FRONTLINERS KINILALA SA ARAW NG KAGITINGAN

KINILALA at binigyang-pugay ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga frontliner sa paggunita ng Araw ng Kagitingan nitong Biyernes. Sa mensahe ng pangulo, sinabi nito na ang ginagawa ngayon ng mga frontliner ay repleksiyon ng kabayanihang ipinamalas ng mga mandirigma noon sa Bataan. Aniya pa, marapat lang na kilalanin ang lakas ng loob at dedikasyon ng mga frontliner na walang pagod na humaharap sa mga hamon at peligro ng pandemya. “As we continue to overcome the COVID-19 pandemic, we take a moment to honor the fortitude displayed by our selfless…

Read More

3 PATAY SA PAMAMARIL SA LAGUNA

LAGUNA – Bagama’t nasa ilalim ng lockdown dulot ng ECQ, tatlo ang patay sa magkakasunod na kaso ng pamamaril sa lalawigang ito, noong Huwebes. Batay sa report ng Laguna PNP, kabilang sa napatay ang isa umanong miyembro ng robbery-holdup at akyat bahay group sa Biñan City, at isang tulak ng droga sa bayan ng Pangil. Bandang alas-5:40 ng umaga nang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek ang biktimang si Ricky Arzola sa Southville 5, Barangay Langkiwa, Biñan City. Dead on arrival si Arzola sa ospital habang mabilis na tumakas ang suspek…

Read More

EX-NPA PATAY SA DRUG BUST

LEYTE – Patay ang isang dating kasapi ng komunistang New People’s Army, na luminya umano sa illegal drug dealing, sa ikinasang joint law enforcement operation ng Philippine Army, Philippine Drug Enforcement Agency-8 (PDEA-8), katuwang ang Philippine National Police Regional Special Operations Group-8 (PNP RSOG-8), sa Sitio Mahayahay, Brgy. Anislagan, sa bayan ng Calubian sa lalawigang ito. Target ng joint operation na sinuportahan ng 802nd Infantry (Peerless) Brigade at 93rd Infantry (Bantay Kapayapaan) Battalion, si Marlon S. Mendoza na nahaharap sa kasong frustrated murder (Criminal Case Nr. CV-19-914). Si Mendoza ay…

Read More

2 RAPE SUSPECTS, NADAKIP NG PNP-AKG

WINAKASAN ng mga tauhan ni Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group chief, P/Brig. Gen. Jonnel C. Estomo ang pagtatago ng dalawang rape suspect sa ikinasang magkahiwalay na law enforcement operation sa Diadi, Nueva Vizcaya at Lapu-Lapu City, Cebu. Ayon kay PNP-AKG spokesman, P/Lt. Col. Ronaldo Lumactod, unang nadakip si Joyce Weil Nartia Ocumen alyas “Jojo Ocumen,” top ten most wanted person ng Region 2, nang matunton ng grupo ni P/Lt. Col. Renato B. Ocampo ang pinagtataguan nito sa bayan ng Diadi sa lalawigan ng Nueva Vizcaya. Ayon sa police report,…

Read More

NPA OFFICIAL SUMUKO SA MILITAR

QUEZON – Kusang sumuko ang secretary general ng Karapatan Quezon sa 2nd Infantry Division matapos mabunyag ang propaganda tactics ng mga lider ng NPA. Ang NPA leader na si Genelyn Dichoso ng Brgy.10, Poblacion, Catanauan, Quezon ay sumuko sa tulong ng kanilang local government noong Lunes ng umaga (Abril 5). Samantala, pinabulaanan ni Dichoso ang ikinalat umanong impormasyon ng Karapatan Timog Katagalugan, na inaresto at hina-harass siya ng militar. Sinabi ni BGen. Rommel Tello, acting commander ng 2ng Infantry Division, “Your lies are now being revealed by those among you…

Read More

4,400 DYIP, BUS DAGDAG SA NCR

PINAYAGAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magbyahe ang 4,400 dyip at bus sa National Capital Region (NCR). Ayon kay LTFRB Officer-In-Charge Zona Tamayo, ang 1,800 dyip at 2,600 provincial buses ay dagdag sa kasalukuyang bumibyaheng dyip at bus sa NCR. Ngunit, nilinaw ni Tamayo na ang byahe ng provincial buses ay babatay sa desisyon ng mga pamahalaang lokal. Tiniyak ni Tamayo na tuloy ang dagdag na mga pampublikong sasakyan sa NCR kahit humaba pa ang enhanced community quarantine (ECQ) ng karagdagang isang linggo sa NCR. Aniya,…

Read More

14 DAGDAG SA CALOOCAN COVID DEATHS

UMABOT sa 14 ang nadagdag sa COVID-19 death toll ng Caloocan City at naitala sa 1,312 ang active cases. Mula 576 dakong alas-5:00 ng hapon noong Abril 6, umakyat sa 590 ang COVID-19 casualties sa lungsod sa parehong oras noong Abril 8. Umakyat naman sa 20,189 ang kumpirmadong kaso sa lungsod, kung saan 18,287 na ang gumaling. Naging 349 naman ang COVID-19 death toll ng Malabon City nang isang pasyente ang namatay noong Abril 8. Bukod dito, 150 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 10,402 na ang…

Read More

Para wala nang dikit-dikit na pila sa ayuda QC GAGAMIT NG STUBS

PARA matiyak na mapananatili ang minimum health protocols sa distribusyon ng ayuda, binago ng Quezon City ang kanilang schedule na nagsimula nitong Biyernes, Abril 9. Hinikayat ng lokal na pamahalaan ang mga barangay na ituloy ang magandang sistema na ipinaiiral para sa maayos na pilahan sa distribution centers. Kabilang dito ang pamamahagi ng stubs, pag-schedule ng mga kailangang pumila kada oras, pagpapapila sa mga bibigyan ng ayuda sa pamamagitan ng alphabetical order, (halimbawa, puro ang mga may apelyidong nagsisimula sa letter A ang papupuntahin muna sa distribution center), o kaya…

Read More

4 MOST WANTED PERSONS SA VALENZUELA, TIMBOG

APAT na most wanted persons ang arestado sa loob lamang ng 24-oras na operasyon ng pulisya sa magkakahiwalay na lugar sa Valenzuela City. Ayon kay Valenzuela City Police Warrant and Subpoena Section (WSS) chief, P/Lt. Robin D. Santos, ang apat na arestadong mga suspek ay kabilang sa listahan ng 10 topmost wanted persons sa lungsod. Ani P/Lt. Santos, unang nadakip si Ryan Jay Baylon, 31, residente ng Upper Tibagan, Brgy. Gen. T. De Leon, ang no. 1 topmost wanted person sa lungsod. Si Baylon ay inaresto ng mga operatiba ng…

Read More