NAT’L PEACE CONSCIOUSNESS MONTH GINUNITA

INIHAYAG ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tinapos na nito ang paggunita sa National Peace Consciousness Month sa pamamagitan ng isang simpleng aktibidad na isinagawa kasabay ng seremonya ng pagtataas ng watawat sa DSWD Central Office nitong Lunes, Setyembre 28. Gamit ang temang “Kapayapaan Pagtibayin, Kaunlaran Paigtingin,” pinangunahan ang aktibidad ni Director Miramel Laxa ng Peace and Development Buong Bansa Mapayapa (PDBBM) – National Program Management Office (NPMO), na kinatampukan ng isang espesyal na pagtatanghal na musikal na may temang pangkapayapaan. Kaugnay nito, naghatid din ng mensahe…

Read More

SA SUWELDO NA ‘DI MAIBIGAY, MINAHAN SA ZAMBALES INIREKLAMO

PUNA ni JOEL O. AMONGO BILYUN-BILYONG pisong halaga ng nickel ang hinahakot palabas ng Sta. Cruz, Zambales ng isang minahan, pero ang kakarampot na sweldo ng kanilang mga guwardiya na nangangalaga sa kanilang mga buhay at ari-arian, ay hindi nila maibigay? Anong klaseng kumpanya ‘yan? Pamunuan ng ERAMEN MINERALS INC., wala ba kayong mga puso? O sadyang gahaman kayo sa kita? NAGTATANONG LANG PO, BINIBINING ERIKA? Atrasado ang sweldo ng mga guwardiya n’yo! Hindi isang linggo. Hindi isang buwan. Buwan na ang pinag-uusapan! Habang ang mga boss ng minahan, tama…

Read More

KWENTO NI GRACIOSO PALPAK?

Kurdapyo ni Toto Nabaja INULAN ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizen ang paglantad ng nagpakilalang tauhan ni dating House Speaker Lord Allan Velasco. Mga Ka-Totong Kurdapyo at Kurdapya, itong si PCpl. Rodulfo Gracioso Jr., na nagpakilalang head security ni Velasco ay lumutang sa isang eksklusibo ng GMA NEWS at ibinunyag na naghatid siya ng pera sa pamilyang Duterte na mahigit sa dalawang bilyong piso. Aray naku! Pakak! Kinumpirma naman ng Pambansang Pulisya, na dating miyembro ng PNP si Gracioso subalit sinibak ito dahil sa three counts of less…

Read More

Sobrang Pamumulitika ang Pinagmumulan ng Kahirapan sa Bansa

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS SA isang bansang milyon-milyong pamilya ang araw-araw na nag-iisip kung saan kukuha ng pambili ng bigas, pambayad sa kuryente, gamot at matrikula, nakapanghihinayang isipin na napakaraming oras at lakas ng pamahalaan ang nauubos sa walang katapusang labanan sa pulitika. Habang ang ordinaryong Pilipino ay abala sa paghahanapbuhay at pagkayod para maitawid ang isang araw, tila walang katapusan naman ang mga bangayan, imbestigasyon, pagdinig at paghahanda para sa susunod na labanang pampulitika. Hindi maikakaila na mahalagang usapin ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.…

Read More

RADIO STATION MANAGER NATAGPUANG PATAY SA KOTSE

PINANINIWALAANG inatake sa puso ang isang 68-anyos na beteranong mamamahayag at dyCM station manager na si Sam Costanilla. Ayon sa ulat, napansin ng mga dumaraang mga bata na may nakasusulasok na amoy mula sa isang pulang Toyota Vios na nakaparada bandang alas-8:35 noong Linggo ng umaga sa Barangay Inayawan, Cebu City. Nang buksan ang sasakyan, tumambad sa mga awtoridad ang wala nang buhay na mamamahayag na nasa driver side ng sasakyan. Nang suriin ang CCTV ng Barangay Command Center, dakong alas-8:22 ng umaga noong Biyernes ay pumarada ang nasabing sasakyan…

Read More

TRICYCLE SINALPOK NG BUS; 2 PATAY, 3 SUGATAN

DALAWA ang patay habang tatlo ang sugatan makaraang sumalpok ang isang bus sa nakahintong tricycle sa provincial road sa Barangay Palsahingin, San Pascual, Batangas. Ayon sa imbestigasyon ng San Pascual Municipal Police Station, dakong alas-12:20 ng tanghali noong Sabado nang huminto ang tricycle na minamaneho ni Renato Pelonia, 49, upang magsakay ng isang pasahero. Habang nakahinto ang tricycle, nasalpok ito sa likurang bahagi ng bus na minamaneho naman ni Pablo Pedraza, 52, na parehong patungo sa south direction sa nasabing kalsada. Nasugatan sa insidente ang driver ng tricycle at tatlo…

Read More

LET’S VOLT IN: DOJ, BOC AT NBI, SANIB-PWERSA KONTRA SMUGGLING

WALANG safe haven at walang “sacred cows” sa pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa agricultural smuggling, partikular sa mga puslit na produktong agrikultural. Ito ang pahayag nina Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla at Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel Nepomuceno kasunod ng paglagda ng tatlong pangunahing ahensya ng pamahalaan sa isang kasunduan para palakasin ang kampanya laban sa mga smuggler at kanilang mga kasabwat. Pormal na nilagdaan kahapon ang Tripartite Memorandum of Agreement sa pagitan ng Department of Justice (DOJ), sa pangunguna ni Secretary Frederick Vida; National Bureau of…

Read More

REVISED COOPERATIVE CODE SUPORTADO NI MARK VILLAR

PASAY CITY — Ipinahayag ni Senator Mark A. Villar ang suporta sa Senate Bill No. 1431 o ang panukalang Revised Cooperative Code of the Philippines, na layong palakasin ang mga kooperatiba bilang instrumento sa paglikha ng kabuhayan, pagsusulong ng katarungang panlipunan at pagpapaunlad ng ekonomiya. Batay sa datos ng Cooperative Development Authority (CDA), mahigit 20,000 rehistradong kooperatiba sa bansa ang nakapagbigay ng trabaho sa tinatayang 335,100 manggagawa noong 2024, na nagpapakita ng malaking ambag ng sektor sa ekonomiya. “Malaki ang papel ng mga kooperatiba sa paglikha ng kabuhayan, trabaho, at…

Read More

MARCOS PATULOY NA ISINUSULONG REPORMA AT SUPORTA SA EDUKASYON

PATULOY na isinusulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga reporma at suporta sa sektor ng edukasyon upang mas maraming batang Pilipino ang magkaroon ng kakayahang matuto, umunlad at makasabay sa pandaigdigang pamantayan. Ito ang mensaheng ipinaabot ng Pangulo sa seremonya ng pagkilala sa PISA participating schools at educational partners sa Pasay City, katuwang ang Department of Education (DepEd) sa pangunguna ni Secretary Sonny Angara. Iniulat na tumaas ng 20 puntos ang marka ng mga mag-aaral sa Reading, 17 puntos sa Science at 16 puntos sa Mathematics. Binigyang-diin ni…

Read More