NAGKATULAKAN; PWERSA NG PNP SA SENADO DINAGDAGAN

NAGLAGAY ng karagdagang pwersa ang Philippine National Police (PNP) sa labas ng Senado kasunod ng inaasahang pagdagsa ng mga nagpoprotesta dahil sa muling pag-init ng sitwasyon sa loob at paligid ng Senado. Ayon sa mga ulat, ito rin ang dahilan ng pagpunta ni Secretary of the Interior and Local Government Jonvic Remulla sa Senado upang tiyakin ang seguridad at kaayusan sa lugar. Kasabay ng itinakdang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ng Cayetano bloc hinggil sa flood control controversy, nagkaroon ng insidente kung saan nagkasalubong sina Senator Robin Padilla, Senator…

Read More

PNP-NCRPO HANDANG MAG-DEPLOY NG KARAGDAGANG PUWERSA SA BALIK ESKWELA

TINIYAK kahapon ng pamunuan ng Philippine National Police-National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO) na nakahanda silang magtalaga ng karagdagang puwersa sa muling pagbubukas ng klase para lamang matiyak na magiging maayos at payapa ang pagbabalik-eskuwela ng milyong mag-aaral sa Metro Manila. Matapos ang isinagawang deployment ng nasa mahigit apat na libong pulis sa kalakhang Maynila kaugnay sa magaganap na school opening sa Lunes, siniguro ng NCRPO ang kahandaan nitong mag-deploy ng karagdagang miyembro ng pulisya kung kinakailangan. Nabatid na nagpakalat ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng kabuuang 4,402…

Read More

P13.3-M HIGH GRADE MARIJUANA NASABAT SA NAIA

TINATAYANG nasa P13.3 milyong halaga ang nasabat na high grade marijuana o kush sa ikinasang anti-narcotics operation ng Bureau of Customs at Philippine Drug Enforcement Agency sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 kahapon. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, isang arriving Filipino passenger mula Bangkok, Thailand ang inaresto sa isinagawang interdiction operation sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 kahapon, Hunyo 4, 2026. Ito ay makaraang madiskubre ng mga tauhan ng BOC ang nasa 8.91 kilograms ng hinihinalang marijuana, locally known as “kush,”…

Read More

GATCHALIAN LEADERSHIP KINIKILALA NG MALACANANG

Sen Sherwin Gatchalian-3

Muling iginiit ng Malacañang na ang liderato ni Senate President Pro Tempore Sherwin Gatchalian ang kanilang kinikilala. Ito ay kasunod ng usapin sa Senate leadership matapos igiit ng kampo ni Senator Alan Peter Cayetano na siya pa rin ang kasalukuyang Senate President. Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro na legal ang naging pagpapalit ng liderato sa Senado. Binanggit ni Castro ang sitwasyon noong 2015 kung saan, sa kabila ng pagkakakulong ng tatlong senador at pagliban ng iba pang miyembro, ay nakapag-convene pa rin…

Read More

LEGALIDAD NG SENATE LEADERSHIP CHANGE KUKWESTYUNIN SA SC

BALAK magpasaklolo sa Korte Suprema ng political party na Partido ng Demokratikong Pilipino (PDP) kaugnay ng sinasabing ilegal na palitan ng liderato sa Senado. Ayon kay PDP Deputy Spokesperson Atty. Ferdinand Topacio, hindi sapat ang 12 boto upang legal na makapaghalal o makapagpalit ng Senate President. Aniya, malinaw na nakasaad sa 1987 Constitution na kinakailangan ang mayorya ng lahat ng miyembro ng Senado o hindi bababa sa 13 boto. Nakatakdang kwestiyunin ng PDP sa Korte Suprema ang naging hakbang ng ilang senador na umano’y nagpalit ng liderato ng Senado sa…

Read More

MAS MABIGAT NA PARUSA SA ONLINE CHILD ABUSE, LUSOT SA KAMARA

APRUBADO na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang isang priority measure ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) na magpapalakas sa laban ng bansa kontra online child sexual abuse at exploitation, kabilang ang mga bagong banta mula sa artificial intelligence (AI) at iba pang makabagong teknolohiya. Sa botong 284 pabor, ipinasa ng House of Representatives ang House Bill No. 9461 o ang “Child Online Safety and Protection Act of 2026.” Layunin ng panukala na palakasin at palawakin ang Republic Act No. 11930 o ang Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation…

Read More

PBBM, SENADOR, KONGRESISTA MULING IDINIIN SA MALETA SCANDAL

INULIT ng 18 dating Marines sa Senado ang mga nauna nilang inilabas na alegasyon kaugnay sa pagdedeliber umano nila ng male-maletang pera sa ilang personalidad mula kay dating Cong Zaldy Co. Sa isinagawang pagdinig ng Cayetano-bloc Blue Ribbon Committee, pinangalanan ng 18 dating Marines sina dating House Speaker Martin Romualdez at Pangulong Bongbong Marcos gayundin sina Senators Vicente Tito Sotto III at Senador Erwin Tulfo. Kasama rin sa mga binanggit na nakatanggap ng maleta sina Congressmen France Castro, Raul Manuel, Arlene Brosas, Leila de Lima, Sandro Marcos, Paulo Ortega, Joseph…

Read More