NAGPASAKLOLO sa Manila Police District ang isang babaeng vlogger makaraang mabiktima ng “fake booking” at umabot sa P15,000 ang binayarang pagkain na hindi naman niya inorder ngunit idiniliber sa kanyang bahay sa Sampaloc, Manila. Ayon sa nagreklamong si alyas “Rosmar,” dumating sa kanilang bahay ang sinasabing inorder niya na milk tea, manok, pizza, shawarma at sex toys noong Huwebes. Una umanong dumating ang delivery na may kasamang pagkain at milk tea ngunit nang itanggi niya na siya ay umorder ay nagalit ang rider kaya napilitan siyang bayaran ang pagkain at…
Read MoreMonth: April 2021
2 WANTED PERSONS TIKLO SA QCPD
INANUNSYO ni Quezon City Police District (QCPD) director, P/Brig. Gen. Danilo P. Macerin, ang pagkakahuli sa dalawang wanted persons sa bisa ng warrant of arrest, sa anti-criminality operations noong Abril 8 sa Quezon City. Ayon sa ulat, nadakip ng mga tauhan ng Payatas Bagong Silangan Police Station (PS-13), sa bisa ng warrant of arrest, si Roberto Rivera, 23-anyos, residente sa #228 Gen. Francisco, Brgy. Bagong Silangan, Quezon City, dakong alas-6:45 ng gabi noong Abril 8 sa bahay nito. Ang suspek ay inaresto dahil sa kasong paglabag sa RA 8353 sa…
Read MoreROBIN PADILLA SALUDO KAY BONGBONG MARCOS
Nagpahayag ng kanyang paghanga ang aktor na si Robin Padilla kay dating senador Bongbong Marcos dahil sa patuloy nitong pagtulong sa mga Pilipino. Sa kanyang Facebook page, nag-post ang tinaguriang ‘Bad Boy’ of Philippine cinema ng : “Bongbong Marcos Ito ang tamang galaw ng taong may utang na loob kay PRRD. No politicking ano man ang Plano niya sa 2022 hindi Siya nagsasalita ng laban sa gobyerno o kahit kanino sa gabinete dahil alam niya ano man kasiraan ng nasa gabinete ay kasiraan ni PRRD. Ang mahalaga sa kanya ay…
Read MoreMABUHAY KA, WESLEY SO – PILIPINO!
KAMAKAILAN lamang, si Wesley So, Pilipinong chess Grandmaster, ay ginawaran ng citizenship ng Estados Unidos. Ang itinuturing na mahiko sa larong hindi lamang gumagamit ng lakas na pisikal kundi bilis ng utak ay mahigit kalahating dekadang nanahan sa lupain ng asukal at pulot-gata matapos na siya’y maging biktima ng politikang matagal nang humihimay sa hibla ng sport dito sa bansa. Makaraan kasing maibulsa ang kauna-unahang gintong medalya ng bansa sa 2012 Summer Universiade na ginanap sa Kazan, Russia kung saan nilampaso niya si local boy Zaven Andriasian, ang noo’y 26-anyos…
Read MorePRESSURE NG CORRUPTION KAKAYANIN KAYA NG BAGONG TALAGANG AIRPORT CHIEF NG IMMIGRATION?
RELIABLE kaya ang napiling bagong Port Operations Division Chief ng Bureau of Immigration? Ito ang malaking katanungan ngayon ng ilang mga empleyado ng BI matapos umalis sa puwesto si dating POD Chief Candy Tan at humalili naman sa kanya itong si Atty Carlos Capulong. Pero malaking palaisipan at katunayan ay nagkaroon pa ng bulong-bulungan noon na nung nakaupo si Tan sa nabanggit na tanggapan, kahit daw bago pa lang siya noon ay gustung-gusto na nitong umalis sa pwesto. Hindi kaya kinaya ni Tan ang pressure ng corruption mula sa mas…
Read MoreOWWA TULONG PUSO AY PARA SA LAHAT NG OFW ORGANIZATION (Ikalawang Bahagi)
DAHIL sa ako naman ang “principal sponsor” ng OWWA Resolution para sa Tulong Puso, ay inako ko na sa aking sarili na maglalaan ako ng oras upang ipalaganap ang programang ito upang hindi na maulit ang dating pagkukulang sa impormasyon na naging dahilan kung kaya hindi gaanong napakinabangan ng mga OFW ang naunang Tulong Puso program ng DOLE. Bilang ako naman ang Founding Chairman ng Advocates and Keepers Organization of OFW (AKOOFW) ay sinimulan ko sa aking sariling grupo ang AKOOFW Info Caravan na ang layunin ay ipaalam hindi lamang…
Read MorePALPAK ANG CPP SA SENADO
IBANG klase rin ang impormasyong pinakawalan ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) laban sa unyon ng mga empleyado ng mataas na kapulungan ng Kongreso, o Senado. Ang impormasyon ay mayroong “mata” at “tainga” ang Communist Party of the Philippines (CPP) sa Senado, sa pamamagitan ng ilang empleyado nito. Ang nagsabi raw nito ay mismong pinuno, o hepe, ng NICA na si Alex Paul Monteagudo. Pokaragat na ‘yan! Nakaugnay umano ang CPP sa mga empleyado ng Senado na kasama sa Sandigan ng mga Empleyadong Nagkakaisa sa Adhikain ng Demokratikong Organisasyon (SENADO).…
Read MoreHOTEL ISOLATION SA MEDICAL WORKERS
HINAHANAPAN na ng gobyerno hotel na mapaglalagyan sa mga doktor at nurse na matatamaan ng COVID 19. Sinabi ni Chief Implementer Carlito Galvez, may negosasyon na para sa matutuluyan ng mga medical worker ng PGH, East Avenue Medical Center, Lung Center of the Philippines at National Kidney Institute. Tinatayang nasa 80 mga kuwarto ang sinisikap ng gobyerno na mailaan para sa mga taga-PGH, 20 kuwarto para sa mga taga-East Avenue ganundin para sa mga taga-Lung Center at NKTI. Ani Galvez nais nilang matiyak sa mga health worker na naririto ang…
Read MorePALASYO MAY BWELTA SA MGA NALIITAN SA P1K
TILA ipinamukha ni Presidential spokesperson Harry Roque sa mga kritiko ng gobyernong Duterte na hindi lang naman panahon ng ECQ naglalabas ng tulong ang gobyerno sa mga pamilyang patuloy na naaapektuhan ng pandemya. Ito ang pahayag ni Presidential spokesperson Harry Roque sa gitna ng mga nagsasabing hindi raw sapat ang isanlibong pisong amelioration assistance sa bawat indibidwal o apat na libong piso para sa bawat pamilyang Pilipino na nasa ilalim ng ECQ. Aniya, nandyan naman ang DSWD na patuloy na nagpapatupad ng regular social welfare services nito kagaya ng Assistance…
Read More