PAGRESPETO SA IBA’T IBANG PANANAW SA DIVORCE

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO SA kabila ng pagiging isa sa mga bansang may pinakamalaking populasyon sa buong mundo, nananatiling isa sa ilang natitirang mga bansa na walang batas sa diborsyo ang Pilipinas. Kaya ang usapin tungkol dito, lalo pang uminit matapos maipasa ang divorce bill sa Kongreso. Maraming sektor ng lipunan ang nagpahayag ng kani-kanilang posisyon kasama na ang mga kumokontra dito dahil sa pananaw na immoral ito at hindi ginagalang ang sakramento ng kasal. Nariyan din ang nagtutulak na gawin na lang libre ang annulment kaysa payagan ang…

Read More

KULANG SA SUPORTA MAGSASAKA KAYA KAPOS SA PAGKAIN ANG PINOY

CLICKBAIT ni JO BARLIZO INIKOT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang iba’t ibang lugar sa bansa kamakailan para tumulong sa pamamahagi ng lupa sa mga benepisyaryo ng repormang pansakahan. Libo-libong ektaryang lupa ang naipamahagi sa mga benepisyaryong magsasaka mula sa South Cotabato, Cotabato, Sarangani, Sultan Kudarat, Dumaguete, Tacloban, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, at Zamboanga Sibugay. Tiniyak ng Pangulo na makokumpleto ng pamahalaan ang pamamahagi ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA) sa lahat ng kwalipikadong benepisaryo ng repormang panglupain sa buong bansa bago matapos ang kanyang termino. Ayan,…

Read More

‘THREE GIVES LAW’ NINA ACT-CIS REPS. ERWIN TULFO, JOCELYN TULFO AT QUEZON CITY REP. RALPH TULFO!

TARGET NI KA REX CAYANONG SA kasalukuyang panahon kung saan ang mga kalamidad ay nagiging mas madalas at malubha, ang pagpapasa ng mga batas na magbibigay proteksyon sa mamamayan ay nagiging mahalaga. Ang isinusulong na House Bill 10376 o “Three Gives Law” nina ACT CIS Party-list Representatives Erwin Tulfo at Jocelyn Tulfo at Quezon City Representative Ralph Tulfo ay isang hakbang tungo sa pag-aalay ng ginhawa at seguridad para sa publiko sa gitna ng krisis. Ang panukalang ito ay naglalayon na gawing permanente ang “installment payment scheme” para sa mga pangunahing…

Read More

PROTEKTAHAN KALUSUGAN NG KABATAAN

EDITORIAL NITONG Mayo 31, 2024, ipinagdiwang ang World No Tobacco Day, at kaisa ang Pilipinas sa pagtataguyod ng kaalaman sa masamang epekto ng paggamit ng tobacco at vape. Ang kabataan ang pinakaapektado ng sigarilyo at vape, subalit hindi lubos na epektibo ang mga kampanya upang mahikayat ang mga kabataan na huwag nang manigarilyo. Dumarami ang kabataan na gumagamit ng e-cigarettes at vaping products na pinaniniwalaan ng iba na ligtas na alternatibo sa paninigarilyo. Ngunit may panawagan ang mga doktor at health advocates sa mga magulang at gobyerno na iligtas ang…

Read More

NPA PATAY SA SAGUPAAN, 2 SUNDALO SUGATAN

PATAY ang isang miyembro ng New People’s Army kasunod ng nangyaring engkwentro nang tumugon ang mga sundalo mula sa Philippine Army 63rd Infantry “Innovator” Battalion, sa sumbong hinggil sa nagaganap na extortion activities ng communist terrorist group sa Basey, Samar. Ayon kay Brig. Gen. Noel Vestuir, commander ng 802nd Infantry Brigade, nagsumbong ang mga residente na may extortion activities sa Sitio Bagti, Barangay Mabini, Basey, at sangkot ang nasa 10 armadong rebeldeng NPA mula sa Bugsok Platoon, Sub-regional Committee-Sesame (SRC-Sesame) ng Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC). Bago tuluyang makalapit…

Read More

DRIVER, MAG-AMA PATAY SA ROAD MISHAP

PATAY ang driver ng isang pick-up truck habang patay rin ang isang mag-ama, at apat ang sugatan sa magkakahiwalay na aksidente na kinasangkutan ng mga bus sa Davao City at Sta. Cruz, Davao del Sur. Sa unang road accident sa Barangay Bato, Sta. Cruz, Davao del Sur, wasak ang isang pick-up truck matapos na bumangga sa kasalubong na bus na ikinamatay ng driver nito. Habang sugatan naman ang mga pasahero nito kabilang ang driver at konduktor ng bus. Isa ring bus ang nasangkot sa madugong road mishap nang sumalpok ito…

Read More

3 PATAY, 7 SUGATAN SA KARAMBOLA NG 3 SASAKYAN

QUEZON – Tatlong pasahero ng isang pampasaherong van ang patay habang 7 pa ang sugatan sa karambola na kinasangkutan ng nasabing van at dalawa pang sasakyan sa Maharlika Highway, sa Barangay Talisay, sa bayan ng Tiaong sa lalawigan, nitong Linggo ng madaling araw. Ayon sa inisyal na report ng Tiaong Police, sangkot sa insidente dakong alas-3:30 ng madaling araw, ang isang pampasaherong Toyota van na patungong Masbate, isang Mitsubishi Xpander AUV, at pampasaherong bus na Bicol Isarog. Ayon sa imbestigasyon, patungong southbound direction ang van nang mag-overtake ito sa sinusundang…

Read More

Sa pagsasara ng Kalangitan landfill CENTRAL-NORTHERN LUZON, METRO MANILA BABAHO

CLARK FIELD – Nangangamba ang 15 milyong katao sa Central at Northern Luzon gayundin sa Metro Manila sa napipintong massive garbage crisis na magdudulot ng pagbaho at major health crisis kaugnay ng planong pagpapasara ng sanitary landfill na nakabase sa Capas, Tarlac. Ito ang ibinunyag ng mga galit na grupo ng mga hospital at toxic waste treaters na ikinatatakot ang posibleng pagka-expose sa health hazards ng mga pasyente mula sa mahigit 1,000 ospital gayundin sa maliliit na clinic, kabilang na ang mga nagtatrabaho rito sakaling tuluyan nang ipasara ang Kalangitan…

Read More

POGOs SA BALWARTE NG MGA REMULLA UNTOUCHABLE?

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) TILA ganito ang nais sabihin ng vlogger na si Banay By nang kwestyunin niya sa kanilang programa ng Banateros sa SMNI kung bakit hindi kasama sa mga iniimbestigahan ng Senado ang POGO-han sa lalawigan ng Cavite. Ayon sa vlogger, kung sinsero ang grupo ni Senator Risa Hontiveros na matumbok ang lahat ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa ay dapat busisiin din ang iba pa lalo na ang malalaki sa halip na tumutok lang sa Bamban, Tarlac. “Kaya napaplastikan ako kay Hontiveros kasi namimili lang…

Read More