NO CONTACT POLICY TULOY PARA IWAS-AREGLO – RUBIO

SA layuning ganap na wakasan ang kulturang areg­luhan at suhulan sa mga bulilyasong kargamento, mas pinaigting na implementasyon ng ‘no contact policy’ ang nakaamba sa mga susunod na linggo, ayon kay Customs Commissioner Bienvenido Rubio. Sa isang pulong na ginanap kaugnay ng pagbisita ng mga opisyales ng Chamber of Customs Brokers, Inc. (CCBI) sa tanggapan ni Rubio, tinalakay ang mga agam-agam hinggil sa mga umiiral na polisiya at reglamento ng BOC. Ayon kay Adones Carmona na tumatayong presidente ng CCBI, pakay ng kanilang pagbisita ang maging bahagi sa napipintong pagrerebisa…

Read More

JOINT PATROL TALKS SA WPS PINABIBILISAN

KAILANGANG bilisan na ng Pilipinas ang pakikipag-usap para sa joint patrol sa mga kaalyadong bansa tulad ng United States (US) sa West Philippine Sea (WPS) dahil sa patuloy na presensya ng China forces sa nasabing lugar. Ginawa ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ang panawagan matapos mapaulat na nakapaligid pa rin ang Chinese militia vessels sa Pag-asa Island at iba pang teritoryo ng Pilipinas sa WPS. “We should talk to our allies and have joint border patrols already. The US, Japan, Australia and all our allies should help us do…

Read More

INDAK NG KABABAIHAN

Umarangkada na ang month-long festivity ng Pasay City LGU para sa pagdiriwang ng “Buwan ng Kababaihan” ngayong Marso sa pamamagitan ng Zumba contest na pinangunahan ni Mayor Emi Calixto- Rubiano Kasama si Vice Mayor Ding del Rosario, mga konsehal at kababaihan ng iba’t ibang barangay. Nagsilbing choreographer ang Sex Bomb New Generation mentor at beteranang dance guru na si Joy Cancio na ginanap sa city hall ground nitong Sabado. Bukod sa Zumba na binuksan sa lahat ng kababaihan ng lungsod anoman ang edad, mayroon ding mobile clinic na nagbigay ng…

Read More

DIGITAL MEDIA LITERACY IKAKASA KONTRA FAKE NEWS

MAGPAPATUPAD ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Digital Media Literacy campaign ngayong taon. Layon nito na makapagbigay sa “most vulnerable communities” ng kasanayan at kasangkapan habang inuunawa ang katotohanan. Ito ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Cherbett Karen Maralit sa ipinalabas na kalatas habang isinasagawa ang CyberSafe Against Fake News: Being Smart, Being Safe and Staying Ahead! Ensuring Women and Girls a Safe Online Experience, isang side event sa 67th Session ng United Nations Commission on the Status of Women (CSW67) sa UN headquarters sa…

Read More

RED TIDE ALERT ITINAAS SA 4 COASTAL AREAS

TINUKOY ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Biyernes na apat na coastal areas ang nakitang positibo sa paralytic shellfish poison o toxic red tide na lampas sa regulatory limit. Ayon sa BFAR, ang lahat ng uri ng shellfish at acetes, na kilala rin bilang alamang, na nakukuha mula sa mga sumusunod na lugar ay hindi ligtas para sa pagkain ng tao: Baybaying tubig ng Milagros sa Masbate, Baybaying tubig ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, at Lianga Bay sa Surigao…

Read More

IMPUNITY SA NEGROS PINATUTULDUKAN NI PBBM

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of National Defense (DND) na sugpuin ang “criminal activities at impunity” sa buong Negros Island. Sinabi ni Defense Secretary Carlito Galvez Jr. na ipinalabas ng Pangulo ang nasabing kautusan kasabay ng atas sa kanya na bigyan ng katarungan ang pamilya ni Negros Oriental Governor Roel Degamo at walong iba pa na pawang mga biktima ng pagpatay matapos tambangan noong Marso 4. “And to give justice to the families and loved ones of those who were slain in the assassination of Governor…

Read More

PAMASAHENG IPINAPATAW NG TNVS DAPAT SIYASATIN AT BANTAYAN

SA GANANG AKIN KAILANGAN natin ang transportasyon sa ating araw-araw na buhay, maging sa trabaho man ito, pag-aaral, o pagpunta sa iba’t ibang lugar para makapagbakasyon at mag-relaks. Bunsod nito, maituturing ang transportasyon bilang isa sa mga bagay na kinakailangang paglaanan ng budget ng mga tao. Sa kasalukuyan, natuto na ang mga tao na mamuhay sa kabila ng pananatili ng pandemya kaya’t ang pamahalaan ay nakatutok na sa muling pagpapalago ng ating ekonomiya. Alam naman nating lahat na isa sa mga katangian ng mauunlad na bansa ay ang pagkakaroon ng…

Read More

RETIRED: EXTREMELY DANGEROUS

CLICKBAIT Ni JO BARLIZO NAKALULUNGKOT naman na umabot na tayo sa punto na ‘yun mga dating nagbibigay proteksyon sa taumbayan ang siya nang kinatatakutan dahil maaaring magdulot ng karahasan. Sabagay, matagal nang nangyayari na may sangkot na pulis o sundalo sa ilang krimen tulad ng holdapan. Pero sa takbo ng mga pangyayari kamakailan lang, walang habas na ang kanilang pagpatay. Kaya tama lang ang aksyon ng Philippine Army na bubuo na raw ng isang dedicated counter-intelligence unit na siyang magmo-monitor sa mga dating sundalo na may special skills. Ang sabi…

Read More

BACOOR CITY PNP, KINILALA BILANG TOP PERFORMING POLICE STATION!

TARGET NI KA REX CAYANONG HINDI maitatanggi na napakalaking tulong ang mas pinaigting na police visibility at police operations. Nariyan nga ang maximum deployment ng mga pulis at iba pang security personnel para sa pagpapanatili at pagtiyak sa kaligtasan at seguridad ng ating mamamayan. Ganyan ang ginagawa ng mga tauhan ng Bacoor City Police Station na pinamumunuan ni Acting Chief of Police P/Lt. Col. Ruther Saquilayan. Masasabing ito ang isa sa nagbigay ng mensahe sa mga kriminal na huwag nang ituloy ang kanilang masamang plano. Kamakailan, kinilala ang Bacoor City PNP,…

Read More