TULUYAN nang kumalas sa kanilang organisasyon ang 100 miyembro ng ANAKPAWIS at 50 dating mga miyembro ng rebeldeng komunista sa San Juan, Pamplona, Cagayan noong Abril 24, 2021. Sa natanggap na report ng SAKSINGAYON mula kay P/BGen. Crizaldo Nieves, Regional Director, Police Regional Office, sa pamamagitan ni P/Lt. Col. Andree Abella, chief PIO, sa isang simpleng seremonya na dinaluhan ng mga pinuno ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno sa nasabing lalawigan, ay isinagawa ang pormal na pagkalas ng 100 miyembro ng ANAKPAWIS at 50 dating mga rebelde sa kanilang samahan…
Read MoreMonth: April 2021
PULIS, 1 PA PATAY SA MOTORSIKLO
CAVITE – Dalawa katao ang namatay, kabilang ang isang pulis-Muntinlupa, makaraang maaksidente sa motorsiklo sa magkahiwalay na lugar sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi. Kinilala ang mga biktimang sina P/Corporal Lester Cruz, 37, nakatalaga sa Muntinlupa City Police Station, ng Blk. 130, Lot 1, Phase 4, Tierra Nevada, Brgy. San Francisco, Gen. Trias City, at Eric Bagara, 24, binata, factory worker ng Brgy. Bagbag 1, Rosario, Cavite. Ayon sa ulat ni P/CMSgt. Feliciano Garcia II ng Bacoor City Police, dakong alas-6:20 noong Linggo ng gabi nang mangyari ang insidente…
Read MoreMAINGAY, GINILITAN NG BOLO MAKER
CAVITE – Nabuwisit sa ingay ang isang bolo maker naging dahilan upang gilitan nito sa leeg ang isang obrero na napadaan sa kanilang bahay sa bayan ng Ternate sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa San Lorenzo Hospital ang biktimang si Romeo Bangcayao, may asawa, ng Crasher, Sapang 1, Ternate, Cavite. Arestado naman ang suspek na si Ronald Dulay, 32, isang bolo maker, ng Sapang 1, Ternate, Cavite. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Ernesto Gayyed Jr., ng Ternate Police, dakong alas-11:30 ng gabi nang dumaan ang…
Read MoreDATING KONSEHAL PATAY SA AMBUSH
SARANGANI – Patay ang isang 41-anyos na dating konsehal habang sugatan naman ang misis nito makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek noong Linggo ng gabi sa bayan ng Malapatan, sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ng Sarangani Police Provincial Office, kinilala ang biktimang namatay na si Montacier Celozar Singcoy, isang dating municipal councilor, habang nilalapatan naman ng lunas sa pagamutan ang asawa nito. Kasalukuyang inaaalam ng mga imbestigador ang posibleng motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng mga suspek sa pagpatay sa dating municipal councilor ng Malapatan. Ayon sa pagsisiyasat,…
Read MoreCHINESE NAKALAWIT NG BACKHOE, PATAY
QUEZON – Patay ang isang Chinese national sa nangyaring freak accident na kinasangkutan ng isang backhoe sa powerplant sa bayan ng Mauban, sa lalawigang ito, noong Sabado. Kinilala ang biktimang namatay na si Song Wei, 38, tubong Wuhan, China, at empleyado ng Hubae Suisung Mini Hydro Powerplant sa Barangay Cagsiay 3. Batay sa report, iniinspeksyon ng biktima ang kanilang Volvo 290 backhoe habang ino-operate ng isang trabahador, nang aksidenteng maputol ang bucket arm nito. Bumagsak ang bucket arm nito at tumilapon patungo sa biktima. Tinamaan sa dibdib ang biktima na…
Read More2 MOST WANTED PERSONS HULI SA QCPD
INANUNSYO ni Quezon City Police District (QCPD) director, P/Brigadier General Antonio C. Yarra ang pagkakaaresto ng mga operatiba ng QCPD sa dalawang district level most wanted persons, sa bisa ng warrant of arrest, sa magkahiwalay sa anti-criminality operations noong Abril 25 sa Quezon City. Ayon kay P/BGen. Yarra, nagsilbi ng warrant of arrest ang mga operatiba ng Project 6, Police Station 15, sa pamumuno ni P/Lt. Col. Hendrix Mangaldan, laban sa suspek na si Gemer Garcia, 23, residente sa Palochina St., Agham Road, Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City, dakong alas-6:32…
Read MoreMANILA RESIDENTS NA NA-RELOCATE, PINADALHAN NG FOOD BOXES
UMABOT sa 2,850 food boxes ang ipinadala ng Manila City government sa mga dating residente ng Maynila na nailipat na sa tatlong relocations sites sa Cavite at Bulacan, upang makatulong sa kanila ngayong pandemya sa COVID-19. Nabatid na may kabuuang 2,850 food boxes ang ipinadala ng Department of Public Services (DPS) sa na-relocate na mga pamilya sa Naic, Cavite; Pandi at Norzagaray sa Bulacan. Ipinamahagi ito ng Manila City government sa utos ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, sa mga residente ng Naic, Cavite na umabot sa 800 food…
Read More48 LUGAR SA QC NAKA-LOCKDOWN
ISINAILALIM sa Special Concern Lockdown Areas (SCLA) ang 48 na lugar sa Quezon City dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19. Ang partikular na mga lugar lamang ang sakop ng SCLA at hindi buong barangay. Kabilang ang mga lugar na nasa SCLA ay ang bahagi ng MCP HOA, Pingkian 1, Brgy. Pasong Tamo; Bahagi ng Road 1, Brgy. Bagong Pag-asa; isang lugar sa Premium St., Valdescona Compound, Brgy. Sangandaan; isang lugar sa Rustia St., Brgy. Immaculate Conception; bahagi ng Del Mundo St., Brgy. Talipapa; bahagi…
Read MoreCOVID DEATHS SA 3 CAMANAVA CITIES NADAGDAGAN NG 8
MULING nakapagtala ng walo kataong namatay sa COVID-19 ang mga lungsod ng Caloocan, Malabon at Navotas noong Abril 25. Ayon sa ulat, apat ang patay sa Caloocan City at 1,737 ang active cases. Pumalo na sa 25, 076 ang total confirmed cases sa lungsod, kung saan 22,622 na ang gumaling at 717 na ang namatay. Umakyat naman sa 389 ang COVID death toll sa Malabon City makaraang dalawang pasyente ang namatay. Bukod dito ay 36 ang nadagdag na confirmed cases at 11,833 na ang positive cases sa Malabon City, 631…
Read More