MANDATORY VACCINATION SUPORTADO NI CONCEPCION

SUPORTADO ni Presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion III ang mandatory vaccination laban sa COVID-19. Sa isinagawang Laging Handa briefing, sinabi ni Concepcion na suportado niya ang panukalang mandatory vaccination kapag nabigo ang bansa na makamit ang sapat na bilang ng mga taong dapat mabakunahan para mapagtagumpayan ang herd immunity. “We will support it kasi if we don’t reach herd immunity, masisira ‘yung bansa natin. Hindi lang tataas ‘yung infection ang mangyayari dito, mawawala ang maraming negosyo magsasarado,” ayon kay Concepcion. “Kung mangyayari ‘yan, lahat ng mga empleyado namin baka…

Read More

BAKUNA NI PDU30 TINIYAK NA ‘DI SMUGGLED

ITINATWA ng Malakanyang na smuggled at illegal ang COVID-19 vaccine na itinurok kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Hindi pa umano clear ang bakuna na mula sa Chinese state firm Sinopharm sa para emergency use sa bansa. “The vaccine from Chinese state firm Sinopharm that Duterte took on Monday is “covered by compassionate use,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. Matatandaang noong Pebrero, ang Philippine drug regulator ay nagbigay sa security team ng compassionate use license para sa 10,000 Sinopharm shots. Bilang commander-in-chief ng Armed Forces of the Philippines, “entitled” si…

Read More

Publiko inawat sa pagpila sa community pantry AYUDA NG GOV’T HINTAYIN

PINAYUHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mamamayang Filipino na hintayin ang ayuda mula sa pamahalaan sa halip na lumabas ng kanilang bahay para maghanap ng community pantry. Para sa pangulo, maaari kasi itong pagmulan ng pagtaas ng COVID-19 infections. Sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi ay ipinanukala ng pangulo na ang mga barangay health worker ay dapat mag-deliver ng ayuda mula sa pamahalaan nang ‘house-to-house’ para maiwasan ang paglaki ng COVID-19 cases. “People were swarming. It might not be the first thing that you did with…

Read More

Apela ni Duterte sa China ‘bff’ PINOY HAYAANG MANGISDA SA WPS

NAKIUSAP si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Chinese President Xi Jinping na hayaan lamang ang mga mangingisdang Filipino na mapayapang makapangisda sa West Philippine Sea. “I told him: ‘We have no quarrel. So just leave the fishermen alone because they have to eat,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi. “I know that it’s yours — according to you. I’ve heard that several times. But you know, you must also have heard of the fact that people are hungry,” aniya pa rin. “Filipinos are…

Read More

Solon sa ‘dolomite’ beach project TAUMBAYAN NILOLOKO NG DENR

PANLOLOKO sa taumbayan ang pinalalabas ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ang paggastos ng P265 million sa second phase ng Manila Bay ‘Beach Nourishment’ Project ay nakabubuti sa kalusugan ng mamamayan. Ganito inilarawan ni Bayan Muna party-list Rep. Eufemia Cullamat ang patuloy na pagtatambak ng dolomite sa Manila Bay na ginagastusan ng P256 milyon ngayong panahon ng pandemya. “Wag na nila tayong lokohin na ang “Beach Nourishment Project” ay makakabuti din sa kausugan ng mga tao. Makakabuti ito kung sa kalusugan ng mamamayan inilaan,” ayon sa mambabatas.…

Read More

Remulla kinastigo sa social media PULITIKA ISININGIT SA PANDEMYA

BATIKOS at hindi paghanga at suporta ang inani ni Cavite Governor Jonvic Remulla nang ihayag nito sa kanyang social media account na tatakbo siyang muli sa darating na 2022 election. Ilang minuto lang matapos mag-post sa Facebook ay binaha ng mga negatibong mensahe ang gobernador maging sa kanyang Twitter account. Tanong ng netizen na si William Lastimado: “Tatakbo ka nanaman? “Wag na po Gob. Respeto naman sa natitirang lupa sa Cavite. . . puro na po intsik eh, mkhang kaming taga Cavite na ang nagmumukhang dayo,” Ayon naman sa netizen…

Read More

MECQ SA NCR TAPUSIN NA PARA SA EKONOMIYA – NEDA

KUMBINSIDO ang pangunahing ekonomista ng bansa na kailangang matapos na ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa National Capital Region (NCR) ngayong Mayo. Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Karl Kendrick Chua, kailangang makawala na sa MECQ ang NCR sa kalagitnaan o dulo ng Mayo upang makaalagwa ang ekonomiya ng bansa. Iginiit ni Chua ang pagtatapos ng MECQ dahil napakalaki ng ambag ng NCR sa gross domestic product (GDP) kumpara sa ibang mga rehiyon ng bansa. Panukat sa kalagayan ng ekonomiya ang GDP. Tungkol ito sa kabuuang…

Read More

Para sa maayos at mabilis na distribusyon DILG, LGUs, DBM PINAGHAHANDA SA AYUDA 3

KAILANGANG maghanda na ang mga ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Budget and Management (DBM) at maging ang local government units (LGUs) para sa maayos at mabilis na distribusyon sa ikatlong ayuda sa 108 million Filipino. Ito ang iginiit ni House Committee on Constitutional Amendments Chairman Alfredo Garbin Jr., matapos aprubahan ng House Committee on Social Services at Committee on Economic Affairs ang Bayanihan 3 o Bayanihan to Arise as One Act. Ginawa ng mambabatas ang kahilingan sa nabanggit na mga ahensya…

Read More

DUQUE BILANG BAYANI, KINONTRA NG MGA SENADOR

KINONTRA ng mga senador ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat ikonsiderang bayani si Health Secretary Francisco Duque III dahi sa maayos na COVID response. Sinabi ni Senate President Tito Sotto, hindi si Duque kundi ang mga frontliners ang tunay na bayani. “That’s his (Duterte’s) opinion, to me, the frontliners are the heroes!” saad ni Sotto. Kinatigan naman ito ni Senador Grace Poe at ipinaalala sa pangulo na ang tunay na mga COVID-19 pandemic heroes ay ang matatapang na healthworkers na itinataya ang kanilang buhay para sa iba. “With…

Read More