ng banta ng panibagong COVID-19 strain at sa pagtaas ng infection rate nitong nakaraang Pasko na posibleng mauwi na naman sa matagal na community quarantine at mas matagal na pagkalantad ng bata sa internet. Sa pahayag, iginiit ni Marcos ang agarang imbestigasyon sa walang humpay na kaso ng pang-aabuso sa bata sa online mula nang mag-lockdown halos isang taon na ang nagdaan, sabay hain ng Senate Resolution No.604 bilang follow-up sa panukalang inihain…

Read More

TARGET NA 10M COVID-19 TEST MAAABOT SA 1ST QUARTER NG 2021

KUMPIYANSA ang gobyerno na kaya nitong abutin ang 10 milyong target na COVID-19 test sa first quarter ng kasalukuyang taon. Sinabi ni Testing czar at Deputy Chief Implementer Secretary Vince Dizon, halos nasa 7 milyon na ang sumalang sa covid test at base sa kanilang pagtaya ay kaya namang makuha ang 10 million target test. Sigurado aniya siyang darami pa ang mga datos ng mga isinasagawang testing ngayong tapos na ang holiday season na bahagyang bumagal dahil na rin sa nagdaang break. “Ang last na lang po sa testing, nasabi…

Read More

Atienza, iba pa inupakan BULAG-BULAGAN SA ABS-CBN VIOLATIONS

NAGBULAG-BULAGAN at nagbingi-bingihan ang ilang mambabatas tulad ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza sa mga paglabag ng ABS-CBN Corporation sa kanilang prangkisa at maging sa Saligang Batas. Ito ang buwelta ni dating House Speaker at Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano kay Atienza dahil sa plano ng mga ito na bigyan ng panibagong prangkisa ang nasabing network kahit hindi pa nagsagawa ng reporma upang itama ang kanilang pagkakamali o paglabag sa batas at maging sa kanilang prangkisa. “The problem with some of them pushing katulad ni Congressman Atienza, nagbubulag-bulagan at bingi-bingihan…

Read More

5 BAGONG COVID-19 VARIANTS NADISKUBRE

NADAGDAGAN ang bagong strain ng COVID-19 bukod sa unang nadiskubre sa United Kingdom. Nabatid na may lima pang bagong variants ng coronavirus ang mahigpit na binabantayan ngayon ng mga eksperto sa iba’t ibang panig ng mundo. Batay sa ulat, mayroon ding South African variant na binansagan bilang 501Y.V2 na nakapagtala na ng kaso sa sampung iba’t ibang bansa. Iba rin ito sa nadiskubreng 1701V variant sa Malaysia at P681H variant na natuklasan naman sa Nigeria. Sa Denmark, nakita ang cluster 5 variant na unang natuklasan sa hayop na minks. Samantala,…

Read More

BULACAN BORDERS MAS HINIGPITAN KONTRA COVID-19

MAS hihigpitan ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan ang mga border nito bilang bahagi ng pag-iingat laban sa COVID-19. Nauna rito, nagpulong ang Provincial Task Force on COVID-19 sa pangunguna ni Governor Daniel Fernando sa pamamagitan ng zoom video conference kung saan tinalakay ang kasalukuyang pandemya at binigyang-diin sa publiko na ipagpatuloy ang seryosong paglaban sa sakit, may banta man o wala ng mga bagong uri ng COVID-19 na kumakalat sa buong mundo sa kasalukuyan. Kabilang sa isinagawang paghihigpit ay ang pagprotekta sa mga hangganan ng nasabing lalawigan kung saan may…

Read More

DAHIL SA UTANG, OFW HINDI MAKAUWI NG BANSA

KAMAKAILAN ay nakatanggap ako ng tawag mula sa nagpakilalang Ermon na kapatid ng isang OFW na nasa Dubai. Naikwento sa akin ni Ermon ang pinagdaraanan ng kanyang kapatid na kung saan ay wala na itong trabaho at tiyak na tirahan dahil sa kinakaharap nitong kaso na isinampa ng kapwa rin OFW na si Angeline. Mahigit sampung taon na nila diumano ­hinahanap si OFW Angeline na ­pinagkakautangan ng ­kanyang kapatid na si OFW ­Gilbert para pakiusapan ito na iurong na lamang ang kaso. Marami na silang nilapitang mga NGO at opisyal…

Read More