NADAGDAGAN pa ng 17 ang bilang ng mga namatay sa COVID-19 sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Abril 9 habang umakyat na sa 4,993 and active cases. Umakyat naman sa 352 ang COVID death toll sa Malabon matapos na tatlong pasyente ang bagong namatay. Bukod dito, 24 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 10,426 na ang positive cases sa lungsod, 995 dito ang active cases. Umabot naman sa 31 ang mga gumaling at sa kabuuan ay 9,079 na ang recovered patients ng siyudad. Tatlo naman…
Read MoreMonth: April 2021
COVID CASES SA MPD, MAHIGIT 800 NA
UMABOT na sa mahigit 800 pulis na miyembro ng Manila Police District ang kumpirmadong naging positibo sa COVID-19. Ayon kay Manila Police District (MPD) director, P/Brigadier Gen. Leo “Paco” Francisco, sa nasabing bilang ay 712 na ang nakarekober sa nasabing sakit. Sa kasalukuyan, nasa 100 pang pulis Maynila ang may aktibong kaso at ginagamot sa mga quarantine facility. Huling iniulat na namatay sa sakit si P/SSgt. Cenen Evangelista na nakatalaga sa MPD-Traffic Enforcement Unit. Ayon sa ulat, bago nabakunahan ay nagpositibo sa COVID-19 si Evangelista at siya ay asymptomatic. (RENE…
Read MoreTRAFFIC ENFORCER BINAKUNAHAN, NAMATAY
BINAWIAN ng buhay ang isang 48-anyos na miyembro ng Manila Police District Traffic Enforcement Unit ilang araw makaraang maturukan umano ng Sinovac na bakuna laban sa COVID-19. Base nakalap na impormasyon mula sa Manila Police District Health Service, ang biktima na kinilalang si P/Staff Sergeant Cenen Delos Santos Evangelista, ay nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa Skyline Hospital and Medical Center sa San Jose Del Monte, Bulacan. Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya, noong Marso 31 nang bakunahan ang MPD personnel na may comorbidities sa Manila Emergency Operations Center…
Read MoreHERD IMMUNITY TARGET SA MM
KAILANGANG umabot sa limang milyon ang mabakunahang taga- Metro Manila para makuha ang inaasam-asam na herd immunity sa NCR. Ayon kay Vaccine czar Secretary Carlito Galvez, base sa kanilang pag-uusap nina MMDA Chairman Benhur Abalos ay nakikita nilang magkakaroon na ng containment sa NCR kapag naabot ang 5 million individual vaccination. Granular vaccination, ani Galvez ang kanilang gagawing pag-atake kung saan ay kanilang uunahin ang mga most affected o mga lugar na may mataas na kaso. “Ang nakikita ko, iyong kapag once na dumating na iyong AstraZeneca na majority nasa…
Read MoreMAKIPAG-UGNAYAN SA ONE HOSPITAL
HINIMOK ng Malakanyang ang mamamayan lalo ang mga kailangang magdala ng kanilang kaanak sa ospital na dumulog sa One Hospital Command Center. Ang paghikayat na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay bunsod ng marami na aniyang punong ospital at sadyang mahirap maghanap ng pagamutang maaaring pagdalhan sa isang tinaman ng COVID. Naniniwala si Sec. Roque na makatutulong kung makatawag sa One Hospital Command Center dahil ito ang makapagsasabi kung saan pang ospital may bakante at pwedeng pagdalhan sa isang suspected COVID patient. Una nang sinabi ni Roque na nakahanda…
Read MoreBAKUNA NG RUSSIA INAASAHAN SA LUNES
INAASAHAN na ang pagdagsa ng mga bakuna laban sa COVID-19 sa bansa ngayong buwan. Sinabi ni Chief Implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez na maaaring sa Lunes ay dumating na ang kauna-unahang batch ng bakuna na galing Russia. Nauna na kasing sinabi ni Galvez na inaasahan ang pagdating pa ng mga bakuna ngayong 2nd quarter ng buwan. Aniya, ang bakuna ng Gamaleya ang inaasahan nilang paparating ngayong Abril 12 kasunod ng iba pang mga bakuna sa susunod na linggo gaya ng Sinovac. “Sa tanong po na ano po ang…
Read MorePAGPAPALAGANAP SA PROYEKTO NG OWWA TINUTUKAN
NANAWAGAN si OWWA Board of Trustee Dr. Chie Umandap sa overseas Filipino workers (OFW) at mga pamilya nito na seryosohin ang “cash grant” at iba pang proyektong pangkabuhayan ng ahensiya dahil ito ay para sa kapakanan nila. Sa panayam ng programang UP UP Pilipinas, hinikayat ni Umandap ang mga benepisyaryo na ituring na malaking pagkakataon ang handog ng programa lalo na sa gitna ng pagsubok ng pandemyang COVID-19. Patuloy naman si OWWA Deputy Administrator Faustino Zabares sa “Lakbay Re-Integration.” Ito ay “information campaign” ng ahensiya sa iba’t ibang lugar ng…
Read MoreBBM, SUPORTADO NI DUTERTE SA 2022
(NELSON S. BADILLA) MALAKI ang posibilidad na suportahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kung tatakbo ito sa halalang 2022. Ibinunyag ito ng tagapagsalita ni Duterte na si Secretary Harry Roque Jr. sa harapan ng mga negosyanteng Filipino-Chinese. Ani Roque, susuportahan ni Duterte si Marcos sakaling hindi tumakbo sina Senador Christopher Lawrence “Bong” Go at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio. Kilala rin si Marcos sa palayaw na “BBM” bukod sa Bongbong. Ilang ulit na idiniin ni Go na tatakbo siya sa pagkapangulo kung si Duterte…
Read MorePaghihigpit ng FDA, DOH delikado- Defensor PEKENG IVERMECTIN KAKALAT
HINDI isinasantabi ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor na maraming pekeng ivermectin ang kakalat sa merkado kung patuloy na hihigpitan ng Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) sa nasabing gamot. Dahil dito, umapela si Defensor sa DOH at FDA na payagan ang mas maraming compounding laboratories na mag-produce ng ivermectin upang maiwasan ang pamemeke, smuggling at pagtaas ng presyo nito. Ayon sa mambabatas, mismong ang FDA ng Pilipinas, FDA ng United States (US) at World Health Organization (WHO) ang nagsabi na safe ang nasabing gamot na…
Read More