UMABOT sa 18 wanted persons, kabilang ang pitong most wanted person (MWPs) at 11 other wanted persons (OWPs) ang naaresto ng Quezon City Police District (QCPD), sa pamumuno ni Acting District Director Police Brigadier General Christopher Olazo, sa pinaigting na kampanya laban sa mga wanted person sa pamamagitan ng operasyon ng pag-aresto noong Setyembre 25, 2026. Sinabi ng QCPD, kabilang sa mga naaresto matapos silbihan ng warrant of arrest (WOA) ng La Loma Police Station (PS 1), sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Jose Luis Aguirre, ang no. 5 MWP…
Read MoreDay: September 28, 2026
QUIMBO DAMAY SA ALEGASYON NG BAGONG MALETA WHISTLEBLOWER
INIUGNAY ng isang dating pulis na nagsilbing security head ni noo’y House Speaker Lord Allan Velasco ang ngayo’y Marikina 2nd District Rep. Miro Quimbo sa paghahatid ng pera sa dating Speaker mula sa kontrobersyal na contractor na sina Curlee at Sarah Discaya. Ang asawa ni Quimbo na si dating Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo ay naging miyembro ng bicameral conference committee at nagsilbing senior vice chairperson ng House Committee on Appropriations sa panahon ng deliberasyon sa 2025 national budget. Pagkatapos, itinalaga siyang acting chairperson ng komite matapos bumaba sa…
Read MorePAGDALO NI MAYOR BASTE SA IMPEACHMENT NAURONG
HINDI dumalo sa unang araw na itinakda para sa kanyang pagharap sa Impeachment Court si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte kaugnay ng paglilitis sa impeachment case laban sa kanyang kapatid na si Vice President Sara Duterte. Sa halip, humiling ang alkalde na ngayong Martes, September 29, o Miyerkoles, September 30, na lamang siya humarap sa impeachment trial. Sa binasang request ni Impeachment Court Presiding Officer Francis “Chiz” Escudero, humihiling si Mayor Baste ng sapat na panahon upang makalap, ma-authenticate at maiprisinta ang mga dokumentong ipinatawag ng korte kaugnay ng…
Read MoreHABAMBUHAY NA KULONG SA DALAWANG TULAK NG MARIJUANA
MULING nagbabala ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga nagbebenta ng ilegal na droga matapos hatulan ng habambuhay na pagkakakulong ang dalawang drug courier na nahulihan ng halos 20 kilo ng dried marijuana sa Benguet. Ayon kay PDEA Director General Usec. Isagani Nerez, malinaw ang magiging kaparusahan sa mga mahuhuling sangkot sa ilegal na droga. Kinilala ang mga nahatulang sina Roldan Jacinto y Lao-an, alyas “Simple Heart,” at Rocky Jet Bagoling y Layogan. Sa 44-pahinang desisyon na may petsang September 24, 2026, hinatulan ng Regional Trial Court, First Judicial…
Read MoreMGA PINANGALANAN NI GRACIOSO IPATATAWAG NG NBI
HANDANG ipatawag ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga personalidad na binanggit ni dismissed policeman Rodulfo Gracioso Jr. kaugnay ng alegasyon nitong pamamahagi ng bilyun-bilyong pisong cash sa pamilya Duterte. Kabilang umano sa mga nakatanggap ng pera sina Vice President Sara Duterte, dating Pangulong Rodrigo Duterte at Davao City 1st District Representative Paolo Duterte. Sa isang ambush interview kay NBI Director Atty. Melvin Matibag sa isinagawang Tripartite MOA Signing sa Department of Justice (DOJ), sinabi nitong bahagi ng kanilang imbestigasyon ang pag-imbita at pakikipag-ugnayan sa mga personalidad na pinangalanan…
Read MorePinadedeklara sa SC PAGPAPALIBAN NG BSKE UNCONSTITUTIONAL
KINALAMPAG ni election lawyer Atty. Romulo Macalintal ang Korte Suprema upang agarang aksyunan ang kanyang petisyon na kumukuwestiyon sa pagpapaliban ng 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Sa 21-pahinang petition for certiorari and prohibition na inihain ni Macalintal, hiniling nito sa Kataas-taasang Hukuman, partikular kay Chief Justice Alexander Gesmundo at mga kasamahang mahistrado, na ideklarang labag sa Konstitusyon ang Republic Act No. 12326 na naglilipat sa iskedyul ng BSKE. Hiniling din niya ang status quo ante order, temporary restraining order (TRO), at writ of preliminary injunction upang pigilan ang…
Read More