TWG SA BAGONG COVID-19 VARIANT ITINATAG NG IATF

NAGTATAG na ng Technical Working Group ang Inter-Agency Task Force (IATF) na tututok sa bagong variant ng COVID-19. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, magiging trabaho ng TWG na i- monitor at alamin kung may nakapasok nang bagong strain ng covid sa bansa. Aniya pa, ang Technical Working Group din ang lilikha ng policy recommendation sa IATF partikular kung anong magiging tugon ng gobyerno sa bagong variant ng corona virus. Magsisilbi umanong chair ng TWG si DOH Undersecretary Maria Rosario -Vergeire habang co-chair naman si Executive Director Jaime Montoya ng…

Read More

LENDER ITINUMBA NG TANDEM

PATAY ang isang lender matapos pagbabarilin ng hindi kilalang riding in tandem at tinangay ang bag ng biktima na naglalaman ng hindi pa mabatid na halaga ng pera, sa Malabon City noong Martes. Kaagad nalagutan ng hininga sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang si Rodolfo Carpentero, 46, ng #28 Kaunlaran St. Brgy. Muzon. Ayon saa imbestigasyon nina P/SSgt. Jose Romeo Germinal at P/Cpl. Michael Oben, dakong alas-4:40 ng hapon, nakatayo ang biktima sa gilid ng kanyang electric bike sa kanto ng Kaunlaran at Kagitingan…

Read More

50% CAPACITY SA QUIAPO CHURCH TABLADO

TINABLA ng Malakanyang ang hirit ng mga taga-Quiapo Church na gawing 50 porsyento ang capacity na papayagang makapasok sa nasabing simbahan para i-accomodate lahat ng deboto na makikiisa sa pista ng Itim na Nazareno. Giit ni Presidential spokesperson Harry Roque ay hanggang 30% lang ang puwede sa religious services. “So, hindi po iyan nababago pa. Hanggang mabago po iyan, eh kinakailangan sundin po natin iyang 30% capacity,” diing pahayag ni Sec. Roque. Dahil sa pandemiya na bitbit ng COVID-19 ay masasabing ito ang pinakaunang pagkakataon sa loob ng mahabang panahon…

Read More

BAYANIHAN 2 BUDGET PINALAWIG

PINALAWIG ni Pangulong  Rodrigo Roa Duterte ang shelf life o buhay ng 2020 national budget at pondong inilaan sa Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2. Ang kopya ng hakbanging ito ay ipinalabas, araw ng Miyerkoles. Tinintahan ni Pangulong Duterte ang Republic Act 11520, na pinapayagan ang mga ahensiya ng pamahalaan na magkaroon ng isa pang taon para gastusin ang  2020 budget. Nilagdaan din ng punong ehekutibo ang RA 11519 o “an act extending the validity of appropriations under the Bayanihan 2.” “With the RA 11520, all allocations…

Read More

Katiwalian, batas sa SALN ayaw talakayin HOUSE PROBE PINIPIGILAN NI VELASCO

PINIPIGILAN ni House Speaker Lord Allan Velasco ang imbestigasyon sa mga katiwalian sa gobyerno at hindi pagsunod sa batas tulad ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) law. Ito ang kinumpirma ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor sa mga mamamahayag sa Kamara kaya nangangamba ito na hindi maitama ang batas kapag hindi nagkaroon ng imbestigasyon. “To be fair with Speaker Velasco, I’m not sure if may conscious moves siyang ginagawa (na pigilan ang imbestigasyon). Pero I’m very, very, sure ayaw niya ng investigation,” ani Defensor. Kasama sa nakalinya…

Read More

Itinutulak ni Nograles sa Kongreso ANTI-CHILD PORNOGRAPHY LAW PALAKASIN

NANAWAGAN sa liderato ng Kongreso si Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles na agad talakayin at ipasa ang panukalang batas na magpapalakas pa sa Republic Act (RA) 9775 o Anti-Child Pornography Act of 2009. Ginawa ng mambabatas ang nasabing panawagan sa gitna ng report na ilang estudyante ang nagbebenta ng kanilang sensual photos at videos para magkaroon ng pera na pambili ng gadgets na kailangan ng mga ito sa distance learning classes. “We have to place measures to protect our children—even from themselves. We have to act so that children…

Read More

Biktima piniktyuran pa RAPE SUSPECT ARESTADO

ARESTADO ang isang 18-anyos na painter sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong panggagahasa na umano’y kinunan pa ng malaswang larawan ang biktima, sa Tondo, Manila. Dakong alas-5:45 ng hapon noong Martes nang madakip ang suspek na si Rey Mark Cortez, binata, residente sa #316 Zaragosa St., Tondo, sa Claro M. Recto Avenue malapit sa Delpan St. sa Binondo. Makaraang mabatid ang kinaroroonan ng suspek, agad nagtungo sa lugar ang mga tauhan ni P/Lt. Col. Magno Gallora Jr., station commander ng Manila Police District-Station 2, at inaresto ang…

Read More

May pananagutan sa sinapit ni Dacera – NCRPO CITY GARDEN HOTEL IPASASARA

(JESSE KABEL) MAAARING suspendihin o ipasara ang City Garden Hotel sa sandaling mapagtibay sa imbestigasyon ng mga awtoridad ang mga paglabag nito matapos ang pagkamatay ng 23-anyos na flight attendant noong bagong taon sa Makati City. Binigyang-diin ni PNP-National Capital Region Police Office Chief P/BGen. Vicente Danao Jr., na may pananagutan ang nasabing hotel sa pagkamatay ni Christine Angelica Dacera dahil nasa general community quarantine pa rin ang Metro Manila at bawal ang mass gathering lalo na kapag ang kwarto nila ay good for four, na dapat ay dalawang indibidwal…

Read More

BOCAUE MAYOR AT KONSEHAL, POSITIBO SA COVID-19

NAGPOSITIBO kahapon sa coronavirus disease (COVID-19) ang alkalde at isang konsehal ng munisipyo ng Bocaue, Bulacan. Kapwa kinumpirma nina Mayor Jose Santiago Jr. at Councilor Aldrin Sta. Ana nitong Miyerkoles sa pamamagitan ng kanilang Facebook account ang pagsailalim nila sa swab testing at ang positibong resulta nito. Ang swab test result ay lumabas Martes ng gabi mula sa Joni Villanueva Molecular Laboratory. Nabatid na makaraang mabatid ng alkalde na siya ay may nakasalamuhang nagpositibo sa nasabing virus ay agad siyang sumailalim sa swab test. “I immediately took swab test at…

Read More