HINDI nagpapigil ang ilang estudyanteng kamag-anak ng overseas Filipino workers para tulungang ikampanya ang AKO-OFW Party-list na numero 116 sa balota. Kanya-kanyang abot ng fliers at pakikipag-usap ang ginawa nila sa kanilang madaanan sa paligid ng kanilang paaralan sa Maynila para ipalaganap ang adbokasiya ng AKO-OFW Party-list. Labis naman ang tuwa at pasasalamat ng AKO-OFW dahil sa pagtulong ng mga naturang estudyante nang walang kapalit. Ayon kay 1st nominee at AKO-OFW Chairman Dr. Chie Umandap, mabuting nalalaman ng ating mga kababayan lalo na ng mga estudyante na kamag-anak ng overseas…
Read MoreDay: March 23, 2025
MATIBAY NA SUPORTA TINANGGAP NG BUMBERO
MAHALAGANG tagumpay ang naabot ng Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Party-list sa engrandeng pagbubukas at pagbabasbas ng kanilang punong tanggapan sa JW Diokno Boulevard, Lungsod ng Pasay, noong Biyernes, Marso 21. Dinaluhan ang kaganapan ng mga pangunahing personalidad sa pulitika at iba’t ibang sektor, na nagpatibay sa adhikain ng ABP na itaguyod ang kapakanan ng mga bumbero at unang tumutugon sa sakuna sa buong bansa. Kabilang sa mga natatanging panauhin ang dating gobernador ng Laguna na si ER Ejercito, na nagbabalik sa pulitika bilang kandidato sa pagka-alkalde ng Pagsanjan. Kasama…
Read MoreNEGATIBONG EPEKTO NG PAGDI-DELAY SA IMPEACHMENT TRIAL INILATAG
ANIM na dahilan ang inilatag kung bakit umano dapat kailangang madaliin ng impeachment court ang paglilitis sa mga impeachable official, tulad ni Vice President Sara Duterte na in-impeach ng Kamara nitong nakaraang taon. “The first reason is to prevent further harm. If an official is abusing their power, breaking the law, or acting against the public interest, allowing them to remain in office could lead to greater damage,” ayon kay House Minority Leader Marcelino Libanan na kabilang sa 11 itinalagang mga House prosecutor. Pangalawa aniyang dahilan ay kailangang ipakita sa…
Read More‘TEAM AMOY ASIM’ NAKATIKIM DIN NG CONFI FUND NI VP SARA?
ISANG grupo na tinawag ng mga mambabatas sa Kamara na ‘Team Amoy Asim’ ang nakatanggap umano ng confidential and intelligence fund (CIF) ni dating Department of Education (DepEd) secretary at Vice President Sara Duterte. “Sa patuloy na pagsusuri ng Kongreso sa listahan ng mga nakatanggap ng confidential funds ng DepEd, may bagong grupo na naman—ang tinatawag nating ‘Team Amoy Asim’,” tinukoy ni House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V. Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil lumabas ang mga pangalang ‘Amoy Liu’, ‘Fernan Amuy’ at ‘Joug De Asim’ na mga recipient…
Read MoreKlase suspendido TIGIL-PASADA TATAPATAN NG LIBRENG SAKAY
NAGLAAN ng karagdagang bus at magbibigay rin ng libreng sakay ngayong araw sa pag-arangkada ng transport strike ng grupong Manibela. Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon, maglalagay sila ng karagdagang mga bus sa EDSA busway at librang sakay naman para sa Light Rail Transit (LRT-1 at LRT-2) at Metro Rail Transit (MRT-3). Itinakda ng Manibela ang kanilang tigil-pasada mula ngayong Lunes hanggang Miyerkoles, (Marso 26). Apela ni Dizon, huwag na nilang ituloy ang transport strike at sumama na lamang sa diyalogo sa DOTr. “Panawagan natin na sana…
Read MoreBabanat sa tri-comm makukulong R.I.P. FREEDOM OF EXPRESSION – MOCHA
TILA patutsada sa tri-committee ng Kamara ang post ng vlogger na si Mocha sa gitna ng mga pagdinig kaugnay ng fake news na ikinakalat sa social media. Sa kanyang Facebook Page na Mocha Uson Blog, nag-post ang dating assistant secretary of the Presidential Communications Operations Office (PCOO) ng nakaraang administrasyong Duterte ng: “R.I.P. Freedom of Expression”. Agad naman itong sinopla ng mga netizen. Paalala ng isa: “I feel sorry for what you had become. Freedom of expression doesn’t mean you can sponsor lies”. Nabatid na mino-monitor na ng tri-committee ang…
Read MoreTRABAHO NOMINEES NAG-HOUSE-TO-HOUSE SA PASIG
PERSONAL na binisita ng TRABAHO Party-list nominees ang mga residente ng Brgy. Manggahan at Brgy. Santolan, Pasig City noong March 15, 2025. Kita sa mga larawan sa Facebook post ng TRABAHO, 106 sa balota, na mismong ang nominees na sina Atty. Johanne Bautista at Ninai Chavez ang nagmamano at nakikipagkumustahan sa mga Pasigueño sa tapat ng kanilang mga bahay at tindahan. Ibinida ng TRABAHO ang kanilang plataporma sa mga taga-Pasigueño at inalam rin nila ang iba’t ibang pangangailangan ng kanilang mga nakausap. “Ang TRABAHO po ang magiging boses ng mga…
Read MorePAGDAKIP KAY DUTERTE LEGAL – LAW EXPERTS
“LEGAL at warranted.” Ganito inilarawan ng apat na Filipino legal experts ang utos ng International Criminal Court (ICC) na arestuhin si dating pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kinakaharap niyang kasong may kaugnayan sa crimes against humanity. Para kina dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio, ICT Senior Associate Ruben Carranza, dating ICC judge Raul Pangalangan, at rights lawyer Ted Te, ang gobyerno ng Pilipinas ay sumunod lamang sa proseso sa ilalim ng Republic Act No. 9851, o ang “Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes…
Read MoreSUPORTA NG KAMARA SA KAPAKANAN NG BARANGAY OFFICIALS TINIYAK NI ROMUALDEZ
TINIYAK ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga opisyal ng barangay ang matibay na suporta ng Kamara de Representantes sa pagpapalakas ng kanilang kakayahan sa paglilingkod at pagtaguyod ng kanilang kapakanan. Ipinahayag ni Speaker Romualdez ang pangakong ito sa kanyang mensahe nitong Miyerkoles sa harap ng mga miyembro ng Liga ng mga Barangay ng Pilipinas-Tacloban Chapter na sumasailalim sa apat na araw na komprehensibong pagsasanay sa Citystate Tower Hotel sa Ermita, Maynila. “The House of Representatives, under my leadership, is committed to giving barangay officials the dignity and support…
Read More