3 NOMINEES NG TINGOG PARTY-LIST NAWALA SA LISTAHAN

NAGKAROON ng pagbabago sa tatlong nominee ng Tingog Party-list na nanalo sa nagdaang eleskyon, ayon sa kumpirmasyon ni Comelec Chairman George Garcia.

Sinabi ng poll chief, nawala sa listahan ang nominee numbers 3, 4, at 5 na sina Marie Josephine Diana Calatrava, Alexis De Veyra Yu, at Paul Richard Sevilla Muncada.

Paliwanag ni Garcia, alinsunod sa batas ay susundin ng Komisyon ang ranking.

Dahil nawala sa listahan ang nasabing mga nominee, nangangahulugan na papalit sa kanila ang pang-anim na nominee na si Yedda Marie Kittilstvedt Romualdez.

Maglalabas naman ang komisyon ng Certificate of Proclamation upang makaupo si Romualdez sa puwesto sa Kamara.

Sa nagdaang 2025 elections, nakakuha ng halos dalawang milyong boto ang Tingog Party-list na nagbigay sa kanila ng tatlong puwesto sa Kamara.

Inaalam pa sa ngayon kung ang tatlong nominee ay boluntaryong nagbitiw o tinanggal sa listahan dahil sa conflict of interest.

(JOCELYN DOMENDEN)

67

Related posts

Leave a Comment