P120M PUSLIT NA BOTCHA KUMPISKADO SA NAVOTAS

Ni JOEL O. AMONGO SA pagpapatuloy ng kampanya ng Bureau of Customs (BOC) laban sa mga ganid na negosyante, silat sa operasyon kontra smuggling ang nasa P120-milyong halaga ng produktong agrikultura sa Lungsod ng Navotas. Bitbit ang Letter of Autho­rity na pirmado ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio, pinasok ng pinagsanib na operatiba mula sa Customs Intelligence, and Investigation Service – Manila International Container Port (CIIS-MICP), Department of Agriculture-Inspectorate and Enforcement Office (DA-IE), National Meat Inspection Service (NMIS) at Philippine Coast Guard (PCG) ang pitong bodegang pinaniniwalaang imbakan ng mga smuggled…

Read More

Para sa BOC Collection District XII 2022 TOP EXPORTERS, IMPORTERS KINILALA

boc

KASABAY ng pagdiriwang na kalakip ng ika-96 anibersaryo ng Bureau of Customs – Collection District XII, ginawaran ng pagkilala ang mga katuwang sa pribadong sektor – kabilang ang mga importers at exporters na tapat sa pagbabayad ng buwis at taripa ng mga pinasok at inilabas na kargamento. Sa ginanap na pagtitipon sa Davao, kabilang sa mga dumalo si Customs Commissioner Bienvenido Rubio na personal na naggawad ng parangal sa 2022 Top Importers and Exporters sa naturang distrito. Kalakip rin ng pagtitipon, idinaos ang kauna-unahang Customs Summit sa Mindanao sa temang…

Read More

BOC DOBLE-KAYOD NA VS. AGRI-SMUGGLERS

MATAPOS ang lumabas ang anunsyo ng Department of Budget and Management (DBM) hinggil sa P42.8-bil­yong pondong inilaan para palakasin ang produksyon ng lokal na sektor ng agrikultura, inatasan ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio ang 17 district collectors na paigtingin ang pagtugis laban sa mga smugglers. Sa kalatas ng Bureau of Customs (BOC), ibinida ni Rubio ang pinaigting na kampanya ng ahensya laban sa malawakang agri-smuggling sa iba’t ibang bahagi ng bansa mula nang italaga sa pwesto ni Pa­ngulong Ferdinand Marcos, Jr., noong nakaraang Pebrero. Bukod aniya sa mga nasamsam na…

Read More

NIKE BILIB SA OPLAN TUGIS-PEKE NI RUBIO

KUNG magtutuloy-tuloy ang agresibong kampanya ng pamahalaan laban sa mga namimirata ng produktong gawa ng mga lehitimong kumpanya, hindi malayong mas marami pa ang piliing magnegosyo sa Pilipinas. Ito ang buod ng naganap na pagpupulong sa pagitan ng Nike Asia Pacific at Customs Deputy Commissioner Juvymax Uy matapos ang tagumpay na pagsalakay ng Bureau of Customs sa mga bodega kung saan nakumpiska ng mga operatiba ang hindi bababa sa P11.5 bilyong halaga ng mga ‘counterfeit products – kabilang ang mga sportswear na tatak ‘Nike’. Partikular na tinukoy ng mga bumisitang…

Read More

35 INDIBIDWAL ARESTADO SA ANTI-CRIME OPS

CAVITE – Umabot sa 35 indibidwal ang arestado sa ikinasang daily anti-criminality operations sa lalawigang ito. Ayon sa ulat na ipinadala sa tanggapan ni P/Col. Christopher F. Olazo, Provincial Director, Cavite PPO, lima ang inaresto sa magkakahiwalay na buy-bust operations na nagresulta sa pagkumpiska ng 15 sachet ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia. Sa kampanya sa ilegal na sugal, 26 ang inaresto sa aktong naglalaro ng cara y cruz, mahjong, tong-its, at sakla. Naaresto naman ng Tanza Police Station ang rank no.1, municipal level suspect na si Joel Mehila y…

Read More

LALAKI TODAS SA SALPOK NG BUS SA QUEZON

QUEZON – Patay ang isang lalaki matapos na masagasaan ng pampasaherong bus sa Quirino Highway, Brgy. Sta. Cecilia, sa bayan ng Tagkawayan sa lalawigang ito, noong Biyernes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Marlon Del Rosario, residente ng nasabing barangay. Batay sa report, dakong alas-11:00 ng gabi nang mahagip ang biktima ng DLTB bus na patungong Bicol habang papatawid sa kalsada. Sinubukan pa itong iwasan ng bus subalit nasalpok din ito na naging sanhi ng agarang pagkamatay nito. Naaresto naman ng mga tauhan ng Tagkawayan Police ang driver ng bus…

Read More

HIGANTES NG ANGONO BUMIDA SA DAVAO

BILANG tugon sa paanyaya ng tubong-Davao City na si Vice President Sara Duterte, rumampa – at bumida – sa ika-86 Araw ng Dabaw ang mga makulay na Higantes ng baybaying bayan ng Angono na mas kilala bilang Art Capital of the Philippines. Nobyembre ng nakaraang taon nang hilingin ni Duterte kay Angono Mayor Jeri Mae Calderon ang pakikilahok ng mga Higantes ng Angono para sa kapistahan ng Davao City – bagay na positibong tinugon ng lokal na pamahalaan. “I am so amused with what I just saw. In fact, I’m…

Read More

GO NAKIISA SA ANIBERSARYO NG ROMBLON

NAKIISA si Senador Christopher “Bong” Go sa pagdiriwang ng 78th Liberation at 122nd Founding Anniversary ng lalawigan ng Romblon noong Huwebes, (Marso 16)— dalawang kaganapan na nagpatingkad sa pagkakaisa ng  mamamayan nito na nagtagumpay sa mga hamon at nagtutulungan upang bumuo ng isang maunlad at masiglang komunidad sa buong taon. Sa ilalim ng Republic Act No. 9642, na nilagdaan ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ang Marso 16 ng bawat taon ay idineklara bilang Romblon Foundation Day. Samantala, ang Proclamation No. 430, na nilagdaan ni dating pangulong Corazon Aquino, ay nagdeklara…

Read More

Pagbaba ng bigas sa P25/K bomalabs NANANAGINIP SI BONGBONG

(BERNARD TAGUINOD) “BAKA nasa panaginip lang ng Pangulo.” Reaksyon ito ng grupo ni dating congressman at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) chairman emeritus Rafael Mariano ukol sa ipinagmamalaki ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na nabibili na ang mga bigas sa Kadiwa sa halagang P25 kada kilo. Ayon kay Cathy Estavillo ng Bantay Bigas at AMIHAN National Federation of Peasant Women, walang katotohanan na nagbebenta ang mga Kadiwa ng bigas sa naturang halaga at kung meron man ay mas mahal ang pasahe bago makarating sa mga lugar na meron nito.…

Read More