GOB. SUAREZ, WALANG AKSYON VS MASAHOL NA COVID-19 SA QUEZON

ISA ang Quezon sa mga lalawigang masahol ang suliranin sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ngunit, hindi ito nabalita sa media. Batay sa datos ng Department of Health (DOH), umabot na sa 9,000 ang kumpirmadong bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Quezon. Araw-araw tumataas ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa lalawigan. Pokaragat na ‘yan! Napakasahol na pala ng ­COVID-19 sa Quezon. Ngunit, hindi naman naibalita sa media kung nasaan si Gobernador Danilo “Danny” Suarez at kung anu-ano ang mga hakbang nito laban sa COVID-19. Ang Quezon ay bahagi…

Read More

Tiniyak ng DILG sa preso na covid positive ISOLATION HINDI BARTOLINA

TINIYAK ng Department of Interior and Local Government (DILG) na hindi sa bartolina kundi sa isolation facility inilalagay ang isang preso na nagpo-positibo sa COVID-19. Sa virtual press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque ay sinabi ni DILG Usec. Bernardo Florece Jr. na maayos namang napapamahalaan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang kalagayan ng mga preso na nakapiit sa pasilidad ng BJMP at provincial jails sa ilalim ng superbisyon ng mga provincial governor ngayon at patuloy na tumataas ang kaso ng COVID-19. “Hindi naman sa bartolina. Mas…

Read More

Tambak sa bodega sa gitna ng gutom sa pandemya RELIEF GOODS NG DSWD IPAMAHAGI

(BERNARD TAGUINOD) HINILING ng isang mambabatas sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ipamigay na ang relief goods na nakatambak sa kanilang mga bodega sa nakaraang tatlong buwan. Ginawa ni House Committee on Civil Service & Professional Regulation chairman Frederick Siao ang nasabing panawagan dahil marami ang nangangailangan ng tulong at makikita ito sa pagsulpot ng mga community pantry. Ayon sa mambabatas, mula Enero hanggang Marso ng taong kasalukuyan ay nag-imbak ang DSWD ng relief goods para gamitin sa panahon ng kalamidad sa mga nabanggit na buwan. “Given…

Read More

Sa pananalasa ng Bagyong Bising 68 LIBO KATAO INILIKAS

MAHIGIT 18,467 pamilya o nasa 68,000 katao ang kinailangang ilikas sa Region 5 at 8 bunsod ng pananalasa ng Typhoon Bising. Sa ulat ng NDRRMC bandang 8:00 ng umaga kahapon, nasa kabuuang 68,490 katao ang pansamantalang inilikas sa ligtas na lugar dahil sa nakaambang banta ng flash flooding sa halos walong lalawigan na sakop ng dalawang nabanggit na rehiyon. Nasa 22 barangay ang apektado ng pagbaha habang dalawang road section at isang tulay ang hindi madaanan sa bahagi ng Region 8. Ayon pa sa NDRRMC, apat na probinsya sa Region…

Read More

Nagsulputang community pantries WAKE-UP CALL SA GOBYERNO

WAKE-UP call sa gobyernong Duterte ang pagsusulputan ng mga community pantry dahil kulang ang ayuda sa mga naghihikahos dulot ng kanilang kapalpakan sa pagtugon sa pandemya. Ito ang tinuran ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas kaugnay sa mga community pantry na nagsimula sa Maginhawa St., Quezon City at sinundan sa iba’t ibang panig ng bansa. “Wake-up call ito sa Duterte administration para i-fast track ang P10,000 ayuda sa bawat pamilya. Hindi sapat ang P1,000,” ani Brosas. Pinipilahan aniya ng mga tao ang mga community pantry dahil walang sapat na pera…

Read More

Sa mga pinagbayad sa remdesivir REIMBURSEMENT HIRIT NI DEFENSOR

KAILANGANG ibalik ang perang ginastos ng mga COVID-19 patient na niresetahan ng remdesivir. Ito ang pahayag ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor matapos matuklasan na hindi pinayagan ng World Health Organization (WHO) ang remdesivir bilang gamot sa COVID-19. “Sa lahat po ng pinagbayad ng remdesivir noong kayo ay mag-hospital magmula November 2020, maaari po mag-private message sa akin. Matagal na pong hindi pinayagan ng WHO yan pero ang DOH/FDA natin, patuloy pa rin!” ani Defensor. “Dapat ma-reimburse kayo dyan! May sakit na binabaon pa sa kahirapan,” dagdag pa ng mambabatas.…

Read More

Comelec ipatatawag sa Kamara PLANO SA 2022 ELECTIONS ILATAG

(BERNARD TAGUINOD) IPINALALATAG nang maaga ng isang mambabatas sa Commission on Elections (Comelec) ang mga ipatutupad nitong hakbangin upang masiguro na hindi magkakaaberya sa 2022 elections. Base sa House Resolution (HR) 1583 na inihain ni Rep. Vittorio Marino, nagpatawag ito ng pagdinig para alamin kung anong safety measures and protocols ang ipatutupad ng Comelec sa susunod na presidential at local elections. Marami aniyang bansa sa mundo ang ipinagpaliban ang eleksyon dahil sa pandemya sa COVID-19 subalit marami rin ang natuloy tulad sa United States, France, South Korea, Singapore at iba…

Read More

RAMON ANG ITINANGGING INENDORSO SI PACQUIAO

INIHAYAG ni Business Tycoon Ramon Ang, Chief Executive Officer (CEO) ng San Miguel Corporation, na mistulang na “misquote” siya sa isang nailathalang komento na sinasabing ine-endorso niya si Senator Manny Pacquiao para sa pagkapangulo sa eleksyon 2022. “May mga nagsabi sa akin na maraming nag-akala na ineendorso ko ang kandidatura ni Manny Pacquiao. Wala po akong ineendorsong kandidato,” ani Ang. Sa isang online forum kamakailan, kasama ang mga mamamahayag, tinanong si Ang kung sino sa tingin niya ang mananalo sa pagkapangulo sa susunod na eleksyon. Hindi ito nasagot ni Ang,…

Read More

Guro na wanted sa rape timbog 4 TAONG PAGTATAGO NAGWAKAS SA PNP-AKG *1 PANG MURDER SUSPECT NASUKOL

“WE cannot always prepare the future for our youth, but we can prepare them for the future.” Ito ang naibulalas ni Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group Director P/Brig. Gen. Jonnel C. Estomo nang ipaaresto ang isang dating guro ng Notre Dame School na inakusahan ng pangagahasa ng estudyante. Kinilala ni P/BGen. Estomo ang arestadong guro na si Ramil Renegado Gara na nasakote sa T.S. Cruz Subd., Brgy. Baesa, Quezon City bandang alas-2:40 noong Linggo ng hapon. Ayon kay PNP-AKG spokesperson, P/Lt. Col. Rannie Lumactod, taong 2017 nang gamitin ni…

Read More