NAGHAIN ng resolusyon sa Kamara sina House Speaker Faustino Dy III at Senior Deputy Speaker Ferdinand Hernandez para imbestigahan ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kaugnay ng sunod-sunod na grid failures at malawakang brownout sa Luzon at Visayas. Sa ilalim ng House Resolution No. 1024, hinihiling ang congressional inquiry, in aid of legislation, matapos ang pag-trip noong Mayo 13, 2026 ng 500-kilovolt Tayabas-Ilijan at Dasmariñas-Ilijan transmission lines. Dahil dito, biglang nawalan ng mahigit 2,462 megawatts ng kuryente na nagdulot ng red at yellow alerts sa Luzon at Visayas…
Read MoreDay: May 20, 2026
NBI MAY LEAD NA SA ‘HIDEOUT’ NI SEN. BATO
MAY lead na umano ang National Bureau of Investigation (NBI) sa kinaroroonan ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa ngunit tumanggi muna itong ibunyag habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Ito ang inihayag ni NBI Director Melvin Matibag sa pulong-balitaan ng Manila City Hall Reporters Association (MACHRA) sa Harbour View sa Luneta. “Mahirap naman pong mag-announce na nandirito siya kasi people try to speculate,” ani Matibag. “Marami pong lead na ibinigay, but we have a lead kung nasaan talaga pero in the meantime we will suspend ‘yong announcement kung nasaan talaga siya,” dagdag…
Read MoreSENATE MEDIA NAIS BIGYAN NG PAGKILALA
INIHAIN ni Sen. Risa Hontiveros ang resolusyon upang bigyang pagkilala ng Senado ang Senate Media na nag-cover sa shooting incident sa loob ng gusali noong May 13. Sa Resolution Number 400, nais ni Hontiveros na bigyan ng commendation ang Senate media sa kanilang bravery at professionalism sa pagco-cover ng shooting incident. Tinukoy rito na tinatayang tatlong minuto ang pagpapaputok ng baril, na nagdulot ng panic sa mga Senate staff maging sa mga miyembro ng media na nasa gusali dahil nagco-cover ng may tatlong araw nang standoff sa pagitan ng mga…
Read MoreTOP PERFORMING MAYORS, REPS SA NCR INILABAS NG RPMD
ISINAPUBLIKO ng RPMD Foundation Inc. ang pinakabagong resulta ng kanilang “Index of Governance” (IOG), na kumikilala sa ‘Top-Performing Mayors at Representatives” sa National Capital Region batay sa pinagsamang ‘trust’ at ‘performance’ ratings. Ayon kay Dr. Paul Martinez, ang IOG ay isang komprehensibong governance assessment tool na sumusukat sa mga lider hindi lamang sa popularidad kundi pati sa governance delivery, responsiveness, public service effectiveness, at kumpiyansa ng mamamayan. Sinabi niya na ang mga Mayors ay sinuri sa governance at public service indicators habang ang mga Representatives naman ay tinasa sa legislative…
Read MoreAFP NAKAKUHA NG 72% TRUST RATING — OCTA
MULING nagtala ng mataas na trust at performance ratings ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pinakahuling survey ng OCTA Research para sa unang quarter ng 2026. Batay sa datos ng independent pollster, pito sa bawat sampung Pilipino ang nagtitiwala sa hukbong sandatahan. Sa ginanap na regular Tuesday forum sa Camp Aguinaldo sa Quezon City, nagpasalamat ang pamunuan ng AFP sa patuloy na tiwalang ibinibigay ng publiko sa gitna ng umiinit na usaping pulitikal sa bansa. Ayon sa OCTA Research Tugon ng Masa survey, nakakuha ang AFP ng 72…
Read MoreOSG PINABABASURA SA SC PETISYON PARA SA MEDICAL, DRUG TEST NI PBBM
HINILING ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Supreme Court (SC) na ibasura ang petisyong nag-uutos kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sumailalim sa physical at mental examination kabilang ang hair follicle drug test. Ayon sa OSG, dapat agad ibasura ang petisyon dahil umano sa “utter lack of merit” at kawalan ng legal na batayan. Sinabi rin ng OSG na walang legal standing ang mga petitioner at saklaw ng absolute immunity from suit ang Pangulo. Bukod dito, wala rin umanong sapat na batayan sa batas o Konstitusyon para obligahin…
Read MoreBARMM EDUCATION MINISTER IQBAL, SIBAK
PINAGBITIW sa puwesto si Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Education Minister Mohagher Iqbal matapos lumabas ang special audit report ng Commission on Audit (COA) kaugnay ng umano’y iregularidad sa pagbili ng P2.2 bilyong halaga ng education at training materials. Batay sa dalawang pahinang liham ni BARMM Chief Minister Abdulraof Macacua noong Mayo 11, 2026, inatasan si Iqbal na agad magsumite ng irrevocable resignation, at kapag hindi ito sumunod ay ituturing umano itong kusang nagbitiw sa puwesto. Kabilang umano sa audit findings ng COA laban sa Ministry of Basic,…
Read MoreMGA KINAUSAP NG PGMN, MALALANTAD NA — NBI
MALALANTAD na umano ang mga personalidad na nakipag-ugnayan sa founder ng Peanut Gallery Media Network (PGMN) na si Franco Mabanta matapos aprubahan ng korte ang cyber warrant na hiniling ng National Bureau of Investigation (NBI). Ito ang inihayag ni NBI Director Atty. Melvin Matibag matapos payagan ng Pasig Regional Trial Court ang pagbusisi sa mga gadgets na nakumpiska kay Mabanta at apat pang indibidwal na inaresto sa isinagawang entrapment operation. Sa ginanap na MACHRA Balitaan ng Manila City Hall Reporters Association sa Harbour View sa Ermita, Manila, kinumpirma ni Matibag…
Read MoreKAKALAS SA SENATE MAJORITY BLOC MASAHOL PA KAY HUDAS – MARCOLETA
TINAWAG ni Senador Rodante Marcoleta na masahol pa kay Hudas ang sinomang kakalas sa 13 miyembro ngayon ng Senate Majority bloc matapos ang naging sakripisyo ni Senador Ronald Bato dela Rosa. Sinabi ni Marcoleta na mismong si Senador Camille Villar pa ang nagsabi ng mga naturang salita noong magkakasama sila noong gabi ng kaguluhan. Ipinaliwanag ni Marcoleta na nagsakripisyo si dela Rosa para makuha ang liderato ng Senado ng kanilang grupo kaya sino ang walang konsensya na babalewala rito. Iginiit pa nito na hindi kailangang lumutang ni dela Rosa noong…
Read More