PCG MEMBER SUGATAN SA KARAMBOLA NG 3 SASAKYAN

SUGATAN ang motorcycle rider na isang 30-anyos na miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG), makaraang bumangga sa dalawang sasakyan sa northbound lane ng Roxas Boulevard malapit sa panulukan ng United Nations Avenue, Ermita, Manila noong Linggo ng gabi. Kinilala ang sugatan na si Jhon Mark Ordoñes, may asawa, nakatalaga sa Coastguard Education Training and Doctrine Command, at residente ng Dasmariñas, Cavite. Ayon sa ulat ni Police Executive Master Sergeant Jun-Jun Jasminez, OIC ng Vehicular Traffic Investigation Section (VTIS), na pinangangasiwaan ni Police Major Jaime Gonzales Jr., hepe ng Manila District…

Read More

DOH BALIK-KAMPANYA KONTRA YOSI KADIRI!

BALIK sa kampanya kontra sigarilyo ang Department of Health (DOH) sa “Yosi Kadiri” program. Kasama ang mga bagong karakter, ibinida nina Vape Sulasok, Eva Li at Ate Rose ang mga posibleng panganib na dulot ng vape at sigarilyo sa puso at baga ng mga Pilipino. Ayon sa DOH, mahigpit ang ugnayan ng ahensiya laban sa paggamit ng vape at tobacco dahil sa mga sakit na makukuha sa mga ito gaya ng atherosclerosis, iba’t ibang uri ng kanser, at EVALI o Vaping Use-Associated Lung Injury. Batay sa datos, mahigit 88,000 Pinoy…

Read More

P1.08-B ILEGAL NA DROGA NASAMSAM NG PDEA

TINATAYANG umabot sa P1.08 bilyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam sa serye ng anti-narcotics operation na inilunsad ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong nakalipas na linggo. Ayon kay PDEA Director General Usec. Isagani Nerez, kabilang sa 63 anti-drug operations ang 44 buy-busts, pitong marijuana eradication missions, pitong search and seizure raids, at limang interdiction efforts na nagresulta sa pagkakaaresto sa 91 indibidwal. Bahagi ang mga operasyon ng pinaigting na kampanya ng PDEA, sa ilalim ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na paigtingin…

Read More

6 buwang fetus sa tiyan lumabas BUNTIS NA NURSE PATAY SA KAMBAL NA TRAHEDYA

KALUNOS-LUNOS ang sinapit ng buntis na Nurse makaraang mabangga ng dalawang pribadong sasakyan habang tumatawid sa pedestrian lane, Linggo ng gabi sa Bago City, Negros Occidental. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame ni OIC Bago PNP, PLt. Col. Ariel Pico, dakong alas-09:15 ng gabi habang tumatawid ang biktimang si ‘Maria’ sa pedestrian lane ay nabangga ito ng Toyota Avanza na minamaneho ni Philip Jansen Cantiller, 30-anyos. Sa lakas ng pagkabangga ay tumilapon ang biktima sa kabilang direksyon at nasagasaan ulit ng Toyota Yaris na minamaneho naman ni Salvador Castro,…

Read More

NANUTOK SA BIRTHDAY PARTY ARESTADO

CAVITE – Patong-patong na kaso ang kinahaharap ng isang lalaki makaraang walang pahintulot na pumasok sa isang birthday party at nanutok ng baril sa mga bisita sa Imus City noong Linggo ng hapon. Nahaharap sa kasong alarm and scandal, grave threat, paglabag sa RA 10591 at BP 881 (Omnibus Election Code) ang suspek na si alyas “Ronald”. Ayon sa reklamo ni “Carmilo”, may-ari ng bahay sa Buhay na Tubig, Imus City, Cavite, nagkakasayahan sila dahil birthday ng isa nitong kamag-anak bandang alas-4:30 ng hapon, nang biglang pumasok ang lasing na…

Read More

DATING SUNDALO NA WANTED SA MURDER, HULI SA ANTIPOLO

ANTIPOLO CITY – Nagwakas ang sampung taong pagtatago ng isang dating kasapi ng Philippine Army na sangkot sa kasong murder, nang masakote sa inilunsad na law enforcement operation ng Philippine National Police sa nasabing lungsod. Walang piyansang inirerekomenda ang korte para sa naarestong si alyas “Joel” na natunton ng mga awtoridad sa Boso-Boso sa Barangay San Jose, Antipolo City, Rizal noong Linggo. Si Joel na itinuturing na kabilang sa listahan ng Regional Level Most Wanted Persons ng CALABARZON, ay naaresto ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)…

Read More

PAG-ABSWELTO SA EX-PSG CHIEF NI DU30 IKINAGALIT NG GABRIELA

IKINAGALIT ng Gabriela party-list group ang pag-abwesto ng Special General Court Martial (SGCM) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa dating commander ng Presidential Security Group (PSG) na isinangkot sa pagpatay sa isang dating model at negosyante sa Davao City noong 2022. “This is not justice. This is a travesty,” ani Gabriela representative Arlene Brosas matapos ipawalang sala ng SGCM si Brigadier General Jesus Durante III sa kasong pagpatay sa biktimang si Yvonne Chua Plaza. Si Durante ayna dating PSG commander ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay inakusahang nasa…

Read More

134 absent sa pagbabalik-sesyon MGA KONGRESISTA VACATION MODE PA?

MISTULANG nasa vacation mode pa ang maraming miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil mahigit isang daan pa ang hindi nagpakita sa unang session mula sa mahigit tatlong buwang bakasyon. Sa pagbabalik session ng Kamara kahapon, 172 Congressmen lamang ang tumugon sa roll call mula sa 306 miyembro ng 19th Congress kaya umaabot sa 134 ang hindi pumasok sa kanilang trabaho. Ang Kongreso ay nagbakasyon mula noong Pebrero 6, 2025 para bigyang daan ang katatapos na midterm election. Dalawang linggo lamang ang natitirang panahon o katumbas ng 6 session days…

Read More

PBBM KAY TORRE: PNP LINISIN

LINISIN ang police force, kumilos nang mabilis laban sa mga pasaway na opisyal at tiyakin na ang kapulisan ay mananatiling ‘source of public reassurance’ at proteksyon. Ito’y ilan lamang sa mga marching order ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay bagong Philippine National Police (PNP) chief Gen. Nicolas Torre III, na opisyal na pamumunuan ang 231,000-strong police force, araw ng Lunes. “Panatilihin mong malinis at marangal ang hanay ng kapulisan,” ang bilin ni Pangulong Marcos sa isinagawang PNP change of command ceremony sa Camp Crame. Hinikayat naman ng Pangulo si…

Read More