PLASTIC BARRIERS SA BUS, PUVs PINABABAKLAS

UMAPELA ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na ikonsidera ang pag-alis sa plastic barriers sa transport system dahil sa panganib na idinudulot nito sa mga pasahero.

Ginawa ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon ang apela matapos masunog ang isang pampasaherong bus sa Commonwealth Ave., Quezon City nang buhusan ng gas at sindihan ng isang pasahero ang babaeng konduktor habang sila ay nag-aaway.

“Transportation authorities should investigate what eyewitness accounts say about the plastic barriers inside the bus that caught fire. This could be a basis for IATF to rethink the policy of installing plastic barriers in public transportation,” ani Biazon.

Magugunitang inobliga ng IATF ang lahat ng mga transportasyon na maglagay ng plastic barriers sa kanilang mga sasakyan upang maiwasan na magkahawaan ang mga pasahero sa COVID-19.

Gayunpaman, ang plastic barriers ay isa sa mga dahilan kung bakit agad na nagliyab ang pampasaherong sasakyan na ikinamatay ng konduktora at isa pang biktima.

“The plastic barriers appear to be fatal in an accident, not only because of their flammability but also as a hindrance to the movement of passengers rushing to exit a vehicle,” dagdag pa nito.

Upang maiwasan na mangyari muli aniya ito, dapat nang pag-isipan ng IATF na alisin ang plastic barriers upang hindi mapahamak ang mga pasahero kapag nagkaroon muli ng ganitong insidente.

“It is understandable for the IATF to come up with various measures to contain the spread of COVID-19 but the measures should also take into account other dangers inherent in public transportation,” ayon sa mambabatas. (BERNARD TAGUINOD)

77

Related posts

Leave a Comment