Limang napatay sa Baras, Rizal NPA DEATH SQUAD MEMBERS – DILG

IBINIDA ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na limang tauhan ng New People’s Army (NPA) death squad ang namatay sa engkuwentro sa mga tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) noong Disyembre sa Baras, Rizal. Idiniin ni Año na “kumpirmadong” mga kasapi ng NPA death squad ang limang napatay ng mga sundalo sa Brgy. San Juan, Rizal. Plano umanong pumatay ng mga opisyal ng pamahalaan at mga lider ng organisasyong masa ang nasabing pangkat, batay sa utos ni Jose Maria Sison. Si Sison na noon pang 1987…

Read More

P100K REWARD INILATAG VS SUSPECTS

MARIING kinondena ng mga kinatawan ng ACT-CIS Party-list sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, ang panggagahasa at pagpatay sa flight stewardess na si Dacera sa Makati City noong Bagong Taon. “Hustisya para kay Christine Angelica Dacera! Mariin nating kinokondena ang walang awa at walang konsensyang krimen na ito,” ani Rep. Eric Yap kasabay ng pag-alok ng P100,000 para sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng mga suspek. Base sa mga report, 11 lalaki umano ang kasama ni Dacera sa isang hotel room sa Makati City habang sinasalubong ang Bagong Taon kung saan…

Read More

Binigyan ng show cause order ng DOT HOTEL SASABIT SA DACERA RAPE CASE

DAPAT panagutin ang hotel kung saan ginahasa at pinatay ang flight attendant ng Philippine Airlines (PAL) na si Christine Angelica Dacera dahil sa paglabag sa health protocols. Ito ang pahayag ni ACT-CIS Party-list Rep. Nina Taduran matapos lumabas na pinayagan ng City Garden Hotel na magkaroon ng pagtitipon-tipon ng mahigit sa 10 katao sa isang silid. “Bakit pinayagan nila ang higit sa 10 tao sa isang room eh under GCQ (general community quarantine) pa tayo. Surely, may pananagutan ang hotel dyan at dapat talaga silang panagutin sa nangyari kay Dacera,” ani Taduran. Ginawa…

Read More

BRGY. CHAIRMAN ITINUMBA

DAVAO DEL SUR – Dead on arrival sa ospital ang isang punong barangay matapos pagbabarilin ng ‘di pa kilalang gunman sa mismong bahay nito sa Purok Lubi, Barangay Managa sa bayan ng Bansalan sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Samuel Villacorta Dicdican, 53-anyos, kapitan sa Brgy. Buenavista ng nasabing lugar. Sa ulat ng Bansalan PNP, nakarinig ng alingawngaw ng putok ng baril ang misis ng biktima at paglabas nito sa kanilang bahay ay nakitang duguan ang mister pasado alas-7:00 ng gabi. Isinugod sa pinakamalapit na…

Read More

3 NIGERIAN TIKLO SA P10-M DROGA

CAVITE – Tatlong Nigerian national ang arestado makaraang makumpiskahan ng mahigit P10 milyong halaga ng shabu at marijuana sa buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Cavite Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 1 at 3 sa Gen. Trias City. Kinilala ang mga arestado na sina Ifeanyl Ofoma, Benjamin Enemuo at Chiduben Nwong, pawang mga Nigerian national at naninirahan sa Gen. Trias City. Ayon sa ulat, dakong dakong alas-8:50 ng gabi noong Lunes nang magkasa ng buy-bust operation ang mga awtoridad sa Block 01, Lot 89, Kensington Phase…

Read More

DPWH NAGLAAN NG P900-M SA MANILA NORTH ROAD REHAB

NAGLAAN ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng P900 milyon upang mapabuti ang kalidad ng kalsada sa kahabaan ng Manila North Road-dating Mac Arthur Highway mula sa bayan ng Bocaue hanggang sa Calumpit. Kinumpirma ito ni DPWH First Bulacan District Engineer Henry Alcantara kung saan karamihan sa mga sira-sira na kalsada ay dulot ng pagdaan ng mga naglalakihan at overloaded na truck. Itataas naman ang low-lying areas at lalagyan ang magkabilang gilid ng mga drainage at gagamitin dito ang cement treated base technology, ayon kay Alcantara. Ang nasabing…

Read More

DUTERTE INUPAKAN SA ‘SMUGGLING’ NG COVID VACCINES

MAGIGING coddler ng smuggler ng COVID-19 vaccines si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpigil nito sa imbestigasyon kung saan kinuha ng Presidential Security Group (PSG) ang bakunang itinurok sa kanila. Ito ang bwelta ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas kasabay ng paghahain ng kanyang grupo ng resolusyon para imbestigahan at alisan ng maskara kung sino ang ilegal na nagpasok ng Sinopharm vaccines sa bansa. “What is becoming clear is that Duterte himself is a coddler and protector of vaccine smugglers in our country,” ani Brosas. Nangangamba ang Makabayan bloc congressmen na…

Read More

BALASAHAN SA BIR INIUTOS NI DIGONG

IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Bureau of Internal Revenue (BIR) chief Caesar Dulay na magsagawa ng malawakang balasahan sa kanyang mga tauhan matapos maalis sa trabaho ang ilan sa mga ito dahil sa di umano’y iregularidad. “Magbalasa ka ng tao tapos ibigay mo sa’kin ang listahan and I will review. I-reshuffle mo. Saka ‘yung medyo nagkaroon na ng reputasyon, ‘wag mo nang bigyan ng assignment. Sa office mo na lang,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang lingguhang public address, Lunes ng gabi. Sa kabilang dako, binasa naman ni…

Read More

Papogi para sa 2022 wala sa hulog EPAL NI SOTTO SABLAY

BINATIKOS ni Atty. Lorenzo “Larry” Gadon si Senate President Vicente Sotto III sa paghahain nito ng panukalang prangkisa sa ABS-CBN Corporation sa Senado. Kumbinsido si Gadon na ‘wala sa hulog’ ang hakbang ni Sotto dahil hindi naman magsisimula sa Senado ang panukalang batas hinggil sa 25 taong prangkisa ng lahat ng kumpanyang media at telekomunikasyon kundi sa Kamara de Representantes. “The Senate Bill which intends to grant a new [legislative] franchise to ABS-CBN [Corporation] is not possible under legal circumstances,” pahayag ni Gadon. Ang desisyon ni Sotto ay walang ibang…

Read More