Bahay ng anak ng amo pinasabog noong 2010 WANTED NA KASAMBAHAY NABITAG SA TAYABAS CITY

ARESTADO ng mga awtoridad ang isang dating kasambahay na suspek sa pagpapasabog sa bahay ng anak ng kanyang employer na ikinamatay ng babaeng amo, sa manhunt operation ng Tayabas PNP sa Brgy. Lalo, Tayabas City noong Sabado ng ng madaling araw. Ayon sa Tayabas PNP, ang suspek na kinilalang si Rhea Coroza Dalde, 36-anyos, residente ng nasabing lugar, ay tinaguriang most wanted person sa provincial level at nakapagtago sa batas sa loob ng halos 14 taon. Nahuli ang suspek dakong alas-4:00 ng madaling araw noong Sabado sa pamamagitan ng isang…

Read More

SPORTSFEST SA MANILA CITY JAIL, NAGRESULTA SA RIOT

SUMIKLAB ang riot sa Male Dormitory ng Manila City Jail sa Quezon Boulevard, Sta. Cruz, Manila habang nagsasagawa ng sportfest sa larong basketball noong Sabado ng hapon. Ayon sa ulat ng MCJ, bandang alas-1:57 ng hapon, nagkaroon ng mainitang rumble sa harap ng selda ng Bahala na Gang. Naghagisan umano ng bato at basag na bote ang magkalabang grupo na Bahala na Gang at Sigue-Sigue Commando. Ayon sa ulat ni Police Major Arnold Echalar, hepe ng Manila Police District – Alvarez Police Community Precinct, kasama ang puwersa ng Special Weapon…

Read More

DUMP TRUCK DRIVER INATAKE SA PUSO, 2 SASAKYAN SINALPOK

DALAWANG sasakyan ang sinalpok ng isang 45-anyos na dump truck driver nang atakihin sa puso habang nagmamaneho sa UN Avenue, Ermita, Manila noong Sabado ng hapon. Idineklarang dead on arrival sa ospital dahil sa atake sa puso ang driver ng dump truck na si Ramil Carillosa, binata, ng Bocaue, Bulacan Base sa ulat ni Police Major Jaime Gonzales, Jr., hepe ng Vehicular Traffic Section ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), bandang alas-5:30 ng hapon nang mangyari ang insidente sa lugar. Habang tinatahak umano ng dump truck ang eastbound lane…

Read More

5 SWAK SA SELDA SA CARA Y CRUZ

SWAK sa selda ng Manila Police District – Delpan Police Station 12 , ang limang kalalakihan makaraang maaktuhan habang nagsusugal ng cara y cruz, at isa sa kanila ang nakumpiskahan ng isang baril sa Gate 3, Parola Compound, Barangay 20, Tondo, Manila nitong Linggo ng madaling Araw Nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 ang natimbog na mga suspek, habang may dagdag na kasong illegal possession of firearms ang suspek na si alyas “Randy”, 36-anyos. Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Jess Sauza, nagsagawa ang kanyang mga tauhan…

Read More

TAAL VOLCANO NAGTALA NG PAGSABOG

NAKAPAGTALA ng panibagong phreatic eruption noong Biyernes sa Taal Volcano ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Ayon sa Phivolcs, naobserbahan nila ang isang phreatic, o steam-driven, na pagsabog sa Taal Volcano main crater sa pagitan ng 5:11 a.m. at 5:24 noong Biyernes ng umaga, Abril 12. Sa datos ng Phivolcs, ang pagsabog ay nagdulot ng puting steam-laden plume, na umabot sa 2,400 metro ang taas bago lumipad sa direksyong timog-kanluran. “The phreatic event was likely driven by the continued emission of hot volcanic gases at the Taal Main…

Read More

MGA PILIPINO SA ISRAEL PINAG-IINGAT

INALERTO at pinayuhan ng masusing pag-iingat ng Embahada ng Pilipinas sa Israel ang mga Pilipino dahil sa tumitinding banta sa seguridad ng bansa kasunod ng pag atake ng Iran gamit ang mahigit isang daang weaponized drones kahapon. Ayon sa Embahada, mabuting umiwas muna ang mga Pinoy sa Gaza envelope at mga lugar na malapit sa confrontation line para sa kanilang kaligtasan. Kinumpirma ng Israeli army official na nagpakawala ang Iran ng mahigit 100 attack drones at missiles sa direksyon ng Israel kaya pinayuhan ang taong bayan na maging handa sa…

Read More

INTERES NG PILIPINAS ISINULONG NI PBBM SA TRILATERAL MEETING

MAGIGING kapaki-pakinabang sa mga Pilipino ang resulta ng makasaysayang trilateral meeting nina US President Joe Biden, Japan Prime Minister Fumio Kishida at Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ito ang sinabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na kasamang nagtungo ni Pangulong Marcos sa Washington DC. Ayon kay Romualdez, mahalaga na naging solido ang pagsuporta ng Estados Unidos at Japan sa Pilipinas kaugnay ng isyu ng West Philippine Sea (WPS). Sa Joint Vision Statement nina Biden, Kishida, at Marcos kinondena ng tatlong lider ang mga pangha-harass ng China sa mga Pilipino…

Read More

PAGKUHA NG BIRTH CERT AT CLEARANCE NG PWDs, SOLO PARENTS ILILIBRE

IHAHAIN ngayong Lunes ng ACT-CIS Party-list ang batas para gawing libre ang mga dokumento bilang job requirements sa sektor ng persons with disability (PWD) at solo parents. Ayon kay ACT-CIS Representative at Deputy Majority Floor Leader Erwin Tulfo, ang mga dokumento tulad ng birth certificate, NBI, Police, at Barangay Clearance, maging ang Health Certificate ay magiging libre na para sa mga PWD at Solo Parents sa nasabing panukalang batas. Ani Cong. Erwin, “instead of paying for these requirements, malaking tulong sa mga PWds at Solo Parents ang kanilang matitipid”. Dagdag…

Read More

AGRI-KAAGAPAY NAGBIGAY NG TULONG SA MAY 1,000 NASUNUGANG PAMILYA SA TONDO

NAGPAABOT ng tulong ang ACT-Agri- Kaagapay Organization sa may 1,000 pamilya na nawalan ng tahanan sa isang sunog na Isla Puting Bato sa Tondo, Maynila. Si Civic leader Virginia Ledesma Rodriguez, founder ng Agri- Kaagapay organization, ang nanguna sa relief operation sa pamamagitan nang pamamahagi ng mga damit, hygiene items, pagkain at tubig sa mga pamilyang apektado ng sunog. Sa nasabing relief operation, nagpahayag si Rodriguez, na kilala sa pagiging isang philanthropist, ng sinserong pag-asa at panalangin para sa kaligtasan ng bawat residente. Nangako rin siya na patuloy na magkakaloob…

Read More