(BERNARD TAGUINOD) MISMONG ang Kongreso na ang magko-cover up sa mga atraso ng ABS-CBN Corporation kapag binigyan ito ng panibagong prangkisa kahit hindi pa inaayos ng mga ito ang natuklasang paglabag nila sa Konstitusyon at maging sa kanilang dating franchise law. Ito ang ibinabala ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta matapos simulan ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang pagbibigay ng panibagong prangkisa sa ABS-CBN. Agad namang nagsabi si Deputy Speaker Vilma Santos-Recto na anomang araw ay muli nitong ihahain ang kanyang panukala na bigyan ng panibagong 25 year franchise…
Read MoreMonth: January 2021
DAGDAG PHILHEALTH CONTRIBUTION, HINAHARANG
ANIM na senador ang nangunguna sa aksyon upang harangin ang 3.5-percent increase sa kontribusyon sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) premium ngayong taon. Inihain ni Senador Grace Poe, katuwang ang mga co-authors na sina Senators Miguel Zubiri, Joel Villanueva, Nancy Binay at Sherwin Gatchalian ang Senate Bill No. 1968 upang suspindehin ang dagdag singil. “It’s simply inhumane to apply an increase in contributions for healthcare services when we are right in the middle of a health crisis. Especially since there are many irregularities that PhilHealth hasn’t answered for yet,” saad…
Read MoreNAKAKAHIYA NA ANG PINAS, KUNG DI PA MAGBAKUNA – LACSON
IPINAGDIINAN ni Senador Panfilo Lacson na pinakamahalaga sa ngayon ang bakuna laban sa COVID-19. Sinabi ni Lacson na ang unang dapat na isinasaalang-alang ng Department of Health (DOH) at ng Food and Drug Administration (FDA) para sa paggagawad na ng compassionate special permits upang makapasok sa bansa ang mga COVID-19 vaccines sa lalong madaling panahon. “Why don’t they exercise their power to issue a compassionate special permit? Their officials keep claiming they are still conducting studies. Mamamatay tayo sa ka-study eh,” saad ni Lacson. Iginiit ng mambabatas na walang ibang…
Read MoreBAGONG SALTA SA QATAR, NAGSASAMANTALA?
LUBHANG nalugmok ang industriya ng recruitment agencies simula ng nagkaroon ng pandemya. Enero pa lang ay apektado na ang industriya lalo na ang mga ahensya na nagpapadala ng mga Household service workers (HSW) sa bansang Kuwait dahil sa pagkamatay ni Jeanalyn Villavende. Hindi pa man nakakapagsimula sa pag-ahon ang mga ahensya ay bigla naman nagkaroon ng total lockdown at pagtigil ng pagpapadala ng mga OFW sa iba-ibang bansa. Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nagkakaroon ng siyento por siyento (100%) na operasyon ang mga ahensya maliban na lamang sa…
Read MoreKAMALIAN HINDI DAPAT BIGYANG KATWIRAN
ISA sa mga dahilan kaya hindi umusad-usad ang buhay at kabuhayan ng mga Filipino ay dahil sa ugali nating “PWEDE NA, OKAY NA, SAPAT NA o kaya ay TAMA NA.” Gayung ang totoo ay mayroon pa tayong ibubuga. May magagawa pa tayo para hindi tayo mahuli sa pansitan o kaya ay mapag-iwanan ng ibang mga bansa lalo na yung mga kapit-bahay natin dito sa Asya. Nasasapatan na tayo sa mga bagay-bagay kahit kulang pa. At isang bagay pa na mali sa ugaling Filipino ay ang bigyang katwiran kahit pa isang…
Read MoreWALANG KAPARIS NA KATAPANGAN NG PSG
BAKIT ba ang ilang Senador at kampo ni Vice President Leni Robredo ay mainit sa pagpapaturok ng smuggled COVID-19 vaccine ng PSG?? DIBA dapat maging masaya na lang sila sa katapangang ipinamalas ng Presidential Security Group (PSG) na handang sumalo ng kahit ano basta masiguro lang ang kaligtasan ng kanilang binabantayang Pangulo ng bansa. Hindi ko talaga maintindihan ang motibo ng pag-iingay ng ilang senador at ni VP Robredo kaugnay sa napaulat na pagbabakuna ng PSG. “NAMUMULITIKA NA BA SILA??” Paalala lang! Malayo-layo pa po ang eleksyon, ni hindi pa…
Read MoreSMBeer coach Leo Austria: ‘Babangon kami!’
SPORTS FEATURE Ni EDDIE ALINEA NAGKAROON ng reputasyon ang San Miguel Beermen na nakababalik sa tuwing sila’y malulugmok sa pagkatalo mula pa noong 45 taon na ang nakalilipas, nang sumama ang koponan sa walong prangkisang humiwalay sa ranggo ng amatyur at nagtayo ng PBA, ang kauna-unahang liga propesyonal sa bansa at sa Asya. Ito ang pagkilalang inaasahan ni coach Leo Austria na magdadala sa Beermen para muling makabangon sa pagkawala nila sa trono ng PBA Philippine Cup na limang taon nilang tinamasa mula noong 2014. Ang Beermen, sa katunayan ay…
Read More3 ARESTADO SA SANLA-KOTSE HOLDAP MODUS
ARESTADO sa mga tauhan ng Manila Police District sa inilatag na manhunt operation ang tatlo sa anim na mga suspek, kabilang ang isang babae, sa sanla-kotse holdap modus, sa Malate, Manila. Ang mga suspek na sina Richard Cuason y Rosel, 37, buy and sell agent; Jerwin Gaviries y Flores, 23; mekaniko, at Winnie Cyrene Soriano y Lopez, 25, ay nasa kustodiya na ng MPD-Station 5, habang patuloy na tinutugis ang tatlo pa nilang kasamahan na si Felizardo Salonga, 39; barangay kagawad sa Brgy. 407, Zone 42, Sampaloc, Manila, at dalawang…
Read MoreSa umento sa PhilHealth premium SUSPENSYON NI PDU30, ILEGAL?
IPINASUSUSPINDE ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtaas sa buwanang hulog ng mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) noong Lunes. Ngunit walang inilabas na executive order (EO) si Duterte upang maging legal ang kanyang utos laban sa 3.5 porsiyentong umento. Nangangahulugang ilegal at kuwestyonable ito. Nabatid ng mga mamamahayag na ang paspasang desisyon ni Duterte ay batay sa udyok umano ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go. Tserman si Go ng Senate Committee on Health. Ang pagtaas sa kontribusyon ng PhilHealth ngayong 2021 ay nakasaad sa Republic Act 11223, o…
Read More