MIYEMBRO NG ROBBERY GROUP, SUGATAN SA PARAK

CAVITE – Sugatan ang isang miyembro ng Santiago robbery group at responsable rin sa pagbebenta ng ilegal na droga, nang manlaban sa mga awtoridad na nagsilbi sa kanya ng warrant of arrest sa Gen. Trias City sa lalawigang ito, noong Sabado ng hapon. Nilalapatan ng lunas sa General Emilio Aguinaldo Hospital ang suspek na si Datu Gandawali, 20, tubong Cotabato City at residente sa Sec. J Riverside, Tropical Village Pabahay 2000, Brgy. San Francisco, General Trias City. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Ernesto Angue Jr. ng Gen. Trias City Police,…

Read More

9 KATAO NASABUGAN NG LPG

RIZAL – Umabot sa siyam katao ang sugatan makaraang masabugan ng tangke ng LPG sa kanilang bahay sa lalawigang ito, noong Sabado. Kinilala ang mga sugatan na sina Elizabeth Garcia, Francis Caberte, Anacita Garcia, Vergie Martinez, Melanie Abais, Josephine Samarita, Jamie San Pascual, Marinel Abardanido at Riza Pangan, pawang mga residente sa #9 Amado St., Brgy. Burgos, Rodriguez, Rizal. Base sa inisyal na imbestigasyon ng Rodriguez Municipal Police, bandang alas-6:30 ng umaga nang maamoy ng mga biktima ang tumatagas na tangke ng LPG. Agad nilang inalis sa kalan at inilabas…

Read More

PNP-SAF PATAY, 2 SUGATAN SA LANAO

LANAO del Norte – Patay ang isang kagawad ng Philippine National Police-Special Action Force habang dalawang iba pa ang nasugatan sa isinagawang law enforcement operation laban sa isang most wanted person sa lalawigang ito, noong nakaraang linggo. Nakiramay at nagpahayag ng kanyang kalungkutan si PNP chief, Lt. General Guillermo Lorenzo Eleazar sa pagkamatay ni P/Corporal Jan Oliver Rodriguez, miyembro ng PNP elite Special Action Force sa sagupaan sa Nunungan, Lanao del Norte. “Losing a policeman like Police Corporal Rodriguez is truly a great loss to our organization,” ani Eleazar sa…

Read More

Payo ng Manila LGU KAHIT BAKUNADO NA, MAG-INGAT PA RIN

KINUMPIRMA ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na fully vaccinated na siya makaraang tanggapin ang second dose ng Sinovac ngunit patuloy pa rin aniya siyang nag-iingat sa COVID-19, ganito rin ang payo niya sa iba pang mga bakunado na. Bilang patotoo, patuloy pa rin si Moreno sa pagsusuot ng face mask at pag-obserba sa proper physical distancing. Umapela rin ang alkalde sa lahat ng mga tumanggap ng kanilang first dose na huwag papalya sa pagtanggap ng kanilang second dose. “Di bale sobra sa araw, ‘wag lang kulang. Sa second…

Read More

11 PA TUMBA SA COVID SA CALOOCAN

TANGING ang Caloocan City ang nakapagtala ng bagong namatay sa COVID-19 sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area, sa bilang na 11 noong Mayo 8. Habang umakyat sa 1,555 ang active cases at naitala ang total confirmed cases sa 28,142. Sa bilang na ito ay 25,782 na ang gumaling at 805 na ang namatay, na pinakamarami sa CAMANAVA. Sumegunda naman sa dami ng active cases ang Valenzuela City na may 1,071 aktibong kaso makaraang 129 ang nagpositibo at 164 ang gumaling. Pangalawa rin ang lungsod sa dami ng kumpirmadong kaso…

Read More

Kapag nagpabaya sa mass gathering LOCAL CHIEF EXECUTIVES KAKASUHAN NG DILG

INATASAN ni Interior Secretary Eduardo Año ang lahat ng hepe ng pamahalaang lokal na siguraduhing walang mangyayaring kahit anong klaseng mass gathering sa kanilang nasasakupan. Tiniyak ni Año na sasampahan ng kaukulang kaso ang local chief executives (LCEs) na madidiskubre ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na pabaya sa pagpapatupad ng patakarang “no mass gatherings” sa panahong taas-baba ang bilang ng mamamayang tinatamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ang mensahe ni Año ay nakasaad sa inisyu niyang DILG- Memorandum Circular (MC) No. 2021-050. Ang memorandum ay pagsunod…

Read More

SELDA PARA SA PASAWAY IHANDA NA – ELEAZAR

IPINAG-UTOS ni Philippine National Police chief P/Gen. Guillermo Eleazar sa kanyang mga tauhan na maghanda na ng kanilang detention facilities bilang tugon sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na arestuhin ang mga taong lumalabag o hindi tama ang pagsusuot ng face mask. Ngunit binigyang-diin na ni Eleazar na hindi kailangan abusuhin o pahirapan ang mga madadakip at kailangan na masunod pa rin ang ipina-iiral na physical distancing sa loob ng detention cells na pagkukulungan ng mga maaaresto sa loob ng maximum na dose oras kung hindi sila masasampahan ng…

Read More

RECALL NG EXCLUSION ORDER DAPAT IMBESTIGAHAN

DINALUHAN ng ilang opisyal ng ating pamahalaan noong nakaraang linggo ang virtual Senate inquiry kaugnay sa mga Pinay OFW na naging biktima ng human trafficking ng mga tinaguriang white slavery syndicate. Sumalang din sa naturang pagdinig si Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente na wala pa rin pinagbago sa kanyang mga pahayag. Hugas kamay pa rin si Morente at tila hindi alam kung ano ang kanyang trabaho. Ayon kay Morente, kanya na raw pinatalsik sa airport ang mga immigration officers na nagtatatak sa passport ng mga Pinay OFW at inilipat…

Read More

OFW SA JEDDAH, BIKTIMA NG PAMBABASTOS NG KANYANG AMO

SUKDULAN na ang pambabastos na nararanasan ng isang OFW na nasa Dammam, Saudi Arabia sa kamay ng kanyang manyakis na amo. Sa video na ipinarating sa akin ni OFW Advocate Rodel Cabinga ay kitang-kita ang pagpaparaos ng isang Arabong amo sa kawawang OFW. Mabuti na lamang at nakuhanan ng OFW ang kahalayang ginagawa ng kanyang amo sa pamamagitan ng kanyang celfone na kanyang itinago sa gilid ng kanyang kama habang ang manyakis na amo ay “nagsasariling sikap at nagpaparaos” sa mismong harap niya at sa loob pa mismo ng kanyang…

Read More