PINAS MAGPAPAABOT NG TULONG SA INDIA

0

KUMBINSIDO ang Malakanyang na pinag-iisipan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang gagawin nitong hakbang para magpaabot ng maaaring maitulong ng Pilipinas sa bansang India.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, makikipag-ugnayan siya sa DFA kung anong tulong ang posibleng maipadala sa kaibigang bansa.

“Well, I’m sure po pinag-iisipan na iyan ng ating Department of Foreign Affairs kung paano rin tayo makakatulong sa India. Bagama’t ang India po ngayon ang biggest supplier of vaccines at iyan po talaga ngayon ang nakikitang solusyon para sa COVID-19,” ani Sec. Roque.

Nauna nang sinabi ni Philippine Ambassador to India Ramon Bagatsing na masama ang sitwasyon doon dahil sa COVID surge kung saan umabot sa milyon ang bagong kaso sa loob lamang ng linggong ito.

Aniya, mayroon din 20 Filipinos sa India na infected ng virus na ngayon ay naka-confine na at isolated. (CHRISTIAN DALE)

Read More

CONCEPCION CRIME GROUP MEMBER NALAMBAT NG PRO5

0

SA ilang araw pa lamang na pagkakaupo bilang bagong Regional Director ng PRO5, nagpakitang gilas si P/BGen. Jonnel C. Estomo at kanyang mga tauhan, patunay rito ang pagkakaaresto sa isang hardcore member ng Concepcion criminal group, sa Brgy. Buluang, Bato, Camarines Sur.

Kinilala ni P/BGen. Estomo ang nadakip na si Lauro Dancalan y Dellona, nakatala bilang priority target para sa 1st quarter ng 2021, dahil sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.

Ayon sa ulat, noong Miyerkoles, Abril 28, alas-6:40 ng umaga, ipinatupad ng pinagsanib na pwersa ng CS 2nd PMFC (lead unit), kasama ang mga operatiba mula sa PIU CSPPO, 9SAB-SAF, 93CIP (SMP), 97 MICO, RID RSOU, PIT CamSur, RIU5 at Bato MPS, sa pangunguna ni P/Maj. Ryan P. Primado, FC, CS2nd PMFC, ang search warrant na inisyu ni Hon. Maria Clarissa L. Pacis-Trinidad, executive judge ng RTC Branch 36, 5th Judicial Region, Iriga City, laban sa suspek.

Sa paghalughog sa bahay ng suspek ay nakumpiska ng mga awtoridad ang isang .38 caliber revolver Colt na may limang bala, tatlong piraso ng emulsion explosives, isang cylindrical container na may lamang isang rifle grenade, isang detonating cord na may nakakabit na blasting cap explosives, isang packaging tape at iba pang pertinent evidences.

Ang kasong ito ay may kaugnayan sa nangyaring armed encounter kamakailan ng mga tauhan Bato MPS PRO5 at ng suspek na si Mario Sandrino y Quite, miyembro rin ng Concepcion criminal group, na ikinamatay ng huli noong Abril 25, 2021 dakong 2:25 ng madaling araw.

Ang Concepcion criminal group ay tinaguriang armed and dangerous dahil sa pagkakasangkot sa serye ng illegal transactions ng mga armas, robbery/hold-up, gun for hire at carnapping activities sa Camarines Sur at iba pang mga lalawigan sa Bicol Region.

Ang arestadong suspek ay pansamantalang nasa kustodiya ng Bato MPS lock-up jail. (JESSE KABEL)

Read More

MMA FIGHTER, 4 PA ARESTADO SA DROGA

0

ISANG mixed martial arts fighter at apat na iba pa ang arestado sa inilunsad na anti-narcotics operation sa San Pedro City, Laguna noong Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ang suspek na si Carlo Laurel, nadakip sa ikinasang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency at Laguna PNP sa Block 24, Lot 10, Grace St., Rosario Complex, sa siyudad ng San Pedro.

Sinasabing ang 27-anyos na MMA fighter ang siyang tinutukoy na maintainer ng sinalakay na drug den.

Aabot sa 150 gramo ng kush na tinatayang P216,000 ang halaga, ang nakumpiska sa mga suspek.

Sinampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa RA 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (JESSE KABEL)

Read More

3 PATAY SA TRAILER TRUCK VS PICK-UP

0

QUEZON – Patay ang tatlo katao makaraang sumalpok ang isang pick-up sa kasalubong na trailer truck sa Quirino Highway, sa bayan ng Tagkawayan, sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi.

Pawang dead on arrival sa ospital ang mga biktimang sina Jessanto Abellon, 46, driver ng pick-up; Jocelyn Perez at Dandy Perez, mga residente ng General Trias, Cavite.

Batay sa report ng Tagkawayan Police, patungong direksyon ng Bicol ang mga biktima nang mangyari ang insidente sa Barangay San Isidro, bandang alas-11:45 ng gabi.

Nawalan umano ng kontrol sa manibela si Abellon sa minamanehong Toyota Hilux pick-up kaya sinakop nito ang linya ng kasalubong na FAW trailer truck na minamaneho ni Roymar Ayapana, 35, ng Pagbilao, Quezon, na patungong direksyon ng Maynila.

Sa lakas ng pagkakasalpok, nagkayupi-yupi ang pick-up at naipit sa loob ang tatlong biktima.

Matapos mahugot ng rescuers, isinugod ang mga biktima sa Ma. L. Eleazar District Hospital sa Tagkawayan ngunit lahat idineklarang dead on arrival.

Ikinustodiya naman ng mga pulis ang driver ng nakasalpukang truck. (NILOU DEL CARMEN)

Read More

UMIWAS SA LTO CHECKPOINT, BUKING SA DROGA

0

QUEZON – Arestado ang isang van driver makaraang madiskubre ang dala nitong ilegal na droga nang habulin ng mga awtoridad matapos iwasan ang LTO checkpoint sa bayan ng Tiaong, Huwebes ng umaga.

Kinilala ang arestadong driver na si Jerico Cruz Dineros.

Batay sa report ng Tiaong Police, bandang alas-10:00 ng umaga, biglang minaniobra pabalik ng suspek ang minamanehong Nissan Urban nang matanaw ang checkpoint ng LTO sa Maharlika Highway.

Dahil sa kaduda-dudang ginawa ng driver, hinabol ito ng mga tauhan ng LTO. Sa pagmamadali ay sumalpok ang van sa likod ng kotseng Hyundai Accent. Ngunit hindi pa rin ito huminto hanggang sumalpok itong muli sa kongkretong poste.

Nang dumating ang mga tauhan ng Tiaong Police ay pinababa ang driver na nagresulta upang madiskubre ang isang sachet ng shabu sa kanyang bag na naging dahilan upang siya ay arestuhin. (NILOU DEL CARMEN)

Read More

12-ANYOS SUGATAN SA MOTORSIKLO

0

CAVITE – Sugatan ang 12-anyos na dalagita nang mabangga ng motorsiklo habang tumatawid sa kalsada sa Gen. Trias City, Huwebes ng hapon.

Nilalapatan ng lunas sa Divine Grace Medical Center ang biktimang si Hracedlyn Descalso ng Brgy. San Juan 1, sa nasabing siyudad.

Arestado naman ng mga pulis ang driver ng motorsiklo na si Felix Galve, 45, ng Brgy. Navarro, Gen. Trias City.

Ayon sa ulat ni Pat. Ruelord Magbitang ng Gen. Trias City Police, dakong alas-5:50 noong Huwebes ng hapon nang mangyari ang insidente habang tumatawid ang biktima sa NIA Road, Brgy. San Juan 2.

Depensa ni Galve, biglaan ang pagtawid ng dalagita kaya hindi siya agad nakapagpreno. (SIGFRED ADSUARA)

Read More

Sa panukalang Bayanihan 3, P36-B BAWAS-AYUDA SA WORKERS

0

INAMIN ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ibinaba ng mababang kapulungan sa P24 bilyon ang ayuda sa mga manggagawa na nakasaad sa mungkahing Ika-3 batas ng Bayanihan.

Ayon kay Bello, ang orihinal na mungkahi ng Department of Labor and Employment (DOLE) ay P60 bilyon upang matulungan ng kagawaran ang mga manggagawang apektado ang trabaho sa tigil-operasyon ng maraming kumpanya dulot ng patuloy na pananalasa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Gayunpaman, kahit binawasan ng mga kongresista ng P36 bilyon ang P60 bilyong orihinal na kahilingan ng DOLE, lubos na umaasa si Bello na ipapasa ng Kongreso ang panukalang Bayanihan 3.

