P200K PATONG SA ULO NG SUSPEK SA PINATAY NA OIL DEPO ADMIN

QUEZON – Nag-alok ng P200,000 na pabuya ang Sariaya Municipal Police station sa sinomang makapagbibigay ng impormasyon at makapagtuturo sa suspek sa pagpaslang sa assistant terminal administrator ng isang oil depot sa nasabing bayan sa lalawigan. Magugunitang dakong alas-11:00 noong Miyerkoles ng gabi, tinambangan ng hindi nakilalang suspek ang 35-taong gulang na biktimang si Ronel Reyes, assistant terminal administrator sa oil depot ng Azora Holding Inc. sa Barangay Castañas, Sariaya, habang ito ay sakay ng kanyang motorsiklo pauwi sa kanilang bahay. Agad itong namatay dahil sa mga tama ng bala…

Read More

P5-M SHABU NASABAT SA LAGUNA BUY-BUST

LAGUNA – Mahigit P5.5 milyo halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng mga awtoridad mula sa isang high-value individual (HVI) sa isinagawang buy-bust operation sa Pulo 2, Brgy. Wawa, sa bayan ng Siniloan sa lalawigan noong Huwebes ng umaga. Ayon sa report ng Siniloan Police, bandang alas-10:00 ng umaga, nagsagawa ng operasyon ang Municipal Drug Enforcement Team (MDET) na nagresulta sa pagkaaresto sa HVI na kinilala sa pangalang “Jerald”, 32, at residente ng nasabing barangay. Nakumpiska sa suspek ang 10 plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may…

Read More

JEEPNEY DRIVER SA COMMONWEALTH AVE. ACCIDENT BINAWIAN NG LISENSYA

PARA maging bahagi ng road safety measures, binawi ng Land Transportation Office (LTO) ang driver’s license ng jeepney driver na sangkot sa malalang road crash sa Commonwealth Avenue sa Quezon City noong Abril 13, ngayong taon. Nabatid na ang insidente ay nagresulta sa pagkamatay ng dalawang estudyante sa kolehiyo at hindi bababa sa 16 na iba pang mga pasahero ang nasugatan. Ayon kay LTO chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, napatunayang guilty sa kasong reckless driving ang driver ng pampasaherong jeepney sa isinagawang imbestigasyon ng LTO. Kaugnay nito,…

Read More

2 LALAKI TIMBOG SA P3.9-M VAPES SA PARAÑAQUE

ARESTADO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang lalaki sa pagbebenta ng illegal vapes sa ikinasang entrapment operation sa Parañaque City noong Miyerkoles. Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Reginald”, 28-anyos, at alyas “Ace”, 23-anyos, iniharap sa media makaraang isailalim sa inquest proceedings sa Parañaque City Prosecutor’s Office dahil sa paglabag sa Republic Act 11900 (Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act). Ayon kay NBI Director Judge Jaime Santiago, dahil sa impormasyon sa pagbebenta ng mga suspek ng ilegal na vapes, kumuha ng certification sa Department…

Read More

MANILA LGU MAY ‘NOTICE OF DISCONNECTION’ NA MULA SA SERVICE PROVIDERS

NAKIUSAP ang pamahalaang Lungsod ng Maynila sa mga service provider na huwag munang putulin ang pangunahing serbisyo sa mga hospital, eskuwelahan at opisina na pinatatakbo ng Manila LGU lalo na ngayong dumaranas ng matinding krisis sa pananalapi ang lungsod. Sa pakikipagdiyalogo ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, inilahad niya na nakatanggap ang Manila LGU ng disconnection notices dahil sa hindi nabayaraang bills na nagkakahalaga ng P113,596,710.54, na sumasaklaw sa kuryente, tubig at internet service sa mga eskuwelahan, ospital at iba pang pasilidad ng pamahalaan sa siyudad Kabilang sa pinakiusapan ng…

Read More

2 EX-POGO WORKERS KALABOSO SA ONLINE SELLING NG PEKENG PERA

KALABOSO ang dalawang lalaki na sangkot umano sa online selling ng mga pekeng pera sa Las Piñas City. Hindi nakapalag ang dalawang suspek nang damputim ng mga tauhan ng PNP Anti-Cybercrime Unit. Kinilala ni PNP-ACG Director Police Brig. Gen. Bernard Yang, ang mga suspek na sina alyas “Agila”, 30, at “Usa”, 18-anyos, mga dating empleyado ng POGO. Nag-ugat ang operasyon sa sumbong ng Bangko Sentral ng Pilipinas hinggil sa talamak na pagbebenta ng counterfeit currency sa social media. Sa isinagawang cyber patrolling ng ACG, nakumpirma na ibinibenta sa halagang P150.00…

Read More

BORDER CONTROL AT ANTI-SMUGGLING CAMPAIGN, MAS PALALAKASIN NI COMM. ARIEL NEPOMUCENO!

TARGET ni KA REX CAYANONG NATUKLASAN na ang unang atas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel Nepomuceno ay simple ngunit makapangyarihan: protektahan ang mga hangganan ng bansa at tiyakin ang tapat, malinaw, at epektibong pangongolekta ng kita ng gobyerno. Sa harap ng matinding pangangailangan para sa matatag na ekonomiya at pambansang seguridad, malinaw na ang papel ng BOC ay higit pa sa pagiging simpleng ahensya ng buwis kundi isa itong tagapagbantay ng kinabukasan ng bansa. Hindi na bago kay Nepomuceno ang serbisyo publiko. Bilang…

Read More