PURO PLANO LANG ANG GOBYERNO SA EL NIÑO

DPA ni BERNARD TAGUINOD ANG daming plano ng gobyerno, hindi lamang ang kasalukuyang administrasyon kundi maging ang mga nakaraang pamahalaan, kung papaano paghandaan ang El Niño phenomenon pero wala pang naisasakatuparan. Nandyan ang mga panukalang batas na magtatayo ng mga imbakan ng tubig sa bawat bayan sa buong bansa upang pagdating ng tag-init ay may magagamit ang mga magsasaka sa kanilang sakahan. Sa ilalim ng plano, iipunin ang tubig ulan sa isang pasilidad na itatayo sa bawat bayan dahil sagana sa ulan ang Pilipinas pero nasasayang, para pagdating ng tag-init…

Read More

NO COMMENT

CLICKBAIT ni JO BARLIZO PANSIN n’yo ba na nauuso ang mga katagang lumobo, naalarma, nabahala at iba pang pekeng pag-aalala sa maiinit na isyu na kailangang lapatan ng agarang remedyo? ‘To na ang sampol. Sinabi ng DOH na mula Enero 1 hanggang Marso 30, kabuuang 1,112 kaso na ng pertussis, kabilang ang 54 nasawi, ang naitala. Ayan, halos 34 times daw ang inilobo ng bilang ng kaso kumpara sa katulad na panahon noong nakalipas na taon, na 32 kaso. Limang rehiyon umano ang patuloy ang paglobo ng kaso sa nakalipas…

Read More

BAGONG PLAYERS NG MC TAXI, PANG PROBINSIYA NA LANG – LTFRB CHAIR

PUNA ni JOEL O. AMONGO NILINAW ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Teofilo Guadiz na pang probinsiya na lamang ang 8K new slots na inilabas ng ahensiya para sa bagong players ng Motorcycle (MC) taxi service . Ayon sa kanya, ang apat na bagong players na ‘di pa nailalabas ang permits, ay ang Maxi, Dingdong, Grab, at isa pang aplikante para sa MC Taxi. Sabi pa niya, tanging para sa provincial operation na lamang ang mga dagdag na MC taxi slots na kanilang ipalalabas batay sa utos…

Read More

PAGKAKAISA MENSAHE NI PBBM SA EID’L FITR

PAGKAKAISA ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa gitna ng magkakaibang paniniwala at pilosopiya ng mga Pilipino habang nakikiisa sa mga kapatid na Muslim sa Pilipinas at sa ibang bansa sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr o Festival of Breaking the Fast kahapon. Binigyang-diin ni Pangulong Marcos sa kanyang written message na ipinalabas ng Office of the President (OP), ang kahalagahan ng naturang pagdiriwang para sa “spiritual renewal” ng mga Muslim matapos ang month-long observance ng Ramadan na may pagdarasal, sakripisyo at pagdurusa. “Truly, the Festival of Breaking the Fast…

Read More

PAGTATANGGOL SA PILIPINAS TUNGKULIN NG LAHAT NG PINOY

TUNGKULIN ng lahat ng Pinoy na kondenahin ang patuloy na pang-aagaw at pangha-harass ng China sa West Philippine Sea (WPS). Ito ang pahayag ng mga militanteng magsasaka kaugnay ng umiinit na tensyon sa WPS kung saan may mga Pilipino na mistulang nagtatanggol o kaya nananahimik sa nasabing usapin. “The issue of Chinese aggression in the West Philippine Sea involves all of us, as it is an attack on our national sovereignty or freedom of the Filipino people’s will and national patrimony that is supposed to be utilized for the benefit…

Read More

HUKOM BABAWASAN NG WORKLOAD

MAS mapagtutuunan na ng pansin ng lower courts ang pagpapasya sa mga kaso. Ito ay dahil ililipat na sa Office of the Regional Court Manager (ORCM) ang pagresolba sa mga administratibong trabaho ng mga hukom. Pinangunahan ng mga mahistrado at opisyal ng Korte Suprema ang pagsisimula ng pilot implementation ng ORCM sa San Fernando, La Union. Ayon kay Chief Justice Alexander Gesmundo, layon nito na mabawasan ang administrative workload ng mga hukom at mapagbuti ang mga administratibong proseso sa lower courts. Umaasa si Gesmundo na matutugunan ng hakbangin ang mga…

Read More

NAGPAKALAT NG PDEA OPNS REPORT PINAKAKASUHAN

UMAPELA kahapon si Office of Presidential Adviser on Poverty Alleviation Sec. Larry Gadon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na kasuhan ang mga taong nasa likod ng pagpapakalat ng aniya’y pekeng dokumento na nag-uugnay kay Pang. Bongbong Marcos sa ilegal na droga. Sa kanyang liham sa PDEA, iginiit ni Gadon na sinisira ng pekeng dokumento ang reputasyon ng Pangulo at nagkakalat din ito ng mga maling impormasyon. Sa press conference kahapon sa Quezon City, sinabi ni Gadon na bagama’t itinanggi na ng PDEA ang dokumento, hindi ito sapat para matigil…

Read More

WALA NANG EXTENSION SA PUV MODERNIZATION

INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi na palalawigin ang aplikasyon para sa consolidation ng indibidwal na public utility vehicle (PUV) operators na bumuo o sumali sa transportation cooperatives. Matapos ang ilang ekstensyon, nito lamang huling bahagi ng Enero ay itinakda ni Pangulong Marcos ang bagong deadline sa Abril 30, ngayong taon. ”Sa kahuli-hulihan, wala na pong extension ‘yung (consolidation). Kailangan na kailangan na natin ‘yan,” ayon kay Pangulong Marcos sa idinaos na open forum ng Bagong Pilipinas Town Hall Meeting on Traffic Concerns. “Ang tinitiyak lang namin, hindi…

Read More

GASOLINAHAN, HINOLDAP NG DATING GAS ATTENDANT

CAVITE – Tinatayang P40,000 cash na kita ng isang gasolinahan ang tinangay ng dating gas attendant nito sa Dasmariñas City nitong Miyerkoles ng madaling araw. Pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad ang dating gas attendant ng Phoenix Gasoline Station na si alyas “Gelo” na iningusong suspek sa panghoholdap. Sa salaysay sa pulisya ni alyas “Jotge”, 33, cashier ng Phoenix Gasoline Station sa Governor’s Drive, Brgy. Paliparan 1, Dasmariñas City, dakong ala-1:14 kahapon ng madaling araw, nasa loob siya ng opisina nang pumasok ang suspek na armado ng patalim, nagdeklara ng holdap…

Read More