MISTULANG minaliit ng pangulo ng Liberal Party (LP) ang ibang kumpanya ng media nang iwasiwas nito ang ideyang kapos sa eksakto at tamang impormasyon hinggil sa COVID-19 sa bansa nang wakasan ang prangkisa ng ABS-CBN Corporation. Sa kanyang kalatas, inihayag ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan na: “part of the reason that the pandemic has not been put under control in the Philippines is the lack of an information network that gives accurate and timely facts and stories to help people make sound decisions”. Malinaw sa pahayag na ito na binatikos…
Read MoreMonth: January 2021
P6-B 2021 BUDGET NG BULACAN, APRUBADO NA
UMABOT sa anim na bilyon ang budget ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na pinagtibay ng Sangguniang Panlalawigan para sa mga gugugulin ng kapitolyo sa taong 2021. Ayon kay Gobernador Daniel Fernando, popondohan nito ang mga tinukoy na prayoridad sa binalangkas na Provincial Development Plan. Mula sa 5.7 bilyon pisong provincial budget noong 2020, tumaas ito sa P6-bilyon dahil sa pag-angat ng per capita income o ang average na kita ng isang karaniwang Bulakenyong nagtatrabaho at naghahanapbuhay na umaabot sa 1,822.56 piso mula sa dating 1,731.43 piso. Pinakamalaking lalaanan ng anim…
Read More29.7-M PINOY, P71 KITA KADA ARAW – PIDS
AABOT sa 29.7 milyong Pilipino ang kikita o sasahod lang ng P71 kada araw sa hinaharap, ayon sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS). Aakyat naman sa 29.7 milyon ang mga pinakamahirap na mga Pilipino mula sa 17.6 milyon noong 2020 dahil sa kahirapang nararanasan ng bansa, saad ng PIDS. Ang P71 kita bawat araw ay siyang natatanggap ng mga pamilyang pasok sa kategorya ng malalang kahirapang umiiral sa bansa. Simula ikalawang kwarter ng 2020 hanggang matapos ang nasabing taon, masyadong mababa ang negatibong gross domestic product (GDP)…
Read MoreONLINE SEX TRADE, PINAIIMBESTIGAHAN NI DUTERTE
KINUMPIRMA ni Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go na nakarating na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang ulat kaugnay sa Christmas sale ng students’ online sex trade. Sinabi ni Go na ipapatawag na ng Pangulo ang anti-cybercrime authorities upang magsagawa ng malalimang imbestigasyon kasabay na rin ng atas sa Council for the Welfare of the Children na tutukan ang usapin dahil maituturing itong pagsasamantala sa mga kabataan. Idinagdag ng senador na ipinaalala ni Pangulong Duterte na hindi dahilan ang kahirapan para ibenta ng mga estudyante ang kanilang kaluluwa. Ipinaalala naman ni Go…
Read MoreDRUG PUSHER TIMBOG SA PNPA QUARTERS
NAKAKUHA ng drug paraphernalia sa loob ng quarters ng Philippine National Police Academy (PNPA) makaraan ang isinagawang inspeksyon sa loob ng kampo sa Silang, Cavite. Arestado sa mga awtoridad ang suspek na si Diosdado Reyes Jr., mess personnel ng PNPA Mess Hall sa Brgy. Tartiara, Silang, Cavite. Ayon sa ulat ni P/MSgt, Robert Dimailig ng Silang Municipal Police Station, alas-2:00 ng hapon noong Martes nang magsagawa ng inspeksyon sa quarters si P/Lt, Col. Crisostomo Ubac, hepe ng Intelligence and Investigation Department ng PNPA, base sa sumbong ni Cadet 1CL John…
Read MoreNang-agaw ng baril RAPIST NG ANAK PATAY SA PRESINTO
DAVAO City– Dead on arrival sa pagamutan ang isang lalaking detainee na nahaharap sa kasong rape matapos umanong mang-agaw ng baril sa loob ng himpilan ng pulisya noong Martes ng umaga. Ayon sa Davao City Police Office, base sa ulat ng pulisya, inilabas mula sa selda sa Talomo Police Station ang lalaki na isang rape suspect para isailalim sa online inquest proceeding. Sinasabing kasalukuyang inihahanda ng mga pulis ang kasong incest rape laban sa suspek dahil sa panggagahasa umano nito sa kanyang sariling anak. Sa isinagawang imbestigasyon, sinasabing biglang binunot…
Read MoreMotorsiklo tinumbok ng truck BEBOT PATAY, MISTER KRITIKAL
CAVITE – Patay ang isang ginang habang kritikal ang mister nito makaraang tumbukin ng isang truck ang likurang bahagi ng sinasakyan nilang motorsiklo sa bayan ng Naic sa lalawigang ito. Isinugod sa San Lorenzo Hospital ang mag-asawang sina Edilberto Mata, 50, at Evelyn Mata, 50, kapwa residente ng Phase 3-A, Ciudad Nuevo Subd., Brgy. Timalan, Balsahan, Naic ngunit idineklarang dead on arrival ang ginang. Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng Isuzu NHR truck na si Emmanuel Miranda, 46, ng #90 Majada St., Calamba, Laguna. Ayon sa ulat niP/SSgt.…
Read MorePORT OF CEBU NAKAPAGTALA NG RECORD-HIGH P3.33-B ANNUAL COLLECTION SUrpLUS
NAKAPAGTALA ng taunang record-high na koleksyon ang Bureau of Customs Port of Cebu nitong nakalipas na Disyembre 31, 2020. Base sa kanilang ulat, ang Port of Cebu ay nakakulekta ng aabot sa 3.331 bilyong piso para sa kanilang annual revenue collection surplus, ang pinakamalaking sobra na naitala ng port. Sa yearend tally lumalabas na ang Port of Cebu ay nakapag-ambag sa gobyerno ng kabuuang 30.870 bilyong piso, 12.10% mas mataas sa kanilang annual target na 27.539 bilyong piso. Kinilala naman ni Port of Cebu Acting District Collector Atty. Charlito Martin…
Read MorePUBLIKO BINALAAN NG BOC VS FAKE COVID-19 VACCINES
NAGBABALA ang Bureau of Customs (BOC) sa publiko laban sa mga pekeng bakuna sa Covid-19 na smuggled at kumakalat ngayon sa merkado. Sa inilabas na article ng Europol at ang United States Department of Homeland Security binanggit na may malaking posibilidad na may organized crime groups na nagpapakalat ng mga pekeng COVID-19 vaccine sa merkado. Nakatala rin sa nasabing article na may mga bansa sa kasalukuyan ang may crime groups na nagtangkang bentahan ang kanilang merkado ng fake influenza vaccines na kung saan ay napatunayan na pawang mga palsipikado. Dahil…
Read More