BRGY. KAGAWAD BINARIL, GUNMAN NAPATAY

NAPATAY ng mga tauhan ng Manila Police District ang isang 52-anyos na lalaki makaraang barilin ang isang barangay kagawad sa Quiapo, Manila, noong Biyernes ng gabi. Namatay noon din ang gunman na kinilalang si Edgardo Maluto y Languitan, ng Zone 6, Capisnon, Kauswagan, Cagayan De Oro. Inoobserbahan naman sa Metropolitan Medical Center sanhi ng dalawang tama ng bala sa katawan ang biktimang si Alinor Sharief y Saronay, 51, may asawa, barangay kagawad sa Brgy. 283 at residente sa #821 Arlegui St., Quiapo. Batay sa ulat ni Det. Jansen Rey San…

Read More

114 NAVOTEÑO NAGTAPOS NG TECH-VOC COURSES

UMABOT sa 114 Navoteño ang nakatapos ng sari-saring technical at vocational courses sa Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute. Sa nasabing bilang ay 36 ang nagtapos ng Japanese Language and Culture I habang 12 ang nagtapos ng Japanese Language and Culture II program. Labinglima naman sa graduates ang nagtapos ng Korean Language and Culture I. Samantala, 16 trainees ang nagtapos at nakatanggap ng national certification (NC) II para sa housekeeping, 15 para sa food and beverages services, at 20 naman para sa pagiging barista. Binati ni Mayor Toby Tiangco…

Read More

COVID DEATHS SA CAMANAVA, LAGPAS 2K NA

UMAKYAT na sa 2,005 ang bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19 sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area makaraang madagdagan ng 11 bagong namatay noong Mayo 7 ang tatlo sa apat na lungsod. Ayon sa ulat, anim ang namatay sa Caloocan City na umabot na sa 1,560 ang active cases. Naitala sa 27,943 ang confirmed cases sa lungsod, habang 25,589 ang recoveries at 794 na ang namatay. Tatlo naman ang namatay sa Navotas City at 344 ang active cases matapos na 12 ang nagpositibo at 37 ang gumaling. Pumalo…

Read More

Q1 build target ng Globe ‘on track’ sa kabila ng mga hamon ng kuwarantina

NANATILING ‘on track’ ang Globe sa build target nito para sa first quarter ng 2021. Ang kompanya ay nakapagtayo na ng 318 bagong cell towers sa mga strategic location sa buong bansa at pinalakas pa ng 20 stand alone in-building solutions (IBS) sa mga mahahalaga ring lugar. Sa 5G space, ang pagsisikap ng Globe na palawakin pa ang 5G services ay nananatili ring nasa tamang direksiyon sa pagtatayo ng 1,383 sites sa NCR, Bacolod, Boracay, Cebu, Iloilo, Cagayan de Oro at Davao hanggang noong katapusan ng Marso. “While our numbers…

Read More

P150M UNREGISTERED FACE MASKS, FACE SHIELDS NASABAT

NAKUMPISKA ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang may P150 milyong halaga ng mga hindi rehistradong personal protective equipment (PPE), gayundin ng mga pekeng luxury clothing, beauty products, at mga laruan, sa isang operasyon na bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa smuggling at counterfeiting. Mismong si Alvin Enciso, hepe ng Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP), ang nanguna sa operasyong isinagawa sa isang storage facility sa Binondo, Manila nitong Miyerkoles. Ayon kay Enciso, ang mga naturang goods ay tinatayang nagkakahalaga ng P150 milyon, base…

Read More

PABOR SA ADMIN CANDIDATES ANG PANDEMYA

TARGET ng gobyerno na magkaroon ng herd immunity pagdating ng Nobyembre ngayong taon kaya dapat paspasan ang pagbabakuna pero sa situwasyon ngayon mukha may kalabuan pa. Limitado pa rin ang dating ng mga bakuna dahil hindi agad pumila ang mga responsableng opisyales ng gobyerno sa mga drug manufacturers para magkaroon agad tayo ng bakuna. Katuwiran nila nakopo agad ng mga mayayamang bansa ang mga bakuna at 20% lang ang natitirang supply na pinag-aagawan pa raw ng mga maliliit na bansa tulad ng Pilipinas. Kaya nakopo ng mga ­mayayamang bansa ang…

Read More

ULO NG OFW SA RIYADH NAPAPANOT DAHIL SA PAGSABUNOT NG AMO (part 2)

NITONG nakaraang Lunes ay aking inilabas ang kaawa-awang kalagayan ng isang OFW sa Riyadh Saudi Arabia na napapanot na ang ulo dahil diumano, siya ay laging sinasabunutan. Ang kasong ito ni OFW Norhanie Maulana Gani ay aking agad na ipinadala sa opisina ni Secretary Bebot Bello at POEA Administrator Bernard Olalia. Mabilis naman tumugon ang POEA at ipinarating sa inyong lingkod na ito ay kanila nang ­ipinarating sa POEA Repatriation Unit. Gayundin ang ating OWWA Welfare Officer ay nagpadala na rin ng mensahe o update na kung saan ay sinabi…

Read More

KARISMA NI MAMANG PULIS GENERAL ELEAZAR KAKAIBA

SIMULA nang makapasok po tayo sa propesyong ito ng pamamahayag, kapansin-pansin na bukod tanging ang Mamang Pulis na si General Guillermo Eleazar ang naitalaga sa pwestong tanggap na tanggap ng marami. Dati, noong hindi siya ang nailuklok sa trono ng Philippine National Police at sa halip ay ang kaklase niyang si General Debold Sinas, marami ang totoong nanghinayang. Bagama’t mas nakatataas na noon sa designasyon si Eleazar kumpara kay Sinas pero mas pinili pa rin ang huli ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging hepe ng PNP. Marami ang tumaas ang…

Read More

15 NPA SUMUKO SA PNP-PRO5, PHIL. ARMY

MASBATE – Bitbit ang kanilang mga sandata, 15 miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) ang nagbalik-loob sa gobyerno sa lalawigang ito. Ito ang napag-alaman mula sa punong himpilan ng Philippine Army sa pamamagitan ng 903rd Infantry Brigade, 2nd Infantry Battalion (2IB), 96th MICO at PNP-Police Regional Office 5 (PRO5) sa pamumuno ni P/BGen. Jonnel C. Estomo. Walo sa mga nagsalong ng sandata ay mga regular na miyembro ng New People’s Army (NPA) habang pito naman ang mula sa Sangay ng Partido sa Lokalidad (SPL). Kasamang isinuko ng mga rebelde ang…

Read More