Sa pamamagitan ng E-TRACC BOC ISINULONG ANG CARGO MONITORING

Ni JOEL O. AMONGO Pormal na isinulong sa lahat ng mga Ports ng Bureau of Customs sa buong bansa ang maayos na cargo monitoring sa pamamagitan ng ipinagmamalaking Electronic Tracking of Containerized Cargo o E-TRACC System. Ito daw ay para sa layuning lalo pang mapahusay ang kalakalan at pagpapalakas sa border protection ng bansa dahil ang E-TRACC System ay isang real-time monitoring ng paggalaw ng iba’t ibang mga kargamentong pumapasok sa bansa gamit ang mga makabagong Information and Communications Techno­logy-Enabled System. Nabatid kamakailan lamang, sa pamamagitan ng E-TRACC ay napag-alaman…

Read More

CHINESE NATIONAL NAGBAKASYON SA NAIA

TUMATAGINTING na 700 Thousand Pesos ang offer umano ng handler ng isang Chinese national sa kung sinumang travel agency o immigration employee na maaring makatulong sa dayuhan na mabawi ang exclusion order laban sa kanya at hayaang makapasok ng bansa. Ayon sa BI Exclusion Order No. POD T2-21-03-006, si ZHANG XIAMENG na ipinanganak noong October 22, 1982 at may passport number E78851482 ay dumating sa NAIA terminal 2 noong March 18 sakay ng Philippine Airlines PR315 galing Tianjin , China. Pero hindi siya nakalusot sa pagsusuri ni immigration officer Teves…

Read More

AKOOFW SUMUGOD SA BAHAY NI TATAY PEPITO SA CORDOVA, CEBU

IDINULOG sa aming ­programa sa radyo sa DWDD 1134 KHz AM na UP UP Pilipinas nitong nakaraang Miyerkules ang sitwasyon ng pagmamaltrato at isa pang hindi makauwing OFW dahil sa pagkakaroon ng malaking pagkakautang. Sa aming panayan nina BGen. Gerry Zamudio, Coco Naic, Bhong David, Emil Carreon at Ma Fe Nicodemus ay malungkot na ikinuwento sa amin ang pagmamaltrato at panghahalay sa isang domestic worker na OFW. Naiyak naman ako habang nagkuwento ang isa pang matandang OFW na hindi makauwi sa Pilipinas dahil sa pagkakautang. Si Philip Badrina ay magkahalo…

Read More

ONE MERALO FOUNDATION, KAISA SA LABAN KONTRA COVID-19

NGAYONG panahon ng pandemya, napakahalaga ng pagtutulungan sa pagitan ng iba’t ibang sektor ng lipunan lalo na’t patuloy na tumataas ang bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa bansa. Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) mula ika-24 ng Abril, ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa ay 989,380 na. Hindi magtatagal ay aabot na sa isang milyon ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Bagama’t ­nananatiling malubha ang sitwasyon ng bansa bunsod ng ­pandemyang ito, hindi naman dapat mawalan ng pag-asa dahil sa aktibong…

Read More

Mayor Sarah napipisil na maging susunod na pangulo ng bansa

ISANG taon at 12 araw pa bago dumating ang pampanguluhang halalan sa ika-9 ng Mayo sa 2022. Subalit ngayon pa lamang ay nagsisimula nang pag-usapan kung sino-sino ang malamang na tumakbo para pumalit sa kasalukuyang nananahan sa Palasyo ng Malakanyang na si Pangulong ­Rodrigo Duterte. Sa survey kamakailan ng Pulse Asia, lumabas na malamang na Duterte pa rin ang pumalit na punong tagapagpaganap sa bansa sa darating na eleksyon. Sa naturang survey ng Pulse Asia noong nakaraang Huwebes, ang Presidential daughter na si Davao City Mayor Sarah Duterte-Carpio ang napipisil…

Read More

8 PCG VESSELS LUMARGA SA WPS

NAGLUNSAD ng joint maritime exercises ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa West Philippines Sea. Ito ang ibinahagi kahapon ni Phil. Coast Guard Spokesperson Commodore Armand Balilo, kaugnay sa aktibidad na sinalihan ng walong barko ng pamahalaan na nagsimula nuong Sabado. Ayon kay Comm. Balilo, ang maritime exercises sa pangunguna ng Task Force Pagsasanay ay target na makamit ang operational at logistical efficiency kung paano ma-utilize nang husto ang manpower at assets ng PCG. Paliwanag pa ng tagapagsalita: “We are…

Read More

Defensor naalarma sa sobrang mahal na anti-COVID-19 medicines OSPITAL PANAGUTIN SA OVERPRICING

KAILANGANG habulin at panagutin ng Department of Health (DOH) at maging ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga ospital na nagpapatong ng sobra-sobra sa presyo ng remdesivir. Ito ang hamon ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor sa DOH sa pagdinig ng House committee on good government and public accountability noong Miyerkoles dahil nababaon sa kahirapan ang mga taong tinuturukan ng remdesivir na patuloy na ginagamit sa bansa kahit hindi ito inirekomenda ng World Health Organization. “Krisis na po tayo. Ang mga tao hindi makalabas puwede po ba proactively…

Read More

61.85 PERCENT NG AYUDA SA NCR PLUS NAIPAMAHAGI NA

NASA mahigit kalahati na ng PHP 22.9 billion ayuda ang naipamahagi ng pamahalaan sa National Capital Region Plus na isinailalim sa enhanced community quarantine kamakailan. Ito ay ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG) kaugnay sa sinasabing mabagal na disbursement ng inilaang financial assistance ng DSWD sa mahihirap na residente na nakapaloob sa NCR Plus bubble na isinailalim sa 2-week ECQ. Ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, umaabot na sa 61.85% ang naipamahagi sa kabuuang P22.9 billion na pondo na inilaan ng gobyerno para sa…

Read More

DR. HERBOSA NAGBITIW SA UP

NAGBITIW bilang Executive Vice President ng University of the Philippines (UP) System si Dr. Teodoro Herbosa Jr. Agad namang tinanggap ni UP President Danilo Concepcion ang resignation ni Herbosa, bagaman aminadong nanghihinayang siya sa naging dedikasyon ng huli. “(Herbosa) has tendered his resignation as Executive Vice President of the University of the Philippines System, effectively immediately, due to “personal reasons”,” ayon sa anunsyo ng unibersidad. “In your service as Executive Vice President, you have shown how vital this position can be to the governance of the University,” ani Concepcion. Bago…

Read More