INILUNSAD ng House of Representatives ang isang “rescue-buy” initiative upang saklolohan ang mga magsasaka mula sa Cordillera na labis na apektado ng pagbagsak ng presyo ng gulay at oversupply.
Ang aktibidad na isinagawa sa pangunguna nina House Speaker Faustino Dy at House Majority Leader Sandro Marcos ay ginanap noong Mayo 19 at 20 sa North Wing Lobby.
Sa ilalim ng programa, ibinibenta ang sariwang repolyo sa halagang P200 kada 10 kilo o P20 bawat kilo upang hikayatin ang mga mambabatas, kawani ng Kamara, at mga bisita na direktang suportahan ang mga lokal na magsasaka at maibenta ang sobrang ani.
Ayon kay Marcos, patunay ang inisyatibang ito ng commitment ng liderato ng Kamara na alalayan ang mga magsasaka sa panahon ng krisis.
“Our farmers work tirelessly to feed the nation, yet many of them suffer huge losses whenever prices collapse because of oversupply and high transport costs. This rescue-buy initiative is our simple but meaningful way of helping ease their burden,” pahayag ni Marcos.
“Every kilo bought is direct support for the livelihood of our farmers. We hope this effort also raises awareness about the daily struggles faced by those who keep our food supply stable,” dagdag pa nito.
Hinimok din ni Marcos ang publiko na tangkilikin ang mga lokal na produktong agrikultural at mga programang nagtatanggol sa kapakanan ng mga magsasaka.
“Kapag tinulungan natin ang ating mga magsasaka, tinutulungan din natin ang food security ng bansa. Maliit man na hakbang ito, malaking bagay ito para sa ating mga kababayan sa sektor ng agrikultura,” aniya.
(TINA MENDOZA)
49 