(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) IGINIIT ng isa sa mga tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na makabubuti ang bayanihan o pagtulong ng Pilipino sa kanyang kapwa. Kaya, hindi tutol ang NTF-ELCAC sa pagsasagawa ng community pantries ng kahit sinong Pilipino, kabilang na si Anna Patricia Non. Ngunit, ang ipinagtataka ni Undersecretary Lorraine Marie Badoy sa community pantry ni Non ay ang paglulunsad ng news conference at pagkakaroon nito ng dollar account. “Kami sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict ay natutuwa…
Read MoreMonth: April 2021
Walang social distancing kaya halos magkapalitan ng mga mukha COVID SA QC TATAAS SA EPAL NI ANGEL
(NELSON S. BADILLA) HINDI pa man nababawasan nang husto ang bilang ng mga residente ng Quezon City na nagkasakit ng coronavirus disease-2019 (COVID-19), posibleng sumirit pa ito dahil sa community pantry ni Angel Locsin noong Biyernes. Naglunsad si Locsin ng community pantry sa tapat ng isang gusali sa Barangay Holy Spirit bilang aktibidad sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan. Batay sa orihinal na imbitasyon, 10:00 ng umaga magsisimula ang aktibidad at matatapos ng 4:00 ng hapon. Ngunit, naobligang simulan ang community pantry ng 8:00 ng umaga dahil masyadong maraming tao ang…
Read More3 PATAY SA AKSIDENTE SA MOTORSIKLO
CAVITE – Pawang namatay ang tatlong motorcycle rider at sugatan dalawang angkas ng mga ito sa aksidente sa motorsiklo sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi at nitong Linggo ng madaling araw. Kinilala ang mga namatay na sina Darel Parpa, 22, factory worker; Jorlan Encamina, 30, at John Enojada, nasa hustong gulang at residente sa B15, L62, Hamilton Homes, Brgy. Bucandala 1, Imus City. Habang sugatan ang asawa ni Jorlan na si Sarah Jade Encamina, 30, at Clarissa Reyes, 35-anyos. Hawak na ng pulisya ang driver…
Read More3 NABITAG SA P.6-M SHABU Lolo, 2 pang lalaki sa Navotas arestado
UMABOT sa 100 gramong hinihinalang shabu na P680,000 ang street value, ang nakumpiska sa tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa buy-bust operation ng mga tauhan ng Manila Police District sa Sta. Cruz, Manila noong Sabado ng gabi. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na sina Marcelo Ofiana, 54; Sittie Naimah Dimaopong y Bagonte, 28, at Gerardo Morandante y Payawal, 40-anyos. Batay sa ulat ng Station Anti-Illegal Drug Enforcement Team na isinumite kay P/Lt. Col. John Guiagui, station…
Read MoreKini-cremate sa Manila North Cemetery 26 COVID VICTIMS KADA ARAW
UMAABOT sa 26 bangkay kada araw ang libreng isinasalang sa cremation sa Manila North Cemetery para sa mga residenteng namatay sa COVID-19. Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, sinimulan ang libreng cremation sa MNC noong kasagsagan ng pandemya ng nakaraang taon. Aminado naman si Moreno na tutol ang kanyang kalooban sa pagkakaloob ng ganitong uri ng serbisyo dahil labis aniya siyang nalulungkot tuwing nakaririnig ng mga residenteng namamatay dahil sa COVID-19. “I don’t like giving that kind of service. Hearing about deaths taking place in the city never…
Read More10 DAGDAG SA COVID DEATHS SA CAMANAVA
SAMPU pa ang naitalang namatay dahil sa COVID-19 sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Abril 24, ayon sa health offices ng nasabing mga lungsod. Napag-alaman, anim ang namatay sa Caloocan City at lumobo sa 1,956 ang active cases. Pumalo na sa 24,964 ang total confirmed cases, sa bilang na ito ay 22,295 na ang gumaling at 713 na ang namatay. Umakyat naman sa 387 ang COVID death toll sa Malabon City matapos na dalawang pasyente ang namatay. Bukod dito, 81 ang nadagdag na confirmed cases at 11,833 na…
Read MorePAMAMAHAGI NG AYUDA NG LGUs PINASISILIP SA MGA AUDITOR
NANANAWAGAN ang isang mambabatas mula sa mababang kapulungan sa lahat ng auditor sa buong kapuluan na nakabase sa mga sangay ng gobyerno partikular sa hanay ng mga Local Government Unit na makialam sa sistema ng pamamahagi ng Social Amelioration Program. Labis na ikinababahala ni House Deputy Minority Leader at Marikina City 1st District Congressman Bayani Fernando ang ginagawang distribution ng ayuda sa bawat pamilya na umano’y hindi patas. Sinabi ni Fernando na sapul nang makarating sa kanyang kaalaman ang hindi parehas na pamamahagi ng SAP sa halos buong National Capital…
Read More100K NG BAGONG BATCH NG SINOVAC UUBUSIN SA MM
PUNTIRYA ng gobyerno na ubusin ang mga dumating na 500,000 doses ng Sinovac vaccine sa loob lamang ng isang linggo. Sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez, ilalatag nila ang deployment ng dalawa hanggang tatlong araw. Tinatayang 100,000 ng 500,000 doses ng Sinovac ang mapupunta sa Metro Manila. “Matatapos po ito within 2 to 3 days ang deployment at inaasahan po natin na iyong administration nito is within 1 week matatapos po kaagad,” ayon kay Galvez. Sa kabilang dako, tuloy- tuloy pa rin ang pagdating ng bakuna galing ng China.…
Read More70K COVID-19 TEST KADA ARAW TARGET NG GOBYERNO
SINISIKAP ng goyerno na maabot ang mahigit 70,000 RT-PCR test kada araw. Ayon kay testing czar Sec. Vince Dizon, na sa ngayon pumapalo pa lamang sa 66 to 67 thousand ang PCR testing na naisasagawa ng bansa. Gaya aniya ng kanyang mga naunang sinabi, na dahil sa kahirapan ng pagsasagawa ng PCR Test, lalo na sa mga panahong dumadami ang kaso at nagkakasakit ang mga medical-technician at mga laboratory personnel, kaya’t nagbigay ng rekomendasyon ang mga health expert. Sinabi ni Dizon na iminungkahi ng mga ito na mag-deploy o gumamit…
Read More