MGA PULIS SA MANILA ‘SECRET CELL’ ABSWELTO

DISMAYADO ang isang mambabatas sa Kamara sa Office of the Ombudsman matapos absuweltuhin ang mga pulis na nasa likod ng umano’y secret cell sa Tondo, Manila na natuklasan ng Commission on Human Rights (CHR) noong 2017. Ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite, isang panibagong kaso ng “impunity” ang pag-absuwelto ni Deputy Ombudsman Cyril Ramos sa mga pulis sa likod ng secret cell. “Deputy Ombudsman Cyril Ramos clearly ignored the video showing how torturous the prison cell was. Wala bang malicious intent, walang bad faith iyong isiksik mo ang…

Read More

Sa overpriced COVID-19 medicine OSPITAL, HEALTH OFFICIALS KAKASUHAN

(BERNARD TAGUINOD) KINUHA nina Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor at Deputy Speaker Rodante Marcoleta ang serbisyo ni Atty. Lary Gadon para sampahan ng kaso ang mga ospital at health officials na sobra-sobra ang ipinapatong sa remdesivir na itinuturok sa mga pasyente kahit ipinagbawal ito ng World Health Organization (WHO) at walang pruweba na nakagagamot ito ng COVID-19. “Gusto lang sana na matulungan ninyo (ang mga biktima) kasama rin po kami tutulong din po sa inyo pero bilang kayo na tumutulak ng ganitong adbokasiya sa kalusugan, ang ating mga kababayan na…

Read More

DAYUHAN BAWAL PA RING PUMASOK SA PINAS

INIHAYAG ni Presidential spokesman Harry Roque na hanggang katapusan ng Abril hindi tatanggap ng mga dayuhan sa Pilipinas. Kaugnay ito ng inisyung babala ng Amerika para sa kanilang mamamayan na bumiyahe sa Pilipinas. Ayon kay Sec. Roque, kahit ang mga bakunadong travellers ng US ay maaari pa ring mahawa at makahawa ng bagong variant ng COVID-19. “Uulitin ko po, hanggang ngayon, hanggang Abril 30 po hindi tayo tumatanggap ng mga dayuhan dito sa Pilipinas,” aniya pa rin. Wala namang problema at hindi minamasama ng Malakanyang ang pagpapalabas ng warning o…

Read More

Palasyo sa organizers ng community pantries PAGSUNOD SA HEALTH PROTOCOLS TIYAKIN

PINAALALAHANAN ni Presidential spokesperson Harry Roque ang mga organizer ng community pantries na makipag-ugnayan sa mga barangay official at iba pang local executives upang matiyak na masusunod ang minimum public health standards para maiwasan ang hawahan ng COVID-19. Ito’y sa gitna ng patuloy na pagdagsa ng mga tao sa mga community pantry sa iba’t ibang lugar na pinangangambahan ng mga eksperto na posibleng pagmulan ng lalo pang pagkalat ng virus. Samantala, suportado ng Malakanyang ang ipinalabas na gag order ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. sa dalawang tagapagsalita ng…

Read More

BANGKAY NG BATANG BABAE NATAGPUAN SA ILOG

QUEZON – Isang bangkay ng batang bababe ang natapuan sa ilog sa Lucena City noong Lunes ng hapon. Batay sa report ng Lucena City Police, bandang alas-4:30 ng hapon nang madiskubre sa ilog ng isang residente ang bangkay ng biktimang si Jessica Ducay Almariego, 11-anyos, residente ng katabing Pleasantville Subdivision sa Barangay Ilayang Iyam. Sa pagsususuri ng pulisya, natuklasang walang suot na pang-ibabang damit at saplot ang biktima. Posible umanong pagkalunod ang ikinamatay nito ngunit iniimbestigahan pa ng mga awtoridad upang mabatid kung may foul play sa pangyayari. Isinailalim na…

Read More

2 NASA DRUG LIST INUTAS SA LAMAYAN

LAGUNA – Kapwa patay ang dalawang lalaki makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek habang nagsusugal ang mga biktima sa burol ng patay sa kanilang kapitbahay sa Barangay Parian, Calamba City, sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ng Calamba City Police, kinilala ang mga biktimang sina Anthony Bataller at Ernesto Vista ng nabanggit na lugar, sinasabing nasa drug watchlist ng pulisya. Napag-alaman, bandang alas-9 ng gabi noong Lunes, habang nagsusugal ang dalawa sa burol ng patay sa kanilang kapitbahay nang biglang dumating ang hindi kilalang mga lalaki at pinagbabaril ang…

Read More

Asawang medical officer nadamay CPP-NPA OFFICIAL, PATAY SA ENCOUNTER

AGUSAN del Sur – Napatay ng mga tauhan ng Philippine Army, 10th Infantry “Aguila” Battalion, na pinamumunuan ni Maj. General Ernesto Torres Jr., ang isang high ranking communist leader ng New People’s Army at ang asawa nito sa kilusan na nagsisilbing NPA medical officer, sa sagupaan noong Lunes ng umaga sa Barangay Sta. Maria, bayan ng Trento, sa lalawigang ito. Ayon sa ulat na isinumite kay Maj. Gen, Torres, bandang alas-9:00 ng umaga nang matunton ng mga elemento ng Philippine Army 67th Infantry Battalion, sa ilalim ng Army 701st Brigade…

Read More

DRUG SUPPLIER, ARESTADO SA P70-M SHABU SA CAVITE

CAVITE – Tinatayang mahigit P70 milyong halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska sa hinininalang drug supplier sa Luzon at Mindanao, sa ikinasang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Lunes ng gabi. Kinilala ng pulisya ang arestado na si Michael Lucas, alyas “Boy Muslim,” 35, ng Moab St., Town and Country Homes Subdivision, Brgy Burol 1, Dasmariñas City. Ayon sa ulat ng Dasmariñas City Police, dakong alas-10:00 ng gabi noong Lunes nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga elemento ng PNP Drug Enforcement Group (DEG) at Dasmariñas CPS sa Block 25,…

Read More

PILOTO PATAY SA AFP ATTACK CHOPPER CRASH

PATAY ang isang air force pilot nang bumagsak ang pinalilipad niyang Philippine Air Force (PAF) MG-520 attack helicopter sa Bohol nitong Martes ng umaga habang nagsasagawa ng maintenance and equipment test flight kasama ang tatlo pang sundalo. Kinumpirma ng Jetafe Municipal Police Station ang pagkamatay ng hindi muna kinilalang piloto ng PAF MG-520 attack helicopter matapos na bumagsak sa may coastal area ng Handayan Island sa bayan ng Jetafe. Sa inisyal na ulat, bago bumagsak ang chopper ay nakatalon ang co-pilot nito at dalawang crew habang pinipilit ng piloto na…

Read More