Anang kalihim, kailangang ipagpatuloy ang pagtulong ng pamahalaan sa mga manggagawa.

Isinusog pa ni Bello na ang nasabing P24 bilyon ay siya nang gagamiting “wage subsidy” ng DOLE sa mga manggagawa.

Bahagi ng National Employment Recovery Strategy (NERS) ng administrasyong Duterte ang wage subsidy na ang pangunahing layunin ay maalalayan ang mga manggagawa simula ngayong 2021 hanggang sa susunod na taon.

Si Bello ang pinuno ng NERS dahil siya ang kalihim ng DOLE. (NELSON S. BADILLA)

Read More

Sa pagsusumikap vs pandemya OPISYAL, FRONTLINERS NG GABMMC PINAPURIHAN

0

PINURI ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mga opisyal, gayundin ang health frontliners sa likod nang matagumpay na operasyon ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC), lalo na laban sa pandemya sa COVID-19, sa pangunguna ni Dr. Ted Martin, sa ika-23 taon ng pagkakatatag nito noong Abril 30.

Kasama ng alkalde sina Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan at Secretary to the Mayor Bernie Ang, nang batiin si Martin dahil sa pagbibigay nito ng ‘top of the line’ services na higit pa sa serbisyo ng mga pribadong ospital.

Matatandaan, noong panahon nito sa dating Mother and Child Hospital, na ngayon ay Justice Jose Abad Santos General Hospital, ay kinilala ito ng Department of Health (DOH) bilang nangungunang ospital pagdating sa serbisyo kung kaya ginawaran ito ng kategoryang general hospital.

Sa kasalukuyan, kilala na ito bilang Justice Abad Santos General Hospital.

Ang nasabing ospital ay nasa ikatlong distrito ng lungsod ng Maynila.

Kapwa nangako ang alkalde at si Vice Mayor Lacuna na patuloy na maghahanap ng paraan upang masuportahan nang buong-buo ang mga pangangailangan ng GABMMC at lahat ng city-run hospitals upang makasabay sa panahon sa termino ng mga gamit, gamot at dami ng medical personnel.

Sa bahagi naman ni Secretary Ang, sinabi nito na dahil sa paraan ng pamamalakad ni Dr. Martin sa GABMMC ay epektibo nitong naibalik ang tiwala ng publiko sa pampublikong ospital.

Ang GABMMC sa ilalim ng pamamahala ni Martin bilang director, ay naglilingkod sa mataong lugar at unang distrito ng Maynila na lalong kilala bilang Tondo 1 kung saan din patuloy na mataas ang bilang ng mga kaso ng COVID-19. (RENE CRISOSTOMO)

Read More

12 PA TUMBA SA PANDEMYA SA CAMANAVA

0

MULING nakapagtala ng 12 namatay sa COVID-19 ang CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Abril 29, ayon sa city health offices ng nasabing mga lungsod.

Napag-alaman, anim ang namatay sa Valenzuela City at 1,034 ang active cases matapos na 234 ang gumaling at 182 naman ang nagpositibo.

Pumalo na sa 17,26 ang confirmed cases sa lungsod at sa nasabing bilang ay 15,816 na ang gumaling at 406 na ang namatay.

Tatlo ang binawian ng buhay sa Caloocan City at 1,484 ang active cases.

Sumampa na sa 26,050 ang total confirmed cases sa lungsod, kung saan 23,824 na ang gumaling at 742 na ang namatay.

Dalawa naman ang namatay sa Navotas City at 615 ang active cases matapos na 50 ang nagpositibo at 57 ang gumaling.

Umakyat na sa 10,405 ang nasapul ng pandemya sa lungsod, at sa bilang na ito ay 9,465 na ang gumaling at 325 na ang namatay.

Samantala, 399 na ang COVID death toll sa Malabon City matapos na isang pasyente ang malagutan ng hininga.

Bukod dito, 63 ang nadagdag na confirmed cases at 12,199 na ang positive cases. Sa bilang na ito ay 608 ang active cases.

Habang 75 pasyente ang gumaling at sa kabuuan ay 11,192 ang recovered patients. (ALAIN AJERO)

Read More