BANTA NI VP SARA SA PANGULO, HINDI PASOK SA INCITING TO SEDITION

MALABONG maharap sa kasong inciting to sedition si Vice President Sara Duterte kaugnay ng mga naging pahayag nito tungkol sa pagpatay kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez. Ito ang nilinaw ng Department of Justice (DOJ) matapos lumabas sa preliminary investigation na walang sapat na batayan para sa inciting to sedition at mas angkop ang kasong grave threats. “Walang inciting to sedition sa mga pahayag ni Duterte,” ayon kay Prosecutor General Richard Fadullon sa press briefing nitong Huwebes. Ayon kay Fadullon, ito…

Read More

US SASAGUTIN ANG GASTUSIN SA PAGPAPA-EXTRADITE KAY QUIBOLOY

SASAGUTIN ng Estados Unidos ang gastusin sa paglilipat kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy at dalawa pa nitong kapwa respondent sakaling maaprubahan ang extradition request laban sa kanila. Ayon kay Department of Justice (DOJ) Chief State Counsel Dennis Arvin Chan, walang babayarang aktuwal na transfer cost ang Philippine government dahil sagot ito ng requesting state o ng US government. Aniya, ang sagot lamang ng Pilipinas ay ang pagproseso at paghahain ng extradition case sa bansa. “Under, I recall, the extradition treaty properly, ‘yung cost ng pag-file…

Read More

Meralco, Kaagapay ng Mga Konsyumer Agad na aksyon sa gitna ng masamang panahon, bawas-singil sa kuryente ngayong Agosto

NAKA-ALERTO 24/7. Walang tigil sa pagtatrabaho ang mga crew ng Meralco upang matiyak ang normal na serbisyo ng kuryente sa mga customer sa kabila ng malalakas na pag-ulan dulot ng pinalakas na Habagat. Makikita sa larawan ang mga crew ng Meralco na nagsasagawa ng power restoration sa Meycauayan, Bulacan. Kasabay ng patuloy na nararanasang mga pag-ulan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa, pinatunayan ng Manila Electric Company (Meralco) na kaagapay ito ng bayan ngayong tag-ulan sa pamamagitan ng pagtiyak na handa 24/7 ang mga crew nito para tugunan ang mga alalahanin…

Read More