44 TULAK TIKLO SA CAVITE BUY-BUST

CAVITE – Umabot sa 44 hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang isang menor de edad, ang arestado sa isinagawang buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial l Office (PPO), isinagawa ang buy-bust operation sa pagitan ng alas-10:30 ng umaga noong Miyerkoles hanggang alas-12:45 ng madaling araw nitong Huwebes sa anim na lungsod at limang bayan ng lalawigan. Nanguna ang Lungsod ng Bacoor sa pinakamaraming bilang ng mga dinampot kabilang ang isang menor de edad, 14; sumunod ang Tanza, 8;…

Read More

RIDER PATAY, ANGKAS KRITIKAL SA TRUCK

CAVITE – Binawian ng buhay ang isang 55-anyos na rider habang kritikal ang kanyang angkas nang mabangga ng isang cargo truck ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang palikong bahagi ng kalsada sa Trece Martires City. Kinilala ang biktimang namatay na si Florante Rogacion ng Mendez Crossing West, Tagaytay City habang isinugod sa General Emilio Aguinaldo Hospital ang angkas nitong si Rafael Cruzen, nasa hustong edad, ng Pangil, Amadeo, Cavite. Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng cargo truck na si Edmund Neri, 30, ng Creekside, Brgy. Julugan 8, Tanza,…

Read More

40 VINTAGE BOMBS NAREKOBER SA CAUAYAN

ISABELA – Aabot SA 40 pirasong iba’t ibang vintage bombs ang narekober ng Police Regional Office 2 (PRO2) mula sa isang junkshop sa Brgy. Nungnungan 2, Cauayan City sa lalawigang ito, noong Abril 13. Sa natanggap na report ng SAKSINGAYON (Peryodiko Filipino Inc.) mula sa PRO2 Regional Public Information Office, sa pangunguna ni Police Lieutenant Oliver Salamero, team leader ng Provincial Explosives and Ordinance Division and Canine Unit (PECUI Isabela/CECU Cauayan City, agad silang nagresponde sa tawag ng isang junkshop owner na si Mr. Harrison Panggao, hinggil sa ibinentang unexploded…

Read More

9-YEAR BAN SA MINING BINAWI

BINAWI na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nine-year ban sa pagbibigay ng bagong mining agreements para i-maximize ang government revenues. Sa katunayan, ipinalabas ni Pangulong Duterte ang Executive Order (EO) 130, na nagsaaad na ang pamahalaan ay maaring pumasok sa bagong mineral agreements, “subject to compliance with the Philippine Mining Act of 1995 and other applicable laws, rules, and regulations.” Ang ban ay ipinatupad ni dating Pangulong Benigno Aquino III, taong 2012. Sa nasabing EO, sinabi ni Pangulong Duterte na ang Pilipinas ay gumamit ng “less than 5%” ng…

Read More

Imbes ayuda at bakuna, buhangin ang inuna- solon PONDO SAYANG SA DOLOMITE

(BERNARD TAGUINOD) NANGHIHINAYANG ang isang mambabatas sa pondong naaaksaya sa dolomite na itinatambak ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Manila Bay imbes na gamitin ito sa ayuda o kaya sa mass testing at bakuna. “Napakahirap unawain ng ganitong klaseng prayoridad ng gobyerno,” ani Bayan Muna party-list Rep. Eufemia Cullamat matapos ituloy ng DENR ang pagtatambak ng dolomite sa Manila Bay. Sinabi ng mambabatas na kulang na kulang ang mass testing, bakuna at maging ang ayuda sa mga taong labis na naapektuhan sa COVID-19 pandemic subalit inuunang gastusan…

Read More

PCG PERSONNEL SABIT SA SCAM

ISANG enlisted personnel ng Philippine Coast Guard ang iniimbestigahan dahil sa pagkakasangkot umano sa investment scam. Ito ang inihayag ni Philippine Coast Guard spokesperson, Commodore Armand Balilo kaugnay sa isang kasapi ng Coast Guard Task Force Bayanihan Returning Overseas Filipinos (BROF). Ayon kay Comm. Balilo, ipinag-utos ni PCG Commandant Admiral George Ursabia na bilisan ang proseso ng isinasagawang imbestigasyon upang mapanagot ang sangkot nilang tauhan. Una rito, sinibak sa puwesto ang nasabing enlisted personnel habang gumugulong ang imbestigasyon laban dito makaraang lumutang ang anim na complainant at magsisilbing katibayan sa…

Read More

BAGONG KAGAMITAN SA MANILA HOSPITAL PINASINAYAAN

PINASINAYAAN nina Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan ang bagong hospital equipment ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) na magagamit para sa mabilis na deteksiyon ng mga sakit. Ito ang ibinida ng dalawang lider ng lungsod kasama si GABMMC director Dr. Ted Martin kaugnay sa bagong GE Revolution EVO-128 slice CT scan machine ng naturang pagamutan. Nabatid na ang  Japan-made CT scan machine ay binili ni Moreno bilang bahagi ng kanyang  long-term plan para mapagbuti ang health services sa lungsod ng Maynila. Samantala, si…

Read More

UMIWAS SA TRIKE, RIDER PATAY SA TRUCK

DAHIL sa pag-iwas sa isang tricycle, nawalan ng panimbang at pumailalim sa dump truck ang isang 22-anyos na rider at nagulungan na nagresulta sa pagkamatay nito sa Tondo, Manila, iniulat ng pulisya. Kinilala ang biktimang si Edhel John Otico, binata, ng #108 Pacheco St., sakop ng Brgy.110 sa Tondo. Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property ang driver ng truck na si Jake Lopez y Maraquizo, 38, may asawa, residente ng Blk. 74, Lot 17-A, San Isidro 3, E. Rodriguez, Rizal, dating Montalban. Batay…

Read More

6 TULAK TIMBOG SA 18 KILO NG SHABU

UMABOT sa 18-kilo ng umano’y shabu ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency at AFP Intelligence Groups sa inilunsad na anti-narcotics operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa anim katao, kabilang ang isang menor de edad, sa 134-E C.  Tionquiao St., Gatchalian Subdivision, Las Piñas City. Sa ulat na isinumite kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, kabilang sa mga nadakip sina Reyano T. Oraid, Khen T. Moreno, Efren M. Mangona, Abdulmunir M. Addin alyas Shay, An A. Mokamad at isang menor de edad na estudyante Nasamsam sa pinagsanib na…

Read More