MAKALIPAS ang halos isang buwan sa ospital nang tamaan ng COVID-19, nakauwi na sa kanilang bahay si dating Pangulo at dating Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada. Ito ang inanunsyo ni dating Sen. Jinggoy Etrada kaugnay ng kalagayan ng kanyang ama. “Our family is overjoyed to announce that our father will finally be discharged from the hospital today,” ayon sa Facebook page ng batang Estrada. Magugunita noong Marso 28 ay dinala sa ospital ang dating Pangulo nang magpositibo sa COVID-19 kaya agad na humingi ng panalangin ang pamilya nito sa publiko.…
Read MoreMonth: April 2021
107 bagong kaso sa PNP 55 PULIS PATAY SA COVID-19
NANANATILING hindi ligtas ang hanay ng mga pulis sa epekto ng pandemya sa coronavirus disease 2019 nang tumaas pa sa 55 ang bilang ng mga kagawad ng Philippine National Police na nasawi sanhi ng nasabing sakit. Ayon kay PNP-Administrative Support on COVID-19 Task Force commander, Lt. Gen. Guillermo Eleazar, base sa hawak nilang datos noong nakalipas na linggo, isang 39-anyos na babaeng non-uniformed personnel na nakatalaga sa PNP-Directorate for Personnel Records and Management (DPRM), ang namatay noong Linggo. Una rito, araw ng Sabado nang masawi naman ang isang 46-anyos na…
Read MoreMECQ SA NCR PLUS POSIBLE HANGGANG MAYO
DEDESISYUNAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) base sa “science at hard data” ang magiging quarantine status ng NCR plus bubble. Nasa ilalim pa rin ang NCR Plus bubble sa modified enhanced community quarantine (MECQ) na nagsimula noong Abril 12 hanggang Abril 30. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, sa susunod na pulong ng mga miyembro ng IATF, ay titingnan ang analytics ng healthcare system ng National Capital Region Plus at ng bansa. “Specifically, it will review the attack rate and the hospital care utilization rate while checking the economic health…
Read MoreMAIKLING ISOLATION PERIOD NG OFWs ‘DI PA PINAL
TINIYAK ni Presidential spokesperson Harry Roque na wala pang pinal na desisyon ang Inter-Agency Task Frce (IATF) para sa hirit ni DOLE Secretary Silvestre Bello na paikliin ang araw ng quarantine ng mga OFW sa hotel at isolation facilities. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, pag-uusapan pa sa pagpupulong ng IATF ang idinulog ng Labor Department sa gitna ng isyu sa malapit na ring pagkaubos ng pondo ng OWWA para sa quarantine hotel facilities. Napaulat kasi na sa halip na isagad hanggang 14 araw ay gawin na lang 10 araw…
Read MoreCOVID-19 POSIBLENG LUMALA SA COMMUNITY PANTRIES
MALAKI ang posibilidad na lumikha ng problema ang mga community pantry sa iba’t ibang bahagi ng bansa lalo na sa Metro Manila. Ayon kay treatment czar Undersecretary Leopoldo vega, wala namang dudang maganda ang nilalayon ng community pantry ngunit hindi nagiging makabuluhan kung nauuwi na ito sa mass gathering. Malaki aniya ang posibilidad na makapag-ambag sa mga bago at aktibong kaso ng COVID-19 ang mga community pantry sa dami ng tao na lumalabas at pumipila lalo na kung hindi mahigpit na naipatutupad ang minimum health protocols at social distancing. Dahil…
Read MorePROCTORS, WATCHERS NG PRC PINASASAMA SA PRIORITY LIST NG BAKUNA
NANAWAGAN si Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go sa pamahalaan na maisama ang mga frontliner ng Professional Regulation Commission (PRC) na kinabibilangan ng proctors at watchers sa mga board exam. Isa ito sa mga nakikitang paraan ni Go upang matugunan ang kakulangan ng mga health professionals dahil nagkakaroon ng delay sa board exams bunsod ng pangamba sa kalusugan at kaligtasan ng mga tauhan ng PRC. Ipinaliwanag ni Go na dapat ay maituturing na essential workers o nabibilang sa A4 priority group para sa COVID-19 vaccine ang mga…
Read MoreP1.6-M SHABU SA TEA PACKS NASABAT NG BOC, NAIA, PDEA AT NAIA-IADITG
Aabot ng mahigit sa 1.5M (P1,632,000) na halaga ng shabu na nakalagay sa package ng iba’t ibang tea products ang nasabat ng Bureau of Customs NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) sa isang warehouse sa Pasay City. Sa physical examination na isinagawa ng Customs examiner, nadiskubre na ginamit ang packaging ng mga tea products para itago ang white crystalline substance na pinaghihinalaang shabu. Sa isinumiteng sample sa PDEA laboratory, nagresulta ito ng positibong eksaminasyon na ang mga pakete ay naglalaman nga ng…
Read MorePara sa environmental protection sa SOCCSKSARGEN SUB-PORT OF DADIANGAS PUMIRMA NG MOA
Pumirma sa isang Memorandum of Agreement ang Bureau of Customs (BOC) – Port of Davao’s Sub-port sa Dadiangas para sa karagdagang pagpapalawak, pagprotekta at pagkonserba ng likas na yaman sa lalawigan ng SOCCSKSARGEN Region. Kasama sa lumagda sa MOA ang iba pang ahensya ng pamahalaan na pangunahing kinabibilangan ng Department of Environment and Natural Resources at mga local government units o LGU’s. Nanguna sa aktibidad si Subport of Dadiangas Collector Orlando Orlino na tiniyak na ipapatupad ng BOC ang lahat ng mga batas na may kaugnayan sa environmental laws sa…
Read MoreBOC, DOF, TC NAGSAGAWA NG 1ST AHTN CLASSIFICATION AND IDENTIFICATION WORKSHOP
Inilunsad ng Bureau of Customs, Department of Finance TRADENET Project Management Office at ang Tariff Commission ang kauna-unahang ASEAN Harmonized Tariff Nomenclature (AHTN) Classification at Identification Workshop. Mahigit sa 70 ang mga lumahok mula sa limang Trade Regulatory Government Agencies (TRGAs) na kinabibilangan ng Strategic Trade Management Office (STMO), Bureau of Internal Revenue (BIR), Food and Drug Administration(FDA), Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) at Dangerous Drugs Board (DDB). Nakiisa ang mga nabanggit na ibang ahensiya upang kanilang lalo pang masuri at mapag-aralan kung paano uriin ang mga regulated goods base…
Read More