TINIYAK ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na ginagawa nila ang lahat para tuluyang makontrol at hindi na kumalat ang coronavirus sa loob ng akademiya matapos lumabas ang ulat na umaabot na sa 37 ang COVID-19 positive sa loob ng Philippine Military Academy. Inatasan ni AFP chief of Staff Gen Gilbert Gapay si PMA Superintendent Maj. Gen. Ferdinand Cartojano na gawin ang lahat upang matiyak na ligtas at hindi na kumalat pa ang coronavirus sa PMA ground partikular sa hanay ng mga kadete. Ayon kay AFP Spokesman Maj…
Read MoreMonth: January 2021
Usapin sa bakuna pinupulitika PALASYO DEDMA KAY ROBREDO
DEDMA lang ang Malakanyang sa panawagan ni Vice President Leni Robredo at mga opposition senator na transparency at accountability ukol sa nangyaring pagpapabakuna sa PSG personnel ng unauthorized vaccine. “Kagaya ng aking nasabi, nagbibigay-pugay, nagpapasalamat po ang ating presidente sa katapangan, sa katapatan ng PSG na magawa ang kanilang katungkulan na protektahan ang ating presidente,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. Sa ulat, hinikayat ni Robredo na maging transparent ang pamahalaan sa pamamahagi ng bakuna laban sa COVID-19. Kasunod na rin ng pagkabunyag sa publiko ng pagbabakuna sa ilang miyembro…
Read MoreKapag pumalpak ang serbisyo P25-B NG DITO KUKUMPISKAHIN NG GOBYERNO
PWEDENG kumpiskahin ng gobyerno ang performance bond ng Dito Telecommunity at bawiin ang frequency na itinalaga sa kanila kapag hindi nito naideliber ang commitments nito sa nasabing industriya. Ito ang babala ni Makati Rep. Luis Campos Jr. sa Dito Telecommunity na inaasahang magsisimula sa kanilang commercial operations ngayong Marso 2021 at makuha ang 30% market sa mobile Internet services sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon. “Dito has pledged to deliver Internet services with a speed of 27 Mbps and provide network coverage to 37 percent of the population on…
Read MoreAyaw mabunyag ang sabwatan ng DPWH at ilang solons? HOUSE PROBE HINARANG NI VELASCO
PINIGILAN ni House Speaker Lord Allan Velasco ang imbestigasyon sa ilan nilang kasama sa Kongreso na sinasabing nakikipagsabwatan sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang proyekto nito. Isa rin umano ang nasabing imbestigasyon sa mga posibleng dahilan ng pagsibak ni Velasco kina Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor at Bulacan Rep. Jonathan Sy-Alvarado. Ayon kay Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano, iniimbestigahan na nina Defensor at Sy-Alvarado ang nasabing isyu subalit nang maupong Speaker ang kinatawan ng Marinduque ay pinigilan niya ang mga ito. “Actually, bago naalis si Mike…
Read MoreAnomalya sa Duty Free kakalkalin sa Kongreso BWELTA SA WITCH HUNTING NI BELGICA
(BERNARD TAGUINOD) IIMBESTIGAHAN sa Kongreso ang sinasabing anomalya sa Duty Free Philippines Corp. na kinasasangkutan umano ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica. Inihayag ito ni ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap kasabay ng pagbatikos sa aniya’y witch hunting na ginawa ni Belgica sa halip na mag-imbestiga. Ani Yap, sa kanilang ipatatawag na imbestigasyon hinggil sa anomalya sa DFPC ay kanilang tuturuan si Belgica kung paano mag-imbestiga. Reaksyon ito ni Yap matapos magsumite si Belgica ng pangalan ng mga mambabatas kay Pangulong Rodrigo Duterte na walang sapat na ebidensya na…
Read MoreHUSTISYA HILING SA PAGKAMATAY NG STEWARDESS
SUMISIGAW ng hustisya ang pamilya ng stewardess na natagpuang patay sa City Garden Hotel sa Makati City noong Bagong Taon. Nagdududa ang pamilya ng namatay na stewardess na si Christine Angelica Dacera, 23-anyos, ng VS Subdivision, Barangay San Isidro, General Santos City, na mayroong foul play sa pagkamatay ng dalaga base sa nakitang mga pasa at sugat sa binti at hita nito. Isang source na hindi nagpabanggit ng pangalan, ang nagsabing posibleng may kaugnayan sa ilegal na droga ang pangyayari kaya ang pamilya Dacera ay kumbinsidong pinatay ang kanilang anak.…
Read MoreBabala ng LGU sa bakasyunistang Manilenyo TATANGGI SA SWAB TEST KAKASUHAN
NAGBABALA si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa mga Manilenyo na umuwi galing sa mga lalawigan nitong holiday season at iiwas sa ipinag-uutos nitong sumailalim sa mandatory swab testing ngunit kalaunan ay magpopositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), na maaari silang maharap sa kasong kriminal. Ayon sa alkalde, mayroong umiiral na batas hinggil dito kaya’t maaari aniyang maharap ang mga ito sa kasong kriminal. “Kapag ikaw ay positibo at iyong pinabayaan, you might be violating a Republic Act. Merong batas para dyan, more than the IATF (Inter-Agency Task Force)…
Read MorePLASTIC BARRIERS SA BUS, PUVs PINABABAKLAS
UMAPELA ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na ikonsidera ang pag-alis sa plastic barriers sa transport system dahil sa panganib na idinudulot nito sa mga pasahero. Ginawa ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon ang apela matapos masunog ang isang pampasaherong bus sa Commonwealth Ave., Quezon City nang buhusan ng gas at sindihan ng isang pasahero ang babaeng konduktor habang sila ay nag-aaway. “Transportation authorities should investigate what eyewitness accounts say about the plastic barriers inside the bus that caught fire.…
Read MoreMotorsiklo sinalpok ng van 3 PATAY, 1 MALUBHA
CEBU CITY – Patay ang tatlo katao. kabilang ang dalawang menor de edad, habang isa pa ang malubhang nasugatan nang salpukin ng kasunod na van ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa lungsod na ito, ayon sa ulat ng pulisya nitong Lunes. Kinilala ang mga nasawi na sina Alona Salon, 47-anyos, ang ina ng driver na si Jason; Erika Salon, 16, at ang 12-anyos na si Jay Salon. Sa lakas ng impact, agad binawian ng buhay ang 12-anyos na biktima habang pumailalim sa van ang 16-anyos at ang 47-anyos na biktima, tumilapon…
Read More