Overloaded SUV nahulog sa irigasyon 13 PATAY SA LAKE TRIP

KALINGA – Umabot sa 13 katao ang namatay, kabilang ang tatlong paslit, nang mahulog sa irrigation canal ang sinasakyang SUV sa lungsod ng Tabuk sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi. Nagawa namang masaklolohan ng taumbayan ang 15 pasahero ng Ford Everest SUV ngunit dalawa lamang ang nailigtas. Iniimbestigahan pa ng pulisya kung paano nahulog ang SUV at kung bakit 15 ang sakay nito. Base sa inisyal na pagsisiyasat, patungo ang mga biktima sa Bulo Lake sa Tabuk City para mamasyal bandang alas-5:00 noong Linggo ng hapon nang mangyari ang…

Read More

MAGSASAKA ITINUMBA SA HARAP NG PAMILYA

QUEZON – Patay ang isang 49-anyos na magsasaka matapos na ito ay pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa harap mismo ng kanyang pamilya sa bayan ng Candelaria sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Kinilala ng Candelaria Police ang napatay na si Emillio Estole Malaluan, residente ng Barangay Sta. Catalina Norte. Batay sa report ng Candelaria Police, bandang alas-3:00 ng hapon, nakaupo sa harap ng kanilang bahay ang biktima kasama ang ilang kapamilya nang dumating ang suspek na armado ng kalibre .45 baril. Bigla na lamang pinaputukan nito ng limang…

Read More

2 tulak nakorner BILIHAN NG SHABU SA SEMENTERYO

RIZAL – Nahuli ang dalawang hinihinalang drug pusher sa sementeryo na ginagawa umanong bentahan ng ilegal na droga sa Sitio Pinagpala, sa bayan ng Angono sa lalawigang ito. Kinilala ang mga suspek na sina Edrian Victoria y Quitlong alyas “Troy,” 32, at Marlon Delos Santos y Cariño, 34, pawang residente ng Sitio Pinagpala, Angono Ayon sa ulat ng pulisya, isang concerned citizen ang nag-ulat na isang nagngangalang Troy at Marlon ang madalas nakikita sa sementeryo at dito ay kanilang ginagawa ang bentahan ng ilegal na droga. Ayon kay P/Lt. Col.…

Read More

FOUNDER NG INVESTMENT SCAM SA DAVAO, CEBU TIMBOG

NASAKOTE ng mga pulis ang isa sa dalawang “founders” ng isang kumpanyang nanghuthot umano ng napakaraming pera mula sa maraming pangkaraniwang taong nag-invest dito, noong Linggo sa Lapu-Lapu City. Si Katherine Posas Liao ay dinakip at ikinulong batay sa limang arrest warrant hinggil sa mga kasong syndicate estafa. Batay sa batas, walang piyansa ang estafa. Si Liao ng Organiko Agri-Business, ay inireklamo ng mga investor mula Davao Region at Cebu na umano’y kanyang naloko. Ang inaasahang nilang malaking kita mula sa perang inilagak nila sa Organiko ay hindi nila nakuha…

Read More

Reporter na sinita sa maling pagsusuot ng face mask ikinulong PCP COMMANDER, 4 TAUHAN SIBAK

SINIBAK sa puwesto ang apat na pulis, gayundin ang commander ng Beata Police Community Precinct ng Manila Police District Station 10 makaraang ikulong ng 20-oras ang isang radio reporter kamakailan. Sina P/Lt. Joel Piñon, PCP commander at ang kanyang mga tauhan na sina P/SMS Jonathan Hernandez, P/Cpl. Charles Bronzon Dela Torre, Pat. Marvin Anthony Conboya at Pat. Jonathan Abad ay inilipat sa MPD Headquarters DIDMD. Ang pagkakasibak ng PCP commander at apat nitong tauhan ay makaraang ikulong nila si Lorenz Tanjoco ng Radio Pilipinas dahil lamang sa umano’ y pagkuha…

Read More

NASITA SA CURFEW, BUKING NA NASA DRUG WATCHLIST

NABUKING ang pagkakabilang sa drug watchlist ng isang 33-anyos na lalaki makaraang mahuli sa curfew at makumpiskahan ng umano’y shabu sa Binondo, Manila noong Sabado. Bunsod nito, bukod sa kasong paglabag sa ordinansa, nahaharap din sa kasong paglabag sa pag-iingat ng ilegal na droga ang suspek na kinilalang si Bryan Brinson, ng #565 Delpan St., Brgy. 286, Binondo, nakumpiskahan ng isang gramo ng shabu na P6,800 ang halaga. Base sa ulat ng MPD-Station 11, nagsagawa ng Oplan Sita ang mga awtoridad sa panulukan ng Escolta at Paredes streets sa Binondo…

Read More

SALESLADY PATAY SA HOLDAPER

PATAY ang isang saleslady matapos pagsasaksakin ng isang holdaper nang pumalag ang biktima sa Malabon City noong Linggo ng hapon. Hindi umabot nang buhay sa Ospital ng Malabon sanhi ng mga saksak sa katawan ang biktimang si Maribeth Camilo-Goco, 47, ng #282 Gen. Luna St., Brgy. Baritan. Nakapiit naman habang nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek na si Leo Ifsor, 29, ng #0635 Magat Salamat St., Brgy. Daang Hari, Navotas City. Sa report nina P/SSgt. Jeric Tindugan at P/SSgt. Jose Romeo Germinall kay Malabon police chief, Col. Joel Villanueva, dakong…

Read More

HELPER TODAS SA MISTER NG KAAWAY

SINAKSAK sa dibdib habang mahimbing na natutulog ang isang 26-anyos na lalaki makaraang magsumbong ang misis ng suspek na nakaaway nito sa Baseco Baseco Compound, Port Area, Manila. Isinugod sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ngunit idineklarang dead on arrival ang biktimang si Jerson Aguilar, helper, ng 040 Block 1, Aplaya, Baseco Compound, Port Area. Timbog naman ang suspek na si Ryan Conde, 29-anyos at residente rin sa nasabing lugar. Batay sa ulat ni Det. Dennis Suba ng Manila District Homicide Section, bago ang pananaksak, bandang alas-11:30 ng tanghali…

Read More

2 TANOD NADIIN SA PAGKAMATAY NG 12-ANYOS

NAKAKUHA noong Linggo ng hapon ang Pasay City Police ng testigong nagdiin sa mga tauhan ng Barangay hinggil sa pagkamatay ng isang batang lalaki sa Maricaban, Pasay City, ilang araw na ang nakalilipas. Halos tumutugma naman sa napanood sa CCTV ng mga nag-imbestigang pulis ang testimonya ng testigong si Jaylord Zuniega, 25-anyos na vendor ng mani at residente ng Blk. 4, Saint Theresa St., Brgy. 179, Zone 9, Maricaban, Pasay City. Magugunitang umani ng atensyon ng publiko sa social media ang tangkang paghuli ng mga barangay tanod na sina Relan…

Read More