Nagdaos ng binyagan RESORT SA MALABON IKINANDADO

IPINASARA ang isang pribadong resort sa lungsod ng Malabon kung saan idinaos ang isang binyagan na pagsuway sa utos na pag-iwas sa pagsasagawa ng mga pagtitipon. Ang resort sa Barangay Maysilo na pag-aari ng isang Ma. Theresa Cruz, ay pinagdausan ng isang baptismal party na dinaluhan ng 20 katao noong Linggo. Ayon sa pamahalaang lungsod, bukod sa paglabag sa health protocols, ipinasara ang resort dahil wala itong business permit. Ipinaalala ng city hall na hindi pa maaaring magbukas ang mga resort at iba pang kauri nito sa ilalim ng modified…

Read More

LOWEST COVID CASES NAITALA SA NAVOTAS AT CALABARZON

NAITALA ng Navotas City ang pinakamalaking kabawasan sa porsyento ng mga bagong kaso ng COVID-19 kada araw sa lahat ng lokal na pamahalaan sa Metro Manila. Nagrehistro ang lungsod ng -76% na pagbaba ng average daily attack rate (ADAR), ayon sa OCTA Research Group. Mula sa pinakamataas na 137, ang kada araw na mga kaso sa lungsod ay sumadsad sa 33. Ang estadistikang inilabas ng OCTA ay batay sa seven-day average mula Abril 25 hanggang Mayo1 kumpara sa peak seven-day average ng mga lokal na pamahalaan. “We attribute this milestone…

Read More

7 NEW COVID DEATHS SA CAMANAVA

NAKAPAGTALA ng pitong bagong namatay sa COVID-19 ang CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Mayo 3, ayon sa health offices ng nasabing mga lungsod. Napag-alaman, apat ang patay sa Caloocan City at 1,559 ang active cases. Pumalo na sa 26,886 ang total confirmed cases sa lungsod at sa nasabing bilang ay 24,564 na ang gumaling at 763 ang namatay. Dalawa naman ang namatay sa Navotas City at 413 ang active cases makaraang 16 ang nagpositibo at 31 ang gumaling. Sumampa na sa 10,528 ang tinamaan ng COVID sa siyudad,…

Read More

DUTERTE NABAKUNAHAN NA

NAGPABAKUNA na ngayon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte laban sa COVID-19. Si Health Secretary Francisco Duque III ang nagbakuna kay Pangulong Duterte ng Sinopharm COVID-19 vaccine, bakunang gawa ng China. Saksi naman si Senador Bong Go sa pagbakuna sa pangulo na 76 taong gulang na. Sa kaliwang bahagi ng braso nagpaturok ng bakuna ang Chief Executive. Dahil dito, matitigil na ang pagtatanong ng publiko kung kailan magpapabakuna ang pangulo na isa na ring senior citizen. (CHRISTIAN DALE) 162

Read More

Pagkilala kay Cito Dayrit bilang lider ng sports

BAWAL magkasakit sa panahon ng pandemya, ayon sa marami. Ang sabi ko naman, ang pumanaw sa gitna ng pandemyang dala ng COVID-19 ay isang ­kakilakilabot na pangyayari. Gaya ng pagpanaw ng isang manlalaro sa gitna ng basketball court, o sa ibabaw ng parisukat na lona sa MGM Grand Arena. Kung ang pagkamatay ay kalunos-lunos sa isang 23 anyos, mas nakalulungkot sa isang 70 taong gulang. Si Celso “Cito” Dayrit, matagal nagsilbing atleta at lider ng sports bilang Pangulo ng Philippine Olympic Committee at commissioner ng Philippine Sports Commission, ay pumanaw…

Read More

SO SINADYA?

ISANG political observer ang nagdududa sa China na pinagmulan ng coronavirus disease 2019. Itinuturing na sila ngayon bilang ground zero dahil halos wala na raw COVID-19 doon sa ngayon. Sabi niya, ang populasyon ng China ay 1.4 Billion. Ang hirap isipin kung papaano na-contain agad ng kanilang gobyerno ang virus na ito na unang sumabog sa Wuhan City. Alam natin na matindi ang censorship sa China. Bawal magsabi ng totoo dahil sinuman ang gagawa nyan, may paglalagyan sila kaya lahat ng mga isinusubo sa atin na impormasyon ay pawang kabutihan…

Read More

ONLINE REGISTRATION SA NATIONAL ID ‘DI MA-ACCESS?

MARAMING natanggap na reklamo ang PUNA sa online registration ng National Identification ng Philippine Statistics Authority (PSA). Nitong nakaraang Abril 30, 2021, Biyernes ay inilunsad ng PSA ang online registration para sa Philippine Identification System (PhilSys). Marami ang sumubok dahil gusto nilang magkaroon ng national ID dahil nabubuwisit na sila na tuwing may transaksyon sila sa iba’t ibang tanggapan lalo na sa gobyerno ay dalawang government issued ID ang hinihingi sa kanila. Buti man lang sana kung pagkapirma nila ng form ay makukuha nila agad ang kanilang ID. Siyam-siyam ang…

Read More

NAPAHIYA SI “DANNY SPUTNIK”

SA buong Calabarzon, hindi malaking palaisipan kung bakit hindi nakasama sa tinawag na “National Capital Region (NCR) Plus” ang Batangas at Quezon, samantalang malaki rin ang suliranin ng dalawang lalawigan hinggil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ang nakasama lang sa NCR Plus na isinailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) at Modified ECQ (MECQ) ay Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan hindi bahagi ng Calabarzon. Dahil diyan, hindi nakasama sa P22.9 bilyong ayuda ang Batangas at Quezon. Sa pangyayaring ito, napansin ng media ang dobleng dagok na tumama sa Quezon kung saan…

Read More

Bwelta kina Carpio at Del Rosario PINOY NILALAGAY SA PANGANIB SA WPS

DAPAT nang itigil nina Retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio at dating Foreign Secretary Albert del Rosario ang ginagawa ng mga itong panlilihis at paglalagay sa panganib sa mga Filipino gamit ang kanilang “illegal” statements ukol sa West Philippine Sea (WPS). Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay tugon sa patuloy na pambabatikos nina Carpio at del Rosario sa maingat at kontroladong pagtugon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa usapin ng WPS. Hindi naman kaila sa lahat na kinikilala ng pangulo ang ‘territorial and maritime claims’…

Read More