POSIBLENG SANGKOT SA KASO NG MISSING SABUNGEROS, NASA 30 PERSONALIDAD -DOJ

HIGIT 30 katao ang maaaring sangkot sa kaso ng mga nawawalang sabungero, ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

Nakipagpulong si Remulla kay Julie “Dondon” Patidongan, alyas Totoy, sa Department of Justice sa Maynila nitong Biyernes upang humingi ng impormasyon at paglilinaw hinggil sa kaso.

“We were talking about other people who may be involved… Maybe more than 30,” ani Remulla sa mga mamamahayag.

Nang tanungin kung humiling si Patidongan na maging state witness, sinabi ni Remulla na kasalukuyan pa itong pinag-uusapan.

“We have to put everything within the context of the prosecution service, iyon naman ang papel ng DOJ. We’re bringing it into that context of the prosecution service where we can help each other,” ayon sa kanya.

Sinabi rin ni Remulla na ang sinumpaang salaysay ni Patidongan ay kasalukuyang isinasaproseso.

(JULIET PACOT)

72

Related posts

Leave a Comment