US UNDERSECRETARY FOR ECONOMIC AFFAIRS, BIBISITA SA PH

NAKATAKDANG dumating sa bansa si United States Undersecretary of State for Economic Affairs Jacob Helberg upang isulong ang kooperasyon sa teknolohiya at seguridad pang-ekonomiya sa pagitan ng Manila at Washington, D.C., ayon sa United States Department of State. Sa inilabas na impormasyon ng United States Embassy in Manila, nakatakdang bumisita si Helberg sa Pilipinas at Singapore mula Mayo 17 hanggang 21 upang makipagpulong sa mga opisyal ng pamahalaan, kinatawan ng pribadong sektor, at mga kasaping estado ng Association of Southeast Asian Nations. Layunin ng pagbisita na isulong ang pagbuo ng…

Read More

PAGLULUNSAD NG QCITIZEN DATA-RESIBO NG SERBISYO PINANGUNAHAN NI MAYOR BELMONTE

PARA magkaroon ng transparency at mabilis na serbisyo, pinangunahan nitong Lunes ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang paglulunsad ng QCitizen Data-Resibo ng Serbisyo na bahagi ng commitment ng lokal na pamahalaan para magkaroon ng higit na accountability at mabilis na pagseserbisyo sa publiko sa pamamagitan ng open digital governance. Tampok sa programang ito ang tatlong flagship digital platforms upang ang QCitizens ay higit na maunawaan, ma-monitor at malaman ang iba’t ibang serbisyo ng QCLGU para sa QCitizens. Sa ginanap na press conference nitong Lunes, Mayo 18, sinabi ng QC…

Read More

IMPEACHMENT COURT VS VP SARA, BINUO NA

PORMAL nang nanumpa ang mga senator-judge sa gagawing impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte matapos mag-convene sa plenaryo ngayong Lunes. (DANNY BACOLOD) TULUYAN nang nag-convene ang Senado bilang impeachment court para talakayin ng articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte. Sa sesyon kanina ay inirefer na sa Senate Committee on Rules ang articles of impeachment. Bukod sa articles of impeachment, inanunsyo ng Senado na hawak na rin nila ang box mula sa Bureau of Internal Revenue na naglalaman ng mga dokumento ni VP Duterte. Tanong naman…

Read More

P526-M SMUGGLED YOSI NASABAT NG NAVY

HAWAK ngayon ng Bureau of Customs ang tinatayang P526 milyong halaga ng hinihinalang smuggled tobacco products na nasabat ng mga tauhan ng Philippine Navy sa isinagawang joint anti-smuggling campaign kaugnay sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paigtingin ang kampanya kontra smuggling at pagbabantay sa mga hangganan ng bansa. Ayon sa BOC, malaking dagok ito sa smuggling syndicates matapos masabat ng Philippine Navy-Western Mindanao Naval Command (WESMINCOM) ang dalawang major maritime smuggling attempts sa Western Mindanao sa loob lamang ng 48 oras. Sa joint inventory na isinagawa ng Philippine…

Read More

FORMER UP PROF DE LEON ITINALAGANG DBM CHIEF

KINUMPIRMA ng Malakanyang ang pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Department of Budget and Management Secretary Kim Robert De Leon bilang permanenteng kalihim ng ahensya. Si De Leon, dating propesor ng University of the Philippines at dating DBM Undersecretary, ang pinakabatang miyembro ngayon ng Gabinete ni Pangulong Marcos. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary and Palace Press Officer Claire Castro na inaasahang manunumpa si De Leon sa kanyang bagong tungkulin ngayong Mayo 19, 2026. Kinilala si De Leon bilang isang career public servant na…

Read More

Patutsada ng Malacañang GOBYERNO ‘DI NATUTULOG O NAGBABAKASYON

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko na hindi natutulog o nagbabakasyon ang gobyerno at patuloy itong nagtatrabaho upang tugunan ang pangangailangan ng bawat Pilipino. Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa isinagawang “Bawat Bayan Makikinabang: Makati City” event nitong Lunes kung saan nakatanggap ang 23 barangay ng tig-P200,000 sa ilalim ng Socio-Civic Projects Fund. Kalahati ng nasabing halaga ay inilaan para sa limang iskolar ng bawat barangay. Bukod dito, may 13,571 pamilya rin ang nakatanggap ng tig-10 kilo ng bigas sa ilalim ng local government support funds na ipagpapatuloy…

Read More

CAYETANO TABLADO; THE SENATE WAS NOT UNDER ATTACK — PALASYO

PINANINDIGAN ng Malakanyang na hindi inatake ng mga armadong grupo ang Senado noong nakaraang linggo para arestuhin si Senador Ronald “Bato” dela Rosa. “Was it under attack? It was not. The Senate was not under attack, you can see that in the news. It was a statement only by Senate President Alan Cayetano,” ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary and Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang. Matatandaang iginiit ni Cayetano na inatake ang Senado nitong Miyerkoles at hindi umano gawa-gawa lamang ang insidente para makaalis si…

Read More

Isinusulong sa Kamara 70-ANYOS PA LANG DAPAT MAY P25K CASH GIFT NA

ISINUSULONG ni Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima ang pagbibigay ng mas maagang ayuda at cash benefits sa mga senior citizen sa ilalim ng House Bill No. 9170. Layunin ng panukala na amyendahan ang Republic Act No. 11982 upang mapalawak ang sakop ng mga benepisyaryo at madagdagan ang matatanggap na cash incentives ng mga nakatatanda. Ayon kay De Lima, bagamat kinikilala ng umiiral na batas ang mga senior citizen na umaabot sa edad 80 hanggang 100, marami umanong Pilipino ang hindi na umaabot sa ganoong edad upang makinabang sa…

Read More