NEWS BLACKOUT SA PAGPATAY SA BRGY. KAGAWAD NG PASIG?

Maraming nagtataka kung bakit walang lumalabas sa isyu ng pagpatay sa first kagawad ng Brgy. Rosario, Pasig City. Si Kagawad Nike Cruz ay binaril bandang alas-4 ng hapon noong Oktubre 14, 2021 sa isang lugar sa Brgy. Rosario, Pasig City. Ikinamatay ni Kagawad Cruz ang nasabing pama­maril at makalipas ang labing-apat na araw, noong Oktubre 28 ay nadakip ng Pasig City Police ang suspek. Mula Oktubre 28 hanggang Nobyembre 15, labing walong araw na ang nakalipas ay wala pa ring inilalabas ang Pasig City Police na update ng kaso ng…

Read More

BALWARTE NG MGA WANTED

SA pagkakadakip ng dalawang corporate executives ng Pharmally Pharmaceutical Corporation sa mismong balwarte ng Pangulo, hindi maiwasang isiping may kinalaman ang Palasyo sa pagtatago ng mga taong pinaniniwalaang nagkamal nang husto sa maanomalyang transaksyon nito sa gobyerno. Bakit nga naman hindi – ang Davao City ay kontrolado ng mga Duterte, at walang ano mang nagaganap sa nasabing lungsod ang makalulusot sa kaalaman ng Pangulo. At lalong imposibleng mawaglit sa mata ng tao ang aspetong paggamit nito ng isang private jet na gagamitin sana ng magkapatid na sina Twinkle at Mohit…

Read More

EX-BUDGET USEC. LAO, NASA PINAS PA

KINUMPIRMA ng Senate Security team na nasa bansa pa rin si dating Budget Undersecretary Lloyd Christopher Lao. Sinabi ni Senate Sergeant at Arms Rene Samonte, patuloy ang kanilang pagsisikap na maaresto si Lao, ang dating hepe ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM). “Nandito pa naman sya sa bansa. We will exert efforts for his arrest,” saad ni Samonte. “From all indications, we believe he is still in the country,” diin pa ni Samonte. Una nang nagpadala ng arresting team ang OSAA sa mga address ni Lao…

Read More

BUDGET CUT SA PSHS AT DOST, IKINABAHALA

NABAHALA sina Senadora Imee Marcos at Senate Minority Leader Franklin Drilon sa panukalang bawasan ang proposed budget sa Philippine Science High School at Food and Nutrition Research Institute. Sa hybrid marathon session deliberating sa panukalang budget ng Department of Science and Technology, pinuna ni Marcos ang P87 milyong tapyas sa PSHS budget at ang P321 milyong cut sa budget ng FNRI. Sinabi ni Marcos na hindi maganda ang panahon ng tapyas sa budget dahil nataon ito sa panahon na nahaharap ang bansa sa problema sa supply chain at logistics at…

Read More

KASO VS ONGPIN IBINASURA

IBINASURA ng Regional Trial Court first Judicial Region ng San Fernando, Pampanga, Branch 27 ang inihaing kaso laban kay Julian Roberto Ongpin. Base sa 12 pahinang desisyon ni Hon. Judge Romeo Agacita, Jr., lack of probable cause sa pag isyu ng warrant of arrest laban kay Ongpin ang dahilan ng pagbasura sa kaso. Tinukoy nito ang tinatawag na non-compliance of requirements sa Section 11 ng batas o sa usapin ng teknikalidad. Ayon sa rekord ng korte, hindi namarkahan ng mga otoridad na nag-imbestiga ang 18 sachet ng cocaine o kabuuang…

Read More

LGUs ‘DOUBLE TIME’ NA SA VAX DRIVE

(CHRISTIAN DALE) MAS paiigtingin at dodoblehin ng local government units (LGUs) ang kanilang pagsisikap sa gagawing paghahanda para sa three-day national vaccination program mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1. Sa katunayan, ani Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, tatanggap ang LGUs ng walk-in applicants. Tinukoy nito ang mga nasa ilalim ng A2 (senior citizens), A3 (adults with comorbidities), at A4 (essential frontline personnel) categories. Pinuri naman nito ang Kalakhang Maynila sa mataas na vaccination rate habang kailangan namang humabol ng ibang rehiyon. “Ang problema na…

Read More

DUTERTE KINOKONTROL NI BONG GO – PARLADE

TAHASANG inakusahan ni retired Lt. Get Antonio Parlade Jr. si Senador Bong Go na kinokontrol ang mga desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Matapos maghain ng kanyang certificate of candidacy ang dating counterinsurgency task force spokesperson para sa pagtakbong presidente sa May 2022 elections, nagpaunlak ito ng panayam. Bagaman wala aniya silang alitan ni Go, sinabi ni Parlade na hindi niya gusto ang ilang pamamaraan nito. “Wala akong rift kay Senator Bong Go, I just don’t like the way he does things, including controlling the decisions of the president,” ani Parlade.…

Read More

COVID-19 PROTOCOLS SA F2F CLASSES HIGPITAN

HABANG pinapurihan ni Senador Win Gatchalian ang pagsisimula ng pilot run ng limited face-to-face classes sa basic education, binigyang diin niya na dapat ipatupad pa rin nang mahigpit ang health protocols upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19 sa mga paaralan. Tinukoy ni Gatchalian ang kahalagahan ng maayos na ventilation at sapat na pasilidad para sa water, sanitation, at hygiene (WASH). Dapat din aniyang magkaroon ng maayos na contact tracing at surveillance system ang local government units (LGUs). Higit sa lahat, dapat aniyang bakunahan lahat ng mga guro at mga mag-aaral…

Read More

NAT’L JUDGMENT WEEK NILARGA

SIMULA kahapon (Lunes), ikinasa ng lahat ng trial courts sa bansa ang pambansang paghuhukom o “National Judgment Week” upang mabawasan ang mga nakabinbing kaso at mapaluwag din ang mga bilangguan. Ayon kay Supreme Court Administrator Jose Midas Marquez, ang proyekto ay ipatutupad ng lahat ng huwes sa mga municipal trial court, municipal circuit trial courts, metropolitan trial courts, regional trial courts at Sharia courts. Sa circular na inilabas ni Marquez, inatasan ang lahat ng trial courts na magsagawa ng imbentaryo ng mga nakabinbin nilang kasong sibil at kriminal at itakda…

Read More