KASO VS ONGPIN IBINASURA

IBINASURA ng Regional Trial Court first Judicial Region ng San Fernando, Pampanga, Branch 27 ang inihaing kaso laban kay Julian Roberto Ongpin.

Base sa 12 pahinang desisyon ni Hon. Judge Romeo Agacita, Jr., lack of probable cause sa pag isyu ng warrant of arrest laban kay Ongpin ang dahilan ng pagbasura sa kaso.

Tinukoy nito ang tinatawag na non-compliance of requirements sa Section 11 ng batas o sa usapin ng teknikalidad.

Ayon sa rekord ng korte, hindi namarkahan ng mga otoridad na nag-imbestiga ang 18 sachet ng cocaine o kabuuang 12.68 grams na sinasabing nakumpiska sa lugar na tinuluyan ni Ongpin at ng nasawing artist na si Bree Jonson, nang isagawa ang imbentaryo noong nakaraang Setyembre 18 sa isang resort sa La Union.

Dahil dito, inaalis na rin ang ipinalabas na precautionary hold departure order laban kay Ongpin. (RENE CRISOSTOMO)

207

Related posts

Leave a Comment