MERALCO PATULOY ANG POWER RESTORATION SA MGA LUGAR NA TINAMAAN NG HABAGAT; NAGHATID NG TULONG SA MGA KOMUNIDAD

TULUY-TULOY NA PAGPAPANUMBALIK NG SERBISYO NG KURYENTE. Makikita sa larawan ang mga crew ng Meralco na nagsasaayos ng mga pasilidad ng kuryente sa Calumpit, Bulacan nitong Agosto 17, 2026

MAYNILA, PILIPINAS, 18 August 2026— Kasunod nang walang tigil na pagta-trabaho ng mga crew at personnel, naibalik na ng Manila Electric Company (Meralco) ang serbisyo ng kuryente sa halos lahat ng naapektuhang customer dahil sa malakas na ulan at pagbaha na dulot ng Habagat.

“Makakaasa ang aming mga customer na hindi titigil ang aming mga crew at personnel na tumugon sa mga alalahanin ng mga customer at ligtas na maibalik ang serbisyo ng kuryente sa lahat ng naapektuhan ng pagkaantala dahil sa Habagat,” ani Meralco Vice President and Head of Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga.

Ayon sa pinakahuling datos nitong alas-9 ng umaga, bumaba na ang bilang ng mga customer na apektado ng mga power outage sa halos 2,000 mula sa 10,000 naiulat noong Lunes ng gabi, Agosto 17. Karamihan sa mga apektadong customer ay nasa mga lalawigan ng Cavite at Quezon.

Patuloy na binabantayan ng Meralco ang lagay ng panahon matapos i-anunsyo ng PAGASA ang inaasahang mga pag-ulan ngayong linggo.

TULONG PARA SA MGA BINAHA. Naghatid ng ayuda ang One Meralco Foundation sa mga pamilyang lubhang naapektuhan ng Habagat. Makikita sa larawan ang pamamahagi ng ayuda sa Hagonoy, Bulacan.

Samantala, naghatid rin ng tulong ang Meralco sa pamamagitan ng One Meralco Foundation (OMF) sa mga komunidad na lubhang naapektuhan ng Habagat. Nakapaghatid na ang OMF ng
ayuda sa higit 1,400 pamilya sa mga lalawigan ng Bulacan at Cavite.

Nagpaalala rin ng Meralco ang mga customer nito na bigyang prayoridad ang ligtas na paggamit ng kuryente lalo na sa mga lugar na apektado ng baha. Pinapaalalahanan ang mga customer na
iwasan ang mga linya at pasilidad ng kuryente na nasira o nalubog sa baha.

Kapag humupa na ang baha, linisin ang putik at dumi mula sa electrical equipment gamit ang rubber gloves at rubber-soled na sapatos. Pinapayuhan rin na ipasuri sa lisensyadong electrician
ang mga nabasang appliances at wiring system.

Para sa mga alalahanin tungkol sa serbisyo ng kuryente, maaaring i-report ito sa pamamagitan ng My Meralco app o sa mga opisyal na social media account ng Meralco sa Facebook (www.facebook.com/meralco) at X na kilala dati bilang Twitter (@meralco). Maaari rin sumangguni sa pamamagitan ng pag-text sa 0920-9716211 o 0917-5516211 o pagtawag sa Meralco Hotline 16211.

114

Related posts

Leave a Comment