Ayon sa Ibon Foundation P237-B DAGDAG KITA KADA TAON SA ‘WEALTH TAX’

MAHIGIT P237 bilyon ang karagdagang perang papasok bawat taon sa pambansang pamahalaan kung papatawan ng maksimum na tatlong porsiyentong buwis ang mga negosyanteng mahigit isang bilyon ang halaga ng kayamanan. Inihayag ito ng Ibon Foundation sa online forum nito hinggil sa sistema ng taxation sa bansa. Ayon kay Ibon executive director Sonny Africa, sa konseptong “wealth tax” sa ubod nang napakayamang mga negosyante ay isang porsiyento ang buwis kung ang halaga ng kayamanan nito sa loob ng isang taon ay mahigit P1 bilyon, 2% ang buwis kung mahigit P2 bilyon…

Read More

3 nasita sa curfew, huli rin sa shabu 3 TULAK KALABOSO SA P238K NG SHABU

ARESTADO ang tatlong lalaki makaraang makumpiskahan ng P238,000 halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation noong Huwebes ng hapon sa Brgy. Pembo, Makati City. Kinilala ang mga suspek na sina Jim Gonzales, CJ Manansalay Manguere at Bienjamin Jeune Virtucio. Sa ibinahaging impormasyon ni Southern Police District Director P/BGen. Eliseo DC Cruz, tinukoy na bago ikinasa ang drugs buy-bust operation ay nagsagawa muna ng ilang araw na surveillance operation ang SDEU at SIS operatives sa pangunguna ni P/Lt. Angelo O. Mendoza kasama ang Sub-Station 9 personnel. Bandang alas-3:50 ng hapon noong…

Read More

LALAKI PATAY SA HAMBALOS

NALAGUTAN ng hininga ang isang 51-anyos na lalaki matapos hatawin ng kahoy sa dibdib ng 21-anyos na binata habang sila ay nagtatalo dahil sa halaman sa Valenzuela City. Dead on arrival sa Valenzuela City Emergency Hospital ang biktimang kinilalang si Romeo Almeria, 51, ng Blk. 2, Lot 22, Phase 2A, Brgy. Bignay. Arestado naman sa follow-up operation ng mga tauhan ng Detective Management Unit (DMU), sa pangunguna ni P/Lt. Robin Santos, ang suspek na kinilalang si Amadeo Quimbao alyas “Mateo,” ng #30 Bartolome Subdivision, Brgy. Veinte Reales. Batay sa imbestigasyon…

Read More

Mga Pinoy na sundalong Olympian (Part 2)

KAWIKAAN na ang pangako ay ‘di dapat mapako kung kaya narito ang pangako ng SALA SA INIT… na karugtong ng kolum ko noong nakaraang linggo kung kailan pinangaralan ng SAKSI NGAYON ang 52 atletang Filipino, na bukod sa pagbibigay ng karangalan sa bansa sa pamamagitan ng sports ay nagbuwis din ng buhay noong Pangalawang Digmaang Pandaigdig. Nabanggit sa nakaraang kolum noong Lunes (Abril 12) ang pangalan ni swimmer Teofilo Yldefonso, ang kaisa-isang atletang Pinoy na nakapag-uwi ng dalawang Olympic bronze medal noong 1928 at 1932 edisyon ng Olimpiyada, na nasawi…

Read More

MR. CLEAN: TRAYDOR DAW SA KANYANG MGA TAUHAN SA BI?

NOONG taong 2013 pansamantalang inalis sa kanyang puwesto itong si alias Mr. Clean bilang Chief ng isang division sa Bureau of Immigration dahil sa katiwalian at itinapon ito sa Commissioner’s Office bilang technical assistant. Pinalitan sya noon ng isang opisyal ngunit imbes na ­makipagtulungan sa kanyang mga tauhan ay nagkomento pa ito sa akin na bawal daw bang magsamantala sa kapangyarihan kahit ikaw ay may katungkulan sa isang simbahan? Kahit nagmukhang tamulmol ito sa kanyang pagkakatapon ay tila naghanap ito ng damay at kanyang siniraan ang kanyang mga sariling tauhan.…

Read More

PROBLEMA PA RIN ANG DROGA KAHIT ‘DI NA PANGULO SI DUTERTE

MANIWALA kayo o hindi, kumikilos ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban sa iligal na droga. Katunayan, nitong Abril 15 ay nakahuli ang PNP at PDEA ng anim na pinaniniwalaang ‘drug dealer’ sa isang bahay sa Gatchalian Subdivision sa Las Piñas City. Ayon sa ulat ng PDEA, may dalang P122.4 milyong halaga ng methamphetamine hydrocholoride, o shabu, ang mga suspek. Isa sa mga suspek ay 14 taong – gulang lang. Pokaragat na ‘yan! Menor de edad pa lang, pero kasama na sa pagbebenta ng mahigit…

Read More

BAKUNA NG INDIA WALA PA RING EUA

KAKULANGAN ng requirements kaya umano hindi pa rin nakapagpapalabas ng resulta ang Philippine Food and Drug Administration (FDA) kaugnay sa EUA application ng Bharat Biotech Vaccine na mula sa India. Sa Laging Handa briefing, sinabi ni FDA Usec. Eric Domingo, na noon pang Enero 2021 nakapagsumite ng aplikasyon ang Bharat Biotech pero may isa pa aniyang dokumento na hindi pa nito naisusumite. Ani Domingo, kailangan lamang na mapatunayan ng Indian pharma company na nasusunod ng kanilang factory ang mga good manufacturing practice. Tiniyak naman ni Domingo na sakali’t makakuha ng…

Read More

1M JOBLESS SA ECQ PART 2

DAHIL sa pananatili sa modified enhanced community quarantine ng NCR Plus areas hanggang katapusan ng Abril ay pumalo na sa 1 milyong mga Pilipino ang walang hanapbuhay sa ngayon. Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Trade Sec. Ramon Lopez na batay ito sa kanilang nakalap na datos. Aniya, noong nasa ECQ kasi ang NCR Plus bubble ay umaabot sa 1.5M ang displaced workers pero dahil nagluwag ng kaunti nang ibaba sa MECQ ang mga nasabing lugar ay nakabalik na ang nasa 500,000 manggagawa. Sinabi pa nito na dahil…

Read More

Criminal negligence ‘yan – solon P3-B PARA SA PPE ‘IGINARAHE’ NG DOH

(BERNARD TAGUINOD) ITINUTURING ng isang mambabatas sa mababang kapulungan na isang uri ng ‘criminal negligence” ang hindi pagbili ng Department of Health (DOH) ng mga personal protective equipment ng medical frontliners kahit may pondo na para rito. Ayon kay Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, umaabot sa P3 billion ang inilaang pondo para pambili ng PPEs ng medical frontliners subalit hindi pa umano ito ginagamit ng tanggapan ni Sec. Francisco Duque III. ‘The failure of DOH executives to use the P3 billion allotted in Republic Act (RA) 11494 or the Bayanihan…

Read More