ARMADO KUMASA SA PARAK, PATAY

PATAY ang isang lalaki nang kumasang makipagbarilan sa mga pulis makaraang sitahin dahil sa pagdadala ng baril sa Caloocan City noong Lunes ng hapon. Ayon sa ulat, nagpapatrolya ang mga pulis sa Phase 9, Langit Road, Brgy. 176, Bagong Silang dakong alas-5:30 ng hapon nang mamataan si Anlou Resusta ng Phase 8, Bagong Silang, na may nakasukbit na baril sa baywang habang sakay ng isang motorsiklo. Nang sitahin ay pinaharurot ng suspek ang kanyang motorsiklo at nang tinugis ay pinaputukan ang mga pulis. Nang gumanti ng putok ang mga pulis…

Read More

RAPE – HOMICIDE SA DACERA CASE IBINASURA

IBINASURA ng Makati City Prosecutor’s Office ang inihaing reklamo ng Makati City Police laban sa 11 katao kaugnay sa kaso ng nasawing flight attendant na si Christine Angelica Dacera noong Enero ng kasalukuyag taon. Sa inilabas na 19 pahinang resolusyon ni Hon. Makati Assistant City Prosecutor Joan Bolina-Santillan, nakasaad na ang reklamo ay ibinasura “for lack of probable cause”. Abswelto sa reklamong rape with homicide ang mga akusadong sina John Pascual Dela Serna, Rommel Galido, John Paul Halili, Jezreel Rapinan (alyas “Clark Rapinan”), Gregorio Angelo Rafael De Guzman, Alain Chen…

Read More

2 MMDA TRAFFIC ENFORCERS, SUSPENDIDO SA PANGINGIKIL

DALAWANG traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang iniimbestigahan dahil umano’y sa pangingikil sa isang driver ng pribadong sasakyan sa Quezon City noong Biyernes. Habang iniimbestigahan sina Edmon Belleca at Christian Malemit, sinunspinde sila ng 90-araw ni MMDA Chairman Benjamin “Benhur Abalos, Jr. Sina Belleca at Malemit ay regular na mga empleyado ng MMDA. Ang aksyon ni Abalos ay ibinatay sa kuhang video sa umano’y panghihingi ng dalawang traffic enforcer ng P1,000 kay Miriel Custodio kapalit ng hindi nila pagtuloy na tikitan ang naturang lumabag sa Republic Act…

Read More

Utos ng korte sa vice mayor’s murder CAM, 6 PA ARESTUHIN

IPINAAARESTO ng Manila Regional Trial Court Branch 42 si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board member Sandra Cam gayundin ang kanyang anak at limang iba pa kaugnay sa pagpaslang umano kay Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III noong Oktubre 9, 2019. Kabilang sa mga ipinaaaresto ni Judge Dinnah Aguila-Topacio ng Manila RTC Branch 42, ang anak ni Cam na si Marco Martin Cam, Nelson Cambaya, Junel Gomez, Bradford Solis, Juanito de Luna at Rigor dela Cruz. Nahaharap sa kasong murder at frustrated murder sina Cam dahil sa pagkamatay ni…

Read More

BAGONG TESDA CENTER PINASINAYAAN SA NAVOTAS

MAGKAKAROON ng karagdagang access sa libreng technical and vocational education ang mga Navoteño matapos pasinayaan ang Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute bilang bagong Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) satellite office at training center sa Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela (CAMANAVA) area. “It may take a while for our economy to fully recover, but it is prudent to keep our people ready and equipped with new and multiple skills. Their education and training can boost their chances of landing jobs and other livelihood opportunities in the future,” ani Mayor Toby Tiangco.…

Read More

DE LIMA NAKALABAS NA SA PAGAMUTAN

BALIK kulungan matapos makalabas sa pagamutan si Senador Leila de Lima dahil sa posibleng pag-atake ng mild stroke. Si de Lima ay binigyan ng tatlong araw na medical furlough at nanatili sa Manila Doctors’ Hospital para sa pagsusuri at pagpapagaling. Una nang dumaing ng matinding pananakit ng ulo ang senador habang nasa loob ng PNP Custodial Center noong April 21. Nag-negatibo naman sa COVID-19 si de Lima subalit kinailangang sumailalim sa brain magnetic resonance imaging (MRI) at blood chemistry sa pagamutan. Una na ring na-admit sa pagamutan ang mambabatas noong…

Read More

KONTRAPELO ANG FDA-DOH

HINDI ko alam kung gusto ba talaga ng Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) na makawala na sa pandemya ang sambayanang Filipino o hindi dahil parang kontrabida sila sa lahat ng mga ginagawa ng mamamayan para makaiwas at magamot ang sarili laban sa COVID-19. Maraming Filipino ang ­gumagawa ng sariling paraan para maproteksyunan ang kanilang sarili sa COVID-19 pero lahat ng kanilang ginagawa ay hindi pinapaboran ng FDA at DOH. Sa pagdinig sa Kamara noong nakaraang linggo, pinuna ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang DOH…

Read More