HUMINGI ng paumanhin si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa Chinese government sa mga maaanghang na pahayag nito sa kanyang tweet na may kaugnayan sa presensiya ng Chinese ships sa West Philippine Sea. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, personal na humingi ng dispensa o paumanhin si Locsin kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian. Aniya, sinabi ito sa kanya ni Locsin sa isang phone conversation kahapon ng umaga. “Personal na pananaw po iyon. Hindi po ito polisiya ng Pilipinas,” ani Sec. Roque sa naging tweet ni Locsin…
Read MoreMonth: May 2021
2 CTG MEMBERS PATAY SA PNP-PRO5
DALAWANG umano’y kasapi ng communist terrorist group ang napaslang ng mga operatiba ng PNP-Police Regional Office 5, sa pamumuno ni P/Brig. General Jonnel C. Estomo, noong Linggo sa bayan ng Capalonga, sa lalawigan ng Camarines Norte. Ayon kay P/BGen. Estomo, bandang alas-2:30 ng madaling araw, sinalakay nila ang pinagtataguan ni Noeme Avensado Marca, kilalang communist terrorist supporter/recruiter, at asawa nitong si Lourdes Gianan Marca, kalihim ng kilusan, sa Purok 2, Brgy. San Antonio, Capalonga, Camarines Norte. Sinasabing kapwa kasapi ng CPP-NPA ang mag-asawa at nagsilbi sa San Antonio base CTG/SPL,…
Read More48 CHINESE ILLEGAL WORKERS, KALABOSO
NAKAKULONG ngayon sa selda ng Bureau of Immigration (BI) ang 48 Chinese national dahil sa huwad na kalagayan ng kanilang pagtatrabaho sa Sarangani. Ikinulong ang 48 Chinese sa pangunguna ng isang “Guiang Xiao” batay sa utos ni Commissioner Jaime Morente. Katulong ng BI sa pag-aresto sa mga dayuhan ang pulisya ng Sarangani na pinamumunuan ni Major Herman Luna. Ayon kay Luna, dinakip ang mga dayuhang nagtatrabaho sa isang pagawaan ng bakal, dahil sa posibleng paglabag sa Seksyon 45 ng Philippine Immigration Act of 1945. Ang pagkakahuli sa 48 Chinese ay…
Read More2 PEDESTRIANS DEDBOL SA BUNDOL SA QUEZON
QUEZON – Patay ang dalawang lalaking pedestrian sa magkahiwalay na insidente ng bundol sa Maharlika Highway sa mga bayan ng Atimonan at Sariaya sa lalawigang ito. Bandang alas-9:45 ng umaga nitong Martes nang mamatay ang unang biktimang si Angelito Cabangon Banton, 45, tricycle driver, makaraang mabundol ng isang c habang naglalakad sa gilid ng highway sa Barangay Magsaysay, Atimonan. Arestado naman ang 53-anyos na driver ng van na si Domingo Lateral, taga Cubao, Quezon City. Sa Sariaya, Quezon, agad ding namatay ang driver na si Vicencio Llames Jr., 51, matapos…
Read More4 FEMALE CADETS PASOK SA TOP 10 NG PMA CLASS OF 2021
APAT na babaeng kadete ang pasok sa top 10 ng Philippine Military Academy (PMA) class of 2021. Isa sa mga ito si Cadet 1st Class Valerie May Dicang mula sa La Trinidad, Benguet na ikatlo sa highest ranking graduate ng Masaligan Class at tinanghal na magna cum laude. Pangungunahan ang may 164 bagong junior officers ng Armed Forces of the Philippines ng 25-anyos na tubong Negros at nag-aral ng chemical engineering sa University of the Philippines Visayas na siyang tinanghal na summa cum laude. Pinangalanan kamakawa ng PMA ang kanilang…
Read More3K DOSES NG SPUTNIK V IBINAHAGI SA MAYNILA
TINANGGAP ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang 3,000 doses ng Sputnik V, bakunang gawa ng Gamaleya mula sa Russia para sa A1 category na kinabibilangan ng doctors, nurses at iba pang health frontliners na hindi pa nabakunahan. Ang pagtanggap sa bagong doses ng bakuna kontra COVID-19 ay pinangunahan nina Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Vice Mayor Honey Lacuna. Ayon sa alkalde, agad ipamamahagi ang bakuna sa sandaling magbigay ng go signal ang Department of Health (DOH). Nagpasalamat din ang alkalde kina Pangulong Rodrigo Duterte, DOH Sec. Francisco…
Read MoreIVERMECTIN SUSUBUKAN SA BABOY NA MAY ASF
NAGPASYA si Agriculture Secretary William Dar na pag-aralan kung maaaring ipakain sa baboy ang Ivermectin upang malutas ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF). Upang lumarga ang pag-aaral, nagbuo si Dar ng grupong magsasagawa nito sa Ivermectin. Ang Ivermectin ay matagal nang ginagamit sa bansa bilang gamot sa sakit ng kabayo. Ginagamit din ito sa tao, ngunit paglunas sa sakit sa balat. Mainit na isyu ang Ivermectin makaraang ilaban ng ilang doktor na ipanggamot ito sa mga taong tinamaan ng coronavirus disease-2019 (COVID-19) at maging pananggalang laban sa naturang sakit.…
Read MoreNANLABAN NA TULAK NAPATAY
PATAY ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makipagbarilan sa mga pulis sa buy-bust operation sa Malabon City noong Lunes ng gabi. Kinilala ni Malabon Police chief, Col. Joel Villanueva ang suspek na si Erwin Arcega, 39, ng #41 Dr. Lascano St., Brgy. Tugatog, Malabon City, hindi umabot nang buhay sa Ospital ng Malabon sanhi ng mga tama ng bala sa katawan. Ayon kay Col. Villanueva, dakong alas-10:40 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kontra sa suspek sa…
Read MoreCHINESE DINAMPOT SA PAMAMARIL
SWAK sa selda ang isang 25-anyos na Chinese national makaraang walang habas na nagpaputok ng baril sa harap ng isang condominium sa Malate, Manila nitong Martes ng madaling araw. Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (illegal possession of firearms and ammunition) at alarm and scandal ang suspek na si Wang Shuangyi, nanunuluyan sa #1315 Masangkay St., Binondo, Manila. Batay sa ulat ng Manila Police District-Malate Police Station 9, bandang alas-12:02 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa harap ng Admiral Bay Suites Condominium sa panulukan ng M.H.…
Read